TILALUHA, The Talk

IKASIYAM NA KABANATA

HINDI ko namalayan na wala na si Darryl sa loob ng bahay. Hinanap ko siya kanina pero bumalik na raw sa bahay niya sa baba ang bata.

Nilingon ko si Luke na galing sa kusina. Tinabihan niya ako sa sofa at iniharap sa kaniya. He inspected my face and put some ointment sa gilid ng putok kong labi. Nakatitig lang ako sa kaniya the whole time na inaasikaso niya ang mga natamo kong sugat.

“Monday ngayon. Paano ako papasok sa school?” tanong ko. Hindi kasi siya nagsasalita mula kanina. Hindi rin nagbabago ang expresyon ng mukha niya. Blanko. But I found his eyes endearing. Ang dami ko kasing nakikitang emosyon doon kanina. Napansin siguro niya na nakatitig ako kaya blinangko niya ng emosyon sa mga mata.

“Suspended lahat ng klase mula ngayon.”

I sighed. Marapat na siguro na malaman ko kung ano ang mga nangyayari. “Luke. Ikaw ba si Javier na tinutukoy ni Darryl at ng mga magulang ni Natoy? Ikaw rin ba iyong kasama sa transaksyon sa Katakutan ng gabi ng pyesta sa Kalamansi? Isa ka bang…” I trailed off. “… rebelde?”

Hindi natinag ang ekspresyon sa mukha ni Lukas sa kabila ng diretso kong mga tanong. Matagal ko ng pansin na bihira magpakita ng emosyon si Luke. Iyong una kong kita ay iyong gabi sa Katakutan. That’s the first time, I think. But, I needed his answer.

“Kapag ba taliwas sa layunin ng gobyerno, maituturing ng rebelde?” Aniya. Braso ko naman ang ginagamot niya.

Pinipigilan ko ang sarili na ngumiwi dahil masakit na iyong putok sa gilid ng labi ko. Goodness. Ngayon ko nararamdaman ang sakit ng katawan at mukha ko. Kanina kasi parang wala lang. Parang humulas na lahat ng lakas ko na nagamit kanina.

“Hindi naman. Depende lang sa kung ano rin ba ang layunin nila kung bakit hindi sila nasunod sa gobyerno.”

Hindi na siya nagsalita. Tinapos na niya ang paggamot sa akin. Tinabi ang first aid kit at saka ako hinarap. I was waiting for him to speak up. Nakatitig lang siya sa akin na malapit ko ng ikailang. Buti na lang nagsalita na siya.

“I clearly remembered I advised you not to go out without me. Alam mo ba iyong pakiramdam na akala ko nasa bahay ka lang but maririnig mo na lang na umalis ka?”

Nag-iwas ako ng tingin. “Sorry. Binisita ko lang sina Jophet at Sanya.”

“And look where we are now.”

Ibinalik ko ang tingin sa mata niya na unti-unti nang nagpapakita ng mga emosyon.

“Are you… mad?”

He scoffed. “I am not. Frustrated perhaps?”

Huminga ako nang malalim. “Luke, I’m sorry. I knew it’s my fault but I realized I learned so many things for the past hours of my life. Nalaman ko na isa kang rebelde. So, pwede ba akong makahingi ng ekplenasyon?” It really bothered me knowing that Luke’s a rebel and he might be in danger once the government decided to attack this place.

Hindi agad siya nagsalita.

“Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila pero hindi lang sa isang tao ko narinig ang mga katagang iyon. Sino ka? Javier ba ang apelyido mo? Bakit naging kasapi ka ng mga rebelde? Paano na iyong mga taong umaasa sa iyo sa bayan? Tinuturing ka nilang kaibigan. Naisip mo rin ba ang consequences ng action mo? Kailan ka pa kasapi? Matagal na? Simula nang dumating ka rito? Isa ka rin ba sa mga pumapatay sa mga inosenteng sibilyan at mga pulis at sundalo?” I was glad na hindi ako naiyak habang nagtatanong. My emotions were all over the place.

He seemed confused and bewildered with my sudden outburst pero nakabawi rin kaagad siya.

“Kapag ba sinabi kong kasapi nila ako, anong mararamdaman mo?”

“What?” Matagal ko siyang tinitigan. “A-ano ang dapat kong maramdaman, Luke? Matuwa?” For goodnes sake! Walang magandang dulot ang mga rebelde sa lipunan. SInisira nila ang kaisipan ng mga kabataan. Kaya pala sa school kapag usapang gobyerno ang nagiging topic namin ay hindi maganda ang tingin ng mga bata sa pamahalaan. Even the teachers themselves! Bakit ngayon ko lang nare-realize ang lahat?

“All my life, I’d been fighting injustice and such. Tinuturo ko sa mga bata ang tamang asal at pagsunod sa tama. Hindi ko sila gustong lumaki na masama ang tingin sa gobyerno dahil ginagawa lang naman nila ang nararapat sa bansa.”

“Sa tingin mo lahat ng nakaupo sa posisyon katulad ng iniisip mo? There are bunch of people who sit comfortably for the sake of money and greed. Sila ang dapat tinatapos, Mika.”

I scoffed not because of what he answered but how he answered. He’s so calm!

I took a deep breath. I should be calm, too. Kailangan kong marinig mula sa kaniya ang totoo.

“Luke, anong layunin ng grupo ninyo at bakit niyo ginagawa ito? Kanina sa bus, alam mo ba kung ilan ang nawalan ng buhay? Alam mo rin ba na may namatay sa mismong harap ko dahil binaril siya? Alam mo bang pinasabog nila ang bus kahit nakiusap kami na alisin muna ang katawan ng mga naiwan? They didn’t listen. They let people die before our eyes. What’s the purpose? Just to infuriate the government?” Nangilid ang mga luha ko. “I witnessed so may deaths before my eyes. May bata pa kaming kasama. Do you know its effect on children? They will be traumatized.”

I immediately wiped the tears off my face. I dared glared at him because he appeared to be too calm. Parang wala siyang paki. That hurt.

Wala siyang sinabi na kung ano. Tumayo siya para umalis kaya mabilis din na tumayo ako at hinarangan siya. Inangat ko ang tingin sa mga mata niya.

“Why?”

Hindi ko na siguro kaya itanong lahat ng katanungan sa isip ko. Sapat na ang tanong na bakit para iparating sa kaniya ang nais kong sabihin. Why, Lukas? Your silence was killing me. Totoo ang lahat ng paratang ko ibig sabihin.

“Why? Tell me everything, Luke. I will try to understand everything despite how much it hurts me. Why?”

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang mga kamay ko. “I’ll tell you everything once you rest.”

Tinanggal ko ang mga kamay niya. “No. Tell me everything now. Ganiyan din ang sinabi mo sa akin bago ka umalis. Look kung nasaan tayo ngayon. I can only rest if I know the truth. I hate lies. I really do. But since I really put my trust on you, I will listen.” I really liked you, Luke! You do not need to know that though.

“What do you wanna hear?” he asked after a minute of staring.

“Why?”

“Members of NPA do not just kill people. They kill because those people did something behind their back or probably deeper that what our eyes can see. If they killed or hurt innocents, they they would be condemned by the higher ups. They worked to get a better government.”

“And better government means killing police and soldiers and doing transactions with drugs?”

“They need money. Kulang ang suporta ng mga kababayan nila. Kailangan nila ng pera. Mga naghirap sila sa buhay na gustong gumanda ang kinabukasan ng mga anak nila. They sought the government pero walang response. I knew it’s really wrong but people here were belittled. That’s why they revived the group. And this is what’s happening.”

“Still, maraming ways para hindi sila maging ganoon. Bakit hindi nila sinubukan?”

“Kapag namatay ang mga mahal mo sa buhay dahil sa mga tao sa gobyerno, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo?”

Hindi ako nakasalita agad. “My parents were killed, too. But justice was served. The government did their job.”

“Good for you. But for them, it’s a different case.”

My heart sank. He’s really… I could not say it.

“We just need to wait until this over. Let see who has strong alliance.”

“Are there going to be more killings?” I almost whispered.

Luke softly wiped my tears. I didn’t know my tears were trickling down my face kung hindi niya iyon ginawa. Niyakap niya ako. Mas lalo akong napaiyak. One thing is sure for me. He would be in danger kapag nagtuloy-tuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno.

“Huwag kang mag-alala, Mika. I will keep you safe. I will keep people safe as long as I can. Just trust on me. Don’t jump into conclusions without confirming everything with me. Keep safe and I will do my duty to keep everyone out of harm.”

ALA-una na ng hapon nang magising ako. Naabutan ko si Darryl at ang isang dalaga na nasa labas ng bahay ni Luke na nagkukwentuhan. Nagtatawanan sila nang matigilan iyong dalaga dahil nakita ako. Siniko niya si Darryl.

“Ate Mika! Gising ka na!” Tumakbo palapit sa akin si Darryl. “Gusto mo pong kumain na? Nakapaghanda na kami ni Raylee ng tanghalian.” Tinuro niya iyong babae na kasunod niyang palapit sa akin.

“Hello po. Ako po si Raylee.”

I smiled at them. “Kumain na ba kayo? Sabayan niyo na ako.”

“Okay po,” si Darryl na ang sumagot.

Pinauna ko silang pumasok sa bahay. Ngayon na maliwanag na ay napagtanto ko na gwapo ang mukha ni Darryl at maganda rin si Raylee. Naalala ko bigla sina Jophet at Sanya. Saka si Natoy.

“Bumaba po si Kuya Javier sa kapatagan. Kukuha lang daw po siya ng mga gamit ninyo,” kwento ni Darryl habang kumakain kami.

Bigla akong na-guilty sa kaisipan na mukhang hinintay nila ako bago sila kumain.

“Kanina pa kayo rito?”

“Mga 10 am po bago bumaba si Kuya Javier.”

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain.

“Nag-aaral pa ba kayo pareho?” Tanong ko ulit.

“Ako po, senior high school sa Masallo High. Si Darryl naman po ay kolehiyo na sa State University sa kabilang lungsod,” sagot ni Raylee.

Mga bata pa sila pero mulat na sa buhay na kinabibilangan nila. Gusto ko sanang magtanong tungkol sa paano ang pamumuhay nila pero pinigilan ko ang sarili. Iba ang impact sa mga bata ng ganoong katanungan. I kept my queries with me. Saka isa pa, masakit pa ang labi ko. Ang hirap magsalita nang magsalita. Ngayon ko nadarama lahat ng sakit ng katawan na natamo ko sa nakalipas na dalawang araw. Napatingin ako sa mga braso na nagtamo rin ng mga pasa at sugat. My tita would freak out once she saw me on this state.

I remained silent for the rest of the day. Just took a bath and used clothes I found in the closet. Malaking tee shirt na panlalaki na abot hanggang tuhod ko at boxer shorts ang sinuot ko. I also went out of the house to see what’s outside. There were no television, radio, and cellphone to use so better take time studying the hideout of the rebels.

Still couldn’t believe that Luke’s a rebel. Hindi ko akalain na ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang lubusan ay isa sa kaaway ng pamahalaan. His perceptions were different from mine. Probably because of his stay with the NPA, he became a real one. Still, kahit anong paraan kung sa mali naman ginagawa, mali pa rin. Hindi tama na pumatay ng mga tao. May batas naman para sa human rights. I was able to get justice for my parents. Kung nakuha ko bakit hindi nila makukuha? It might take some time but still justice would be served. Hindi tama na sa dahas daanin lahat. Maraming bata ang nadadamay. Hindi ko kaya na makita ang mga henerasyong tinuturuan ko na mga lumalaban sa pamahalaan. Dapat mahinto ito. I hope my uncle had a better plan on doing what was right. He must.

Mula sa kinatatayuan ko ay dinig ko ang putukan sa kung saan. May mga pagsabog pa akong naririnig. Wala akong makita maliban sa mga nagtataasang puno at mayayabong na damo at halaman pero naririnig ko mga ingay. Hindi ko alam kung saan nanggagaling, kung sa itaas ng bundok o sa ibaba.

Is this really a civil war? Hindi dapat nangyayari ito kung maayos na nakapag-uusap ang dalawang panig.

Nilingon ko ang bahay ni Luke kung nasaan nasa labas pa sina Darryl at Raylee na nagtatawanan. Lumakad ako pababa. Hindi ko alam kung saan ang tinatahak ko pero may sinusunod ko lang ang tahak ng mga paa ko. Napatago ako sa malapad na puno nang may marinig akong mga yabag na pasalubong sa akin. Dumapa ako at pigil ang hininga.

“Sinong nagsabi?”

“Si Boss Dong. Papatayin na raw iyong babae. Hindi sumunod si De Juano sa usapan.”

“Bakit? May taning pa naman na oras, a?”

“Ano ka ba? Pinasabog iyong school. Sira lahat ng items na inimbak noong Biyernes.”

“Paano naman nila nalaman na may nakatago sa school?”

“Iyan ang palaisipan sa taas ngayon. Bakit pinasabog ang school?”

“O? ‘De hindi na tuloy ang transaksyon sa Huwebes?”

“Ano pang ibibigay? Sira na?”

“Paano mga armas?”

“Magpapadala raw sina Senator ng panibagong armas.”

“Angas. Malakas pala sa itaas. Bakit hindi na lang direktang pasabugin Malacanan nang mawala na si De Juano?”

“Hindi kaya. Kailangan makuha tiwala ng mga tao bago ang pagsulong ng bagong gobyerno.”

“Sus. Marami namang alyansa sa senado at kongreso. Papakahirap pa tayo?”

“Malakas pa ang depensa ng presidente. Katabi pa sina Senegal at Marigondon. Iyong dalawa muna bago ang presidente.”

Natutop ko ang bibig nang marinig ang apelyido ni tito. He’s a target?

“Sila ba uunahin?”

