TILALUHA, The End

IKALABING-ISANG KABANATA

MADALING-araw pa lang ay gising na kami. Lukas planned to climb the peak habang hindi pa raw gising ang mga rebelde. He knew everyone’s on lookout for him. Kailangan niya lang kaming maakyat dahil may paparating mamayang hapon na reinforcement. Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nilang detalye ni Darryl dahil inasikaso ko na rin si Andy.

Luke and Darryl brought all of my things habang karga ko si Andy. Antok na antok pa ang bata kaya hinele-hele ko muna bago kami tuluyang naglakad palabas. Nahirapan ako sa mabatong labas ng kweba kaya natagalan pa kami. Muntik na akong madulas. Buti na lang at naagapan agad ni Luke ang muntikang pag-slip ko sa madulas na bato. I couldn’t imagine kung nadulas talaga ako.

“Ten hours ang layo ng tuktok sa kinaroroonan natin kaya mag-s-stop over tayo sa madaraanan nating mga kweba,” Luke mentioned.

“Maraming kweba rito?”

“Yes. Lahat nakatago. Froy discovered them. Alam din iyon ng ilang myembro kaya may possibility na nandoon sila. We just need to take risk para makalabas kayo rito.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kami lang? Tatanungin ko sana siya nang biglang natigilan kami. Pinatay agad ni Darryl ang ilaw ng phone niya at iniyuko ako ni Luke. Dahan-dahan kaming naglakad pakubli sa malaking puno.

May mga yabag na lumagpas sa pwesto namin. I held my breath for a moment at nakahinga lang nang maluwag nang mawala na iyong mga yabag. Were they rebels?

“Mika, let me lift Andy,” Luke said. Hinarap niya ako at kinuha ang strap na nakabalot sa akin at dahan-dahang kinuha rin si Andy. Inilagay niya sa kaniya.

Hindi ako nakareklamo. Inabot lang niya sa akin iyong isang bag na hindi kalakihan. “Sandali,” awat ko nang maglalakad na sana siya.

“Sigurado ka?”

Luke patted my head and smiled at me. “I am used to this, Mika. I can manage. Isa pa, mahihirapan ka kumilos kung karga mo si Andy.”

Napatango na lang ako at sumunod na sa kanila. Walang salita na namutawi sa mga bibig namin dahil busy masyado sa paglakad pataas. I did not dare to open my mouth talaga. I was anxious that I might hinder our climb so I kept it shut. Saka lang ako nagsasalita nang ilang beses nagising si Andy. Grabe ang pigil namin para lang hindi siya umiyak. Mabuti na lang din at nakisama ang bata.

Anim na oras na tuloy-tuloy ang lakad na ang nagagawa namin. Feeling ko manhid na ang paa ko. Halos hindi ko na maihