TILALUHA, The Confession

IKASAMPUNG KABANATA

WE were in a cave. Tanging cellphone ni Darryl at apoy sa pinagsama-samahang kahoy ang nagsisilbing ilaw namin sa loob. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa loob ng kweba. Basta dumaan kami sa sapa na hanggang tuhod ang taas ng tubig. Tapos lumusot sa kung saan-saan. Buti na nga lang at hindi na gising si Andy habang tumatakbo kami palayo sa kung sinoman.

Ngayon ay gising na siya at pinapakain ko na ng nadala sa bag. Nakapagpainit na rin ng tubig si Darryl. Nagulat ako nang makita kong may dala siyang takure.

“Hideout po namin itong gubat, ate. Matagal na akong nag-iiwan ng mga gamit panluto rito. May mga pagkain din akong nakatago,” pagmamalaki niya.

“Na-anticipate mo na ba ang ganitong pangyayari?” Humahanga kong tanong. Unti-unti kong pinainom ng gatas si Andy na tahimik lang at bahagya kung magsalita. Nakatutuwa kasi parang alam niya ang nangyayari.

“Parang ganoon na nga, ate. Para saan pa at boyscout ako? May mahihigaan din po tayo rito sa loob kaya okay lang. Siguro sapat ng dalawang linggo iyong pagkaing natabi ko. Lalabas na lang ako bukas kapag kukuha ng mga kahoy.”

“Hindi ba tayo makikita ng mga humahabol? Paano iyong usok? Saan lumalabas?”

“Sa ibabaw ng kwebang ito ay talon, ate. Kaya kapag nasa labas ka parang impact lang ng current ng talon ang makikita na usok. Malalim pa ito at katulad ng nakita mo po kanina, mahirap pasukin. Tago po kasi siya. Wala pang nakakadiskubre rito. Ako pa lang po at si Kuya Javier.”

Napatingin ako kay Luke na tahimik lang na nasa tapat ng apoy. Nagsasaing yata siya gamit iyong kaldero na nilabas ni Darryl sa kung saan.

“Da-Da-Da.”

Niyuko ko si Andy na tinu-turo si Luke. Aw. Cute. “Gusto mo punta kay Tito Luke?”

Inulit-ulit ni Andy iyong pag-da-da-da-da niya saka nagpupumilit na lumakad patungo kay Luke.

“Sandali, Andy.”

Nakuha namin ang atensyon ni Luke na napatingin sa gawi namin. Kita niya ang paglalakad ni Andy at pag-alalay ko.

“Bakit?” tanong niya, nagtataka.

Napangiti ako. “Gusto ka yatang lapitan.”

Tumayo si Luke at sinalubong ang lakad ni Andy. Bigla namang humagikgik ang bata pagkahawak niya sa bewang.

“Ay, hala. Gusto ka ni Andy, Kuya!” Tawa ni Darryl.

“Da, da.”

“Aw. It’s Tito Luke, Baby Andy,” natatawa kong pagtatama. Si Andy ay nagpakarga kay Luke.

Mukha namang marunong mag-alaga ng bata si Luke kasi alam niya kung paano kumarga at magiliw din niyang sinabayan ang ka-hyper-an ng bata. Umupo na lang ako at tinignan lang silang dalawa. Bigla kong naalala si Harriet.

“Alam mo ba kung nasaan na ang mama ni Andy, Darry?” Si Darryl ang tinanong ko kasi siya iyong nandoon noong nakaraan na pagdating namin dito.

Hindi agad nakapagsalita si Darryl tapos tumingin siya kay Luke. Napakunot ang noo ko? Alam din ba ni Luke ang tungkol kay Harriet?

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Anong nangyari kay Harriet?”

Napakamot sa ulo si Darryl. “Kasi, ate. Noong gabi rin na iyon, nagpakamatay iyong tinutukoy mong mama ni Andy. Si Miss Harriet.”

Napatayo ako. “Ano? Nagpakamatay? Paano? Nakita ko lang siyang kinuha nung isang lalaki tapos–” Natigilan ako at hindi makapaniwalang nilapitan si Darryl.

“Don’t tell me she was… raped?” Nahinaan ko ang boses ko.

Hindi nagsalita si Darryl. Napaawang ang labi ko at ‘di makapaniwalang tinignan si Andy na nakikipaglaro pa rin kay Luke.

Napasapo ako sa noo at pinigilan na mapaiyak. Bigla ko na ring naalala iyong narinig kong usapan kanina tungkol kay Jophet.

“At is Jophet.”

Pareho silang napatingin sa akin.

“Kasama ba siya sa sumabog na hospital?” Nangingilid na ang luha ko. “Sina Sanya at Natoy? Nasaan na sila?”

Hindi ko makita nang maayos ang ekspresyon ng mga mukha nila but I knew na natigilan sila pareho. Hindi sila agad nagsalita.

“Tell me. I could handle it.”

“Si… sina Jophet po at Sanya, nakasama sila sa pagsabog ng hospital. Si Natoy naman, ate. Kasama rin sa pagsabog. Sa bayan naman po iyon ng Marawi.”

Napaatras ako at hindi ko na alam ang gagawin. Iyong tatlong bata. Kasalanan ko. Wala sana sila sa hospital kung hindi dahil sa pagpunta namin sa talon. Okay na sila, e. Bakit nadamay pa sa pagsabog?

Napaupo ako at sinapo ang noo. I could not help but shed tears. I knew for a fact that somehow I was to blame. Kung hindi ko sana ako pumayag na dumiretso kami sa may talon ay okay pa iyong tatlong bata. May tsansa pa sana sila. Kung hindi ko kinuha si Andy kay Harriet ay hindi sana siya hahatakin ng kung sinomang hinayupak na lalaki iyon. Bakit? Bakit lahat ng nagiging malapit sa akin nawawala?

May sumpa ba akong dala?

“Hey.”

I could feel Luke’s hand on my shoulder. I looked up at him and cried. “Is this what supposed to happen? Am I a curse? Bakit sila nadamay?”

“Mika, listen.”

Hindi ako humarap sa kaniya. He’d been seeing me crying for the past few days. I was not weak but why did I feel so lame?

“It’s not your fault. It’s the misunderstanding between two sides which made this happened. Hindi mo kailanmam magiging kasalanan. Okay? Cry all you want. When you feel better, remember that we are here.”

I could not utter a single word for a moment. Hindi ako nagsalita. Wala akong nakikita kung hindi ang mga mukha noong tatlong bata at ni Harriet.

“Magtatapos ako, Ma’am. Babalik ako para pagandahin ang lugar na ito,” sagot ni Natoy nang minsan ko siyang tanungin kung ano ang balak niya sa buhay.

“Sasali ako sa Miss Universe, Ma’am Mika. Gusto kong maging ehemplo ng mga kabataang babae na na-bully dahil sa kahirapan ng buhay. Gusto kong maging feminist na ipaglalaban ang karapatan ng bawat isa. Hindi lang ng babae pati na rin ng mga lalaki,” sagot naman ni Sanya habang kausap ko siya noong papunta kami sa talon.

“Gusto kong maging Presidente ng bansa, Ma’am Mika. Hindi sa masyadong mataas ang pangarap ko pero kasi iyon ang isa sa nakikita kong solusyon para matugunan ang lahat ng kaguluhan at kahirapan sa bansa. Sabi nga ni tatay, mag-aral ako sa Maynila para makita ko ang kalakaran ng buhay. Saka para mawala na po ang grupo ng mga rebelde. Mabigay na sana sa kanila iyong fair social system,” sagot naman ni Jophet na ngiting-ngiting binato ng dahon si Sanya.

“Mag-aaral po ulit ako, Miss. Hindi ko gustong lumaki sa hirap ang anak ko. Kakayanin kong mag-aral at magtrabaho para kay Andy,” sabi ni Harriet na karga-karga ang anak.

Mas lalo akong napaiyak. Tumayo ako at tumalikod palapit sa mas madilim na parte ng kweba. Gusto kong magwala ng iyak pero hindi ko magawa. Tuloy-tuloy lang ang luha ko. Sa loob ng halos dalawang taon, ilang tao na ang nawala sa akin? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag may nangyaring masama sa mga kasama ko ngayon. Sobrang sakit sa puso. Bakit ito nangyayari?

Ano bang dapat gawin sa mga rebelde? Tito, please. Do something to appease their rouge side. Hindi ko alam kung kaya ko bang mabago ang isip ng mga rebelde dahil sa kung ganito na nga ang ginawa nila, paano pa?

Hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa pag-iyak. Tumabi ako ng upo kay Luke na nakaupo malapit sa apoy at inaayos iyong mga paper plate. Inabutan niya ako ng paper plate.

“Kain ka na.”

“Salamat,” paos kong tugon.

Hinanap ng mata ko sina Darryl at Andy. Hindi ko sila makita.

“Nasa kabilang side ng kweba ang dalawa. Nauna na silang kumain. Darryl will lull Andy to sleep.”

Napatingin ako sa kaniya. “Luke.”

Mula sa pagsandok ng kanin ay inangatan niya ako ng tingin.

“Bakit tayo hinahabol? Bakit tayo nagtatago?” Kanina, may sinabi si Darryl tungkol sa pagkabulilyaso ng kung ano. Nawala na iyon sa isip ko at ngayon ko lang naalala.

Kinuha niya ang paper plate sa kamay ko at pinalitan ng hawak niya kanina na may laman ng pagkain.

“May sinabi si Darryl kanina. I thought parte ka ng NPA? Bakit ka hinahabol?” Naguguluhan na ako. “Sino ka ba, Luke?”

Lukas’ hands froze for a second at binaba niya na lang ang paper plate.

“Paniniwalaan mo ba ako kapag sinabi kong undercover agent ako?” seryoso niyang tanong,

“What?” Naibaba ko ang plate. Sinundan niya iyon ng tingin.

“Kumain ka muna saka ko sasabihin ang lahat.”

“Wait. Tell it now,”

He looked at me and at the food. “Eat.”

Napaawang ang labi ko. Hindi talaga iyan magku-kwento na. Kinuha ko ulit ang paper plate at sinimulan ng kumain. Glad na hindi marami ang kanin ko. Nang matapos ako ay saka namin niligpit ang gamit. Naikot ko ang tingin sa paligid. Nagtataka ako kanina kung bakit maliwanag na. Iyon pala may mga lamparang nakasabit sa gilid ng kweba.

Talagang hinanda nila ito sa mga ganitong pagkakataon, ano? Pati iyong pwedeng pag-toothbrush-an ay mayroon. I wonder kung may restroom din ito?

“We anticipated for this day. Mahirap agad-agad bumaba sa bundok dahil napaplibutan ito ng bahay ng lahat ng NPA na naka-reside dito. Bawat lagusan ay may bantay. The only way for us to get out of this is to go at the peak which is a day away from this cave. Risky masyado kaya hintayin muna nating humupa ang tensyon sa baba.”

“Wait. We? Sino-sino kayo?”

Luke heaved a deep sigh na parang sinasabi sa sarili na oras na para magkwento ng katotohanan. Inakay niya ako paupo malapit sa apoy. Malamig sa loob ng kweba. Hindi ko alam kung bakit. Tago naman kami though sa bandang dulo ay makikita mo ang lagaslas ng talon.

“Tell all the truth, Luke. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.”

“I am an undercover agent who penetrated CPP-NPA. My main mission is to know the plan and activities of the NPA. Isang buwan lang dapat ako rito but I was able to confirm that some higher government officials are funding this organization. Na-extend ako hanggang sa makilala ko kung sino ang nasa likod nila na malaking tao. I learned that they are doing drugs and even human trafficking na dinadaan nila sa Malaysia.”

“So, you are really an agent?”

“Actually, I am a soldier. But since I have experiences in espionage, I took this.”

Hindi ako makapaniwala. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko.

“I’ve been doing this for almost three years. And finally got the goal yesterday. Hindi ko lang na-anticipate na ganoon din pala sila sa akin. They are already suspecting me for the failed transactions and bombing on the school ground.”

“Huh?”

“Tambakan ng droga ang school. The government knew it already. So, to stop any other transactions, rather to freeze them for quite some times, pinasabog ang school.”

“Okay. Bakit Javier ang tawag sa iyo ng mga tao rito?”

“That became my surname. People usually call us here with surnames. So, that’s it.”

“Ano ang nangyari kanina? Nagkagulo na kayo?”

“I knew who are those officials behind the group. Hindi ko lang mapadala ngayon ang impormasyon dahil sinira nila lahat ng cell sites sa buong probinsya. We do not have any outside communication. The last message I received was that reinforcement on my mission will be deployed tomorrow. And that we need to rescue AFP General’s daughter. Sa tuktok ng bundok na ito, doon sila pupunta.”

“Sino ang mga kasama mong agent dito? Si Darryl?”

“Sander and I are both military doctors. Kaming dalawa ang magkasama sa misyon na ito. Then, through talks, I was able to persuade Froilan, one of the leaders, to team up with me. He’s the one who covered me up while running this afternoon.”

“Froilan? Iyong Kuya Froy ni Darryl?”

Tumango siya. “Isa siya sa mga naghahangad ng kapayapaan para sa lugar na ito. He’s been helping me for the last two years. He also wants a good and stable future for Darryl.”

“Oh. So, ngayon wanted ka na sa kanila?”

“Yes.”

“Okay. So, isa kang agent. Sundalo. Sino ang leader niyo? Ikaw? Sino nag-utos sa inyo? Si General Senegal? Discreet ang mission niyo?” Sunod-sunod kong tanong.

“It was an order from the Commander-in-Chief. General Senegal and General Marigondon are the only two individuals aside from the Commander-in-Chief who knew about our mission. It’s top secret. But no longer anymore. I was discovered.”

Alam ni tito? So, kung alam ni tito for sure nasabi na rin niya kay Luke na nandito. Kaya ba hindi masyadong natawag sa akin ang tiyuhin ko dahil alam niyang nandito naman sina Luke at Sander? Alam ba nila na pamangkin ako nI General Marigondon? Kaya ba ako nilapitan at laging nababantayan ni Luke?

Natigilan ako nang maisip ko ang mga bagay na iyon. Sandali. Kailan ko ba nakilala si Luke? Noong unang dating ko rito, nakausap ko na siya. Tapos lagi ko na siyang nakasasama sa pag-alis-alis ko? On purpose ba ang paglapit niya sa akin? Sinadya ba? Iyong lagi akong napapahamak, lagi siyang nandoon. Noong nasa Katakutan kami, nandoon siya. Noong makuha kami sa talon, nandoon siya. Pati ba noong bumalik ako sa school, nandoon siya? Don’t tell me siya ang kumuha ng phone ko? Teka?

“Luke, kilala mo si General Marigondon?”

Tumingin siya sa akin. “Department of Defense Secretary. Yes.”

Gusto ko siyang tanungin kung sinabihan ba siya ng tito ko about sa akin. Hindi na ako moapakali kasi… Sandali! Baka iyong pinapakitang ka-sweet-an ni Luke ay pawang akting lang. Kasi, ‘di ba nasa misyon siya? Parang ayaw ko na lang magsalita.

“Alam kong pamangkin ka niya.”

Napatingin ako bigla sa kaniya. “Huh?”

Nakatingin na siya sa gatong ng mga apoy sa ‘di kalayuan. “Curious na ako noong unang kita ko pa lang sa ‘yo. General Marigondon never mentioned that you would be residing here. Kung hindi ko pa nakita ang personal info mo ay hindi kita makikilala. When I contacted him kung bakit ka pinayagan dito, hindi ko pa talaga malalaman na pamangkin ka nga niya. Since then, I was on the watch.”

Hindi ako nakapagsalita agad.

“You are always on the brink of danger. The first one was when you fell down over the roses’ thorn. Alam mo bang may kasabihan ang mga matatanda tungkol sa lugar na iyon?”

I nodded.

He softly laughed. “Kapag nakita ng isang dalaga at binata iyong mga rosas na nasa paligid ng daanan sa Kortohan, sila raw ang magkakatuluyan. Kapag naman, nasugatan ng tinik ng rosas ang daliri ng isa man sa kanila at nakita iyon na nagdurugo mahirap pagdaraanan nila. Also, kung sino ang natinik, siya rin ang magdaranas ng kung ano-anong kapahamakan.”

Napangiwi ako. Bakit parang akma sa akin?

“That’s why lagi kitang pinasasamahan kina Natoy.”

My heart sank upon hearing Natoy’s name. I’m sorry, Natoy.

“I do not believe in superstitions. But seeing those roses made me think twice. Sander din not see them. So, curious ako. Bakit natin nakita iyon?” He, then, looked at my eyes.

Iniwas ko ang tingin at nagkibit-balikat.

“Can I be honest?”

Napatingin na naman ako sa kaniya nang after ilang minuto ay nagtanong siya.

“Sure?” Hindi pa ba siya nagsasabi ng totoo?

Hinintay ko siyang magsalita pero hindi naman niya ginawa. Nakatutok ang mga mata niya sa kawalan tapos bigla siyang umiling. “Nah. Reserve that for later.”

“Huh?”

“Gusto mo na bang matulog? Sasamahan na kita sa pwedeng matulugan dito.”

“Sandali,” pinigilan ko siya nang tumayo na.

Napabalik siya sa pagkakaupo. “Sabihin mo na. Ano iyon?” Hindi ako makatutulog kapag nagkataon.

“What?”

“Iyong sasabihin mo?” Nakakunot na ang noo ko.

“Na ano?”

“Lukas.”

“Yes?”

“Ano nga?”

Ngumiti siya. Bigla niyang hinawi iyong hibla ng buhok ko na nasa mga pisngi ko. Inipit niya iyon sa likod ng tenga ko. Bigla akong namula.

“General Marigondon might punch the hell out of me if he learned I adore you so much.”

Napaawang ang mga labi ko. What?

Bigla siyang ngumiti na nagpabilis sa tibok ng puso ko. My God.

“People in this city consider you as my girlfriend. Totohanin na ba natin?”

“What?”

“Been avoiding questions like that because I do not want to bother you but…”

His stares were really intense. Iyong pitch black eyes niya parang nakahihila. Like a magnet. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Sure ako na pulang-pula na ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong iisipin. Was he confessing his feelings? Oh, my.

“I really want to kiss you now but I am afraid I might do beyond my control.” He just caressed the side of my head.

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Anong sinasabi niya? Gusto niya ba ako? Kasi gusto ko rin kaya siya!

Hindi ako nakaimik or what. Basta ang alam ko na lang ay talagang nag-iinit iyong pisngi ko sa hiya. This was the first time someone confessed to me! Never in my life. Kasi iyong last boyfriend ko, high school pa ako noon. Mutual naman ang feelings din but oh well. This was different!

“Just don’t think about that for now. I’m sorry if I tell it at the wrong time. Just… just wait for me. Okay.”

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started