“Iyon narinig kong banggit ni boss Dong. Kaya nga kinuha iyong dalagang anak, e.”

“Tiba-tiba si Boss Dong doon, a. Wala na bang ibang anak si Senegal? O kaya naman si Marigondon?”

“Isang anak na babae lang iyon ni Senegal kaya mas masakit iyon sa kaniya. Walang anak si Marigondon kaya walang madali. Iyong asawa ay natago na kaya hindi mahagilap nina Congressman. Pati iyong pamangkin ay naitago na rin ang records.”

Hinintay ko na mawala na iyong boses nila bago ako bumangon at sinandal ang katawan sa puno. The rebels were targetting my uncle. They were really planning to kill the president, too?

Ilang minuto ako na nasa pwesto ko nang tumayo ako para bumalik sa bahay ni Luke. Sinundan ko lang ang tinahak ko kanina at bago pa ako makarating ay nasalubong na ako ng nag-aalalang mukha ni Luke.

“Saan ka galing?” Sobrang kalmado ng boses niya. Kung hindi ko lang alam kung sino siya, baka nadala na naman ako. Kalmado na sweet.

He held both my shoulders. Tinanggal ko ang mga kamay niya at marahang naglakad papasok sa bahay. Hindi ko na napansin sina Darryl at Raylee na nasa may hamba ng pinto nakatayo.

I walked straight the kitchen para uminom ng tubig. My mind was blank. I could not think anything but a way to warn my uncle that he’s also a target.

Luke was just standing near. Hindi niya ako nilapitan para kausapin. I could feel his gaze following my movements. Finally, I spoke.

“So, plano niyong patayin ang mga kaalyado ng presidente para matatag lang ang pamahalaan na gusto ninyo?”

Hindi siya umimik. Hindi ako nakatingin sa kaniya. Ayokong makita ang mga mata niyang nangungusap. He’s one of those people who had a plan to kill the president’s alliance.

“Do you know that plan, Luke? Na may mga kaalyadong senador at kongregista ang grupo niyo para lang mapabagsak ang gobyerno? They even kidnapped Kryzzia Senegal. How could you use a woman as a bait? Ganiyan kayo kaduwag?” I could feel my fury rising. I was really angry especially the fact that I could not do anything to help out. Good thing they did not know who I was.

“Kahit kailan hindi solusyon ang dahas para sa mga problemang kinakaharap niyo. Bakit nadadamay ang mga tao dahil lang sa kapritsyo ng grupo niyo? Sa ilang buwan kong pananatili rito, ilang tao na ba ang nabalitaan kong nawawala at namamatay? Hindi ba at kagagawan ninyo iyon? Ganiyan pala kalakas ang loob niyo kasi may kapit kayo? Sinong mga nasa senado at kongreso ang kasapi niyo?”

I held the glass so tight it almost broke. Nabitawan ko lang agad nang maramdaman ko ang matiim na titig ni Luke. I glanced at him for a second and saw his stance like he did not care at all. Yeah, right.

“What do you get from doing this, Lukas?”

Lumapit siya sa akin. Tumayo siya sa tapat ko. Hindi ko siya inangatan ng tingin.

“Freedom,” he answered. “Justice.”

I looked up. My sight landed on his eyes. “And peace. These are what we gonna get once everything’s finished.”

“Kailan matatapos ito? Kapag namatay na ang mga taong gusto ninyong mawala? Kapag na-trauma na ang mga bata sa pangyayaring ito? Kapag nakuha niyo na ang gusto niyo?”

He heaved a deep sigh and got a chair to sit in front of me. “Mika, you’ll eventually know everything once’s it is done. You might resent me all you want but I could not stop now. I need to do something.”

Matalim ko siyang tinitigan. “What do you need to do?”

Hindi niya ako agad sinagot. He’s just staring at me. And that frustrated the hell out of me. Tumayo ako at nilagpasan siya. He held my hand though. Bigla akong napaharap sa kaniya at nanlaki anng mga mata nang bigla niy akong halikan. Just a peck. Napakurap-kurap ako. Tinapos niya iyon at tinitigan ako sa mga mata. He has pitch black eyes. Sobrang itim!

“Please know that I am doing everything I think is best for both sides. Just trust me on this.”

Hindi ako makahuma. Did he just kiss me? What the hell?

Bigla siyang ngumiti. What the hell? “Your things are here. Kinuha ko na kanina. You can change your clothes.” And dahan-dahan siyang lumayo sa akin.

Natitigilan pa rin ako. I was schocked, my goodness. Ilang segundo pa siguro ako na nakatayo bago niya ako nginitian na naman.

“What?” Amused niyang tanong.

Napaawang ang labi ko at saka siya tinalikuran. Dinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. Dire-diretso ako sa kwarto na pinagtulugan ko kanina at in-lock iyon. I deeply sighed at saka humawak sa dibdib. Iyong puso ko biglang nagrambulan. Napahawak ako sa labi at napailing-iling. I was mad! Bakit kinikilig na ako ngayon?

First time.

Okay. Walang meaning iyon, Mikaela. Sweet lang si Luke. Huwag kang umasa.

TAHIMIK lang ako habang kumakain ng gabihan. Nagluto si Luke ng Sinigang na Baboy at Tortang Talong. Kinuha lang daw niya iyong Talong at Pechay sa taniman nina Raylee sa baba. Hindi ko siya kinausap. Hindi na rin naman siya nagtangkang kausapin pa ako.

Naguguluhan ako. Galit ako kaniya kasi may kinalaman siya mga mga nangyayari sa bayan ngayon. Tapos bakit ako kinikilig? Naalala ko na naman iyong damping halik niya. Hayop talaga.

Bad word, Mika. Bad word.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas. Tinulak ko siya nang pumwesto siya sa lababo.

“You can rest, Mika. You’ve been through a lot,” aniya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nginitian niya ko na parang amused na amused sa inaakto ko.

“So, kailan ako pwedeng bumaba?” tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya.

Nakaupo si Luke sa hagdan habang nakatingin sa kawalan. Tinabihan ko siya.

Tinapunan niya ako ng sandaling tingin. Inangatan ko lang siya ng kilay.

“How are you feeling? Hindi na masakit ang mukha mo?”

Napahawak ako sa pisngi. Maga pa rin siya pero hindi na siya ganoon kasakit. Feeling ko umiimpis na rin siya. Siraulo iyong lalaking nanampal. Kung may pagkakataon, sasampalin ko rin siya nang maramdaman niya kung gaano kasakit ang masampal.

“Hindi na. Okay na ako.”

Tumango siya.

“Paano ka naging rebelde, Luke?” ani ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

“I need to know why people rebel against the government.”

“Nalaman mo naman na ba ngayon kung bakit?”

“Yes. Pero marami pa akong hindi alam. That’s why I am still here.”

Napatingin ako sa kaniya. He’s still looking in the darkness of the trees. I stretched my legs and looked at the vastness of the darkness. “All my life, I think rebels are just nuisance to the government. Ngayon na nandito ako, nabago ang pananaw ko. When I talked to Natoy’s father, na-realize kong maraming pagkukulang ang gobyerno. Alam ko naman na the government is trying its best to give its people what they deserve. Sadyang may mga tao lang talaga na gahaman na pumapagitna sa dalawa. Siguro ang kulang talaga ay maayos na usapan. Dapat diretsong ang presidente ang kausapin ng kung sinoman sa mga rebelde para hindi na naiiba ang usapan.”

I talked. Hindi ko alam kung pinakikinggan ako ni Luke but I needed to tell my thoughts. Ayokong mainis o magalit ng wala naman akong basehan.

“My uncle said they’re doing their best to stop this civil war. Civil war na sa tingin ko. Nagpabomba ng bus? Hospital? At School? Siguro trending na tayo sa mundo,” I smirked. “But it’s sad. We do not unite.”

“We’ll be,” kontra ni Luke. “We’ll be united. Kailangan lang mapaalis sa posisyon ang mga taong kumukunsinti sa gawain ng mga rebelde.”

I glanced at him. “You spoke like you are not one of them.”

“I knew what’s right and wrong, Mika. I condemn my fellows if we are about to commit something unusual.”

“But you were in Katakutan nang magkaroon ng transaction?”

“That one is an exemption to my rule.”

I scoffed. Rule your ass.

“You will eventually understand me. I hope you do not hate me for that.”

“I don’t understand your goals in life. Siguro, mag-ingat ka na lang.”

“Thank you.”

I looked at the trees again. “How are Natoy, Jophet, and Sanya?”

He looked at me for a second and gazed away. “They’re fine.”

“Okay.” I nodded. As long as they’re fine, everything’s good. Tumayo na ako.

“Will you stay here?”

“For a moment, yes.”

“Saan ka matutulog?” Saka ko lang naisip na isa lang ang kwarto sa cabin type na bahay ni Luke.

“Sofa?” ngiting tanong niya.

“Eh?” Ang laking tao sa sofa?

“Ako na lang sa sofa. Sa kama ka na matulog. Papasok na ako.” At pumasok na nga ako sa loob. Hindi ko na hinintay na magsalita siya.

Kinabukasan, nagising na lang ako na nasa kama na. What? Natulog ako na nasa sofa kagabi. I smiled at the thought na binuhat ako ni Luke. Well, don’t assume, Mika.

Pasado nine na ng umaga nang magising ako. Walang tao sa cabin pagkalabas ko after mag-ayos ng sarili. I wore my jeggings at oversized hoodie jacket dahil malamig. Malakas ang ihip ng hangin. May nakahanda ng pagkain sa lamesa. Hindi na muna ko tumuloy roon bagkus ay lumabas at tinahak ang daan pababa sa matarik na daang dinaanan namin ni Darryl. Kahapon ay itinuro niya sa akin ito kaya naman alam ko na ang pagbaba.

Ihip ng hangin at huni ng mga ibon ang naririnig ko habang bumababa ako. Isama na rin siguro ang impit na mga tili ko tuwing muntik-muntikan na akong madulas. Buti na lang at nakahahawak ako sa mga sanga-sanga. Oh, my! Mas madaling umakyat dito kaysa bumaba! Sobrang tarik pala talaga! Nakaya ko ‘to nung nakaraan?

Naramdaman kong medyo malapit na ako sa pinanggalingan namin noong nakaraan nang makarinig na ako ng ingay ng tao. Pati iyak ng bata.

“Andy,” usal ko nang maalala sina Andy at Harriet.

Nagmamadali akong bumaba para lang biglang mapadausdos at magpagulong-gulong hanggang sa dumiretso ako sa parang bushes ng mga halaman. Hindi agad ako nakagalaw.

“Saan mo narinig?”

“Kina Mama. Galing sila sa bayan kagabi. Galit na galit daw si Kap Parang. Biruin mo nadamay iyong anak niya sa pagsabog.”

“Gaig. Patay na talaga si Jophet? Sigurado na iyan?”

“Oo nga! Tanong mo pa kina Darryl. Kasama siya nina Kuya Froy na bumaba kahapon.”

Natigilan ako sa pag-upo. Sinong patay? Si Jophet? Biglang nanlamig ang kamay ko.

“Sino ba kasi bumomba? Sina Kuya Froy ba?”

“Hindi ko rin alam. Mamaya itanong natin kina Kuya.”

“Si Darryl na lang tanungin mo.”

“Kasama ni Darryl si Raylee paakyat sa cabin ni Kuya Javier. Baka babantayan ulit iyon girlfriend ni Kuya J.”

“Teacher daw iyon sa Marawi High?”

“Oo. Teacher nina Jophet iyon.”

Hanggang sa mawala sa daan iyong boses ay hindi ako nakagalaw. Anong nanyari? Kasama sa nabomba ang parte ng hospital kung nasaan sina Jophet? Bakit? Tinanong ko kagabi si Luke. Okay lang naman daw ang tatlo. Ano naman ang nangyari kina Sanya at Natoy?

Dali-dali akong tumayo at dumiretso sa pagbaba. Hindi ko alintana ang damo at lupa-lupa na nasabit na sa suot ko. Palapit ako nang papalapit sa may kapatagang lugar. Palakas din nang palakas iyong iyak ng bata. Si Andy siguro iyon.

“Patahimikin niyo iyong bata! Dalhin kay Manang Sally!” sigaw ng isang lalaki.

“Bumaba sina Manang Sally para kumuha ng rasyon sa baba! Hindi pa bumabalik mula noong Linggo. Baka natambay sa anak niya!” sagot naman ng isa pa.

“Patahimikin niyo!”

Dali-dali akong tumakbo palapit sa lalaking may karga kay Andy.

“Sandali!” sigaw ko at sigaw ng isa pang lalaki dahil bigla akong tinutukan ng rifle noong lalaking nagsasabing patahimikin ang bata.

“Akin na po si Andy. Akin na.” Kinuha ko sa pagkakakarga si Andy na hilam na hilam na sa luha ang mga mata. Biglang piniga ang puso ko sa histura ng bata. Suot pa rin niya iyong damit na gamit niya noong nakaraan.

“Sino iyan?”

May binulong iyong isang lalaki sa nagtanong. Binaba naman na niya ang baril. I looked at Andy na iyak pa rin nang iyak. My God.

May lumabas na isang batang babae sa cabin na malapit sa amin. Nilapitan ko agad siya at tinanong kung may towel. Inabutan naman niya ako ng kinuha niya sa loob ng bahay. I looked around para sa pwedeng maupuan. Nang makakita ako ng malaking ugat ay agad akong dumiretso.

“Hush, baby. Tita Mika is here. Sssssh,” alo ko habang marahang pinupunasan ang luha at sipon ng bata. Ang lamig na rin ng pawis niya sa likod.

Napatingin ako sa batang nag-abot ng towel. Sumunod kasi siya sa akin.

“May tubig ba kayo na pwedeng mainom?” tanong ko.

Tumango siya at pumasok muli sa cabin nila. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala na iyong tatlong lalaki na may mga hawak na baril. Wala ring pakalat-kalat na mga bata o ano. Sino-sino ba ang mga nakatira rito?

“Ate,” tawag nung bata.

Agad kong kinuha iyong baso ng tubig. Sandaling tinignan ko kung malinis. Ininom ko kung okay. Okay naman. Lasang bukal. Pinainom ko ang umiiyak na bata. Kahit sumisigok-sigok siya ay uminom siya ng tubig. Shocks. Gutom at uhaw siguro si Andy. Hindi siya napakain?

Muntik nang maubos ni Andy ang tubig. Inawat ko na lang muna at saka pinunasan ulit siya. Walang damit dito na pwede kong ipagamit sa kaniya. Nasaan na kaya si Harriet?

Tinignan ko iyong bata pagkatayo. Dadalhin ko sa cabin ni Luke si Andy para mabihisan at mapakain. Medyo kumalma ang iyak niya. Sobrang impis ng tiyan kaya sure ako na gutom na ang bata.

“Ako si Ate Mika. Ikaw si?” Niyuko ko iyong batang babae.

“Nena,” simpleng sagot niya.

“Hello, Nena. Ilang taon ka na?”

Inangat niya iyong pitong daliri niya. “Ang galing naman. Alam mo ba kung nasaan ang mga tao rito?”

“Baba bundok.”

Oh. Hindi pa matatas ang pananalita ni Nena.

“Ikaw lang mag-isa, Nena?”

Tumango siya.

“Gusto mo bang sumama sa akin? Aakyat ako sa taas.” Tinuro ko iyong way patungo sa taas.

Umiling siya. “Ayaw. Galit tatay.”

“Okay. Aakyat na muna si Ate Mika, huh. Dadalhin ko sa may taas si baby.”

“Okay.”

Nginitian ko siya at marahang pinat ang kamay sa ulo niya. Tumakbo siya paloob sa bahay nila. Ako naman ay nagmamadali ng umakyat. Kakayanin ko naman siguro umakyat kahit bitbit ko si Andy na tahimik na. Kinabahan pa nga ako noong una kung bakit tahimik na siya. Gising naman ang bata at sumisigok-sigok. Feeling ko magdamag siyang umiyak. Nasaan kaya si Harriet? Saan siya dinala?

“Paakyat na tayo, baby, okay. Sandali lang at makakain ka na rin.”

Iyong normal na trenta’y minutos naging 45 minutes sa akin. Hindi ko tinuloy-tuloy ang paglakad dahil karga ko si Andy. Hindi pwede na dumulas ako. Pagkarating sa cabin ay nilapag ko muna sa sahig si Andy. Nagmamdaling naghanda ako ng gatas at biscuit para sa kaniya.

Naiyak ako noong makita ko na gutom na gutom siya. Kinuha niya agad iyong biscuit na nilagay ko sa platito. Hindi ko dinamihan kasi baka mabigla ang tiyan niya. Malayo kami sa hospital. Hindi ako marunong kapag may mga kinalaman sa baby ang sakit.

Nang matapos ko siyang pakainin ay saka ko siya pinagpahinga ng isang oras bago paliguan. Buti hindi siya agad inantok. Wala akong damit na pang-baby kaya hindi ko alam kung anong isusuot ko sa kaniya. Nang mapaliguan ko siya ay sinuotan ko na muna siya ng pinkamaliit kong tee shirt. Ala una nang matapos ko siyang ayusan at nang makatulog siya. Iniwan ko muna siya sandali sa sofa para kumuha ng mga tee shirt ko na pwede kong matahi. Good thing at may sewing materials sa cabin na ito. Tinahian ko ng maliit na shorts si Andy. Kahit magulong back stitch ‘tong tahi ko, magagamit naman. Alas-tres nang matapos ako makapagtahi ng isang pajama at isang parang jacket. Buti na lang talaga at marunong akong manahi sa kamay. Great job for learning how to sew, Mika. Buti na lang talaga at sinunod ko si mama noon na kumuha ako ng dressmaking short course.

Sinuot ko na kay Andy ang natahi kong damit. Malamig ngayon kaya sakto lang na pajama at longsleeve shirt ang nagawa ko for him. Sapat na muna iyon. Bibilhan ko na lang siya ng damit.

Habang tulog pa ang bata ay nagluto na ako ng pang-gabihan. Initin na lang mamaya kung dumating si Luke.

“Ate! Ate Mika!”

Napalabas ako ng ng bahay nang marinig ang nag-papanic na boses ni Darryl.

“Ate!”

“Darryl?” Ani ko.

“Ate! Kunin mo na iyong mga gamit na pwede mong makuha. Aalis tayo!” Humahangos niyang tugon. May malaking backpack siyang suot.

“Ano? Sandali. Huminga ka muna nang malalim. Okay. Sandali. Anong sabi mo na aalis?”

“Si Kuya Javier,” hingal niya. May pinakita siyang isang maliit na black box na may red light. “S.O.S. Morse Code, ate. Nag-blink na siya kanina. Nasa panganib tayo. Kaya tinakbo na po kita. Kunin mo na po importanteng gamit mo, ate. Dali na.”

“Sandali! Paano? Bakit?”

“Ate Mika dali na.”

“Okay. Okay.”

Nagmamadali akong tumakbo paloob ng bahay at pumasok sa kwarto ni Luke. May malaking backpack doon na naglalaman ng mga gamit ko. Tinanggalan ko iyong iba at naglagay ng damit ni Luke. Ewan ko. Something’s telling me to do this. Dinamihan ko rin ang tee shirts para may malagay ako kay Andy. Oh shocks. May bata akong kasama.

Sinukbit ko ang bag sa likod at tumatakbong pumunta sa kusina para magsiksik ng mga pagkain na pwede kong malagay. Tinulungan ako ni Darryl na maglagay ng pagkain at tubig sa isa pang bag na bitbitin. Nang matapos iyon ay pinuntahan ko si Andy na tulog na tulog pa rin. Hindi ko alam kung paano ako tatakbo nito kapag nagkataon.

“Ate, wait,” ani Darryl na may kinuhang kung ano sa drawer na malapit sa kusina. Binalutan ko ng jacket pa si Andy. Kasyang-kasya pa siya roon sa jacket ko.

“May baby strapper po kami rito. Tinago namin noong nandito po apo ni Manang Sally.”

Napahinga ako nang maluwag nang makita iyon. Agad akong tinulungan ni Darry na masuot iyon at nakarga ko na si Andy na tulog na tulog pa rin.

“Ako na po magbibitbit nito.” Siya na ang kumuha sa bag ng ibang pagkain at tubig.

“Dito tayo, Ate Mika.” Imbes na pababa kami ay mukhang paakyat ang tinatahak namin.

“Anong nangyayari, Darryl?”

“Hindi ko po alam ang pangyayari, ate. Pero feeling ko nagkabulilyasuhan na sa baba. Baka nalaman na nila na may koneksyon si Kuya Javier sa gobyerno.”

“Huh?”

“Aguy!” parang nabigla siya na nakapagsalita siya.

“Ano? May koneksyon saan?”

Nilingon ako ni Darryl na parang gulat na gulat siya na may nasabi siya na hindi niya dapat sabihin.

“Anong sabi mo? Nabulilyaso?”

“Ate, hehe. Kasi ganito iyon — “

Napayuko ako nang sunod-sunod ang putok na narinig namin. What the heck! Tinakpan ko ang tenga ni Andy. Baka magising ang bata! Naalala ko ang earmuffs na dala.

“Darryl, pakikuha iyong earmuffs sa ibabaw ng mga damit,” utos ko kay Darryl saka tumalikod para makuha niya iyong earmuffs.

Nang maibigay niya iyon sa akin ay agad kong nilagay sa mga tenga ni Andy para hindi niya marinig ang ingay. Nagmamadali naman na naglakad na kami paakyat ni Darryl.

Hindi ko na siya matanong nang tuloy-tuloy na ang lakad namin. Malapit ng magdilim. Masusuong na naman ba kami sa lakaran nang madilim?

Napatili ako nang bigla na lang may kung anong humaging sa tenga ko. Bala!

Agad na hinila ako ni Darryl.

“Bilis, ate! Nandyan na sila.”

“Sandali!” Hindi ko na alam kung saan kami patungo. Bigla kaming lumusot sa kakahuyan at mukhang pababa na ulit. Tapos umakyat ulit. Ramdam ko na may mga kasunod na kami sa likod. Kami ba talaga hinahabol nila?

Muntik na naman na mapatili ako nang may kung sinong humila sa akin palikod sa malapad na puno. Natigilan kami pareho ni Darryl nang makita kung sino ang kasama na namin.

“Kuya!”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon. I was looking at Luke who had a grim face and a gun on his hand. He’s also wearing a cap and a black jacket. Agad na kinuha niya sa akin ang backpack at isinukbit iyon sa sariling likod. He looked at Andy.

“Kaya mo naman siyang buhatin?”

Napatango ako. Feeling ko naumid ang dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nabigla pa ako nang bigla niyang hagisan ng baril si Darryl.

“Know how to use it, right?”

“Naman!” Ngiting-ngiti na wika ni Darryl.

Luke, then, faced me. He held my hand.

“We’ll be safe. Come on.”

And we ran like I did when I was In Katakutan.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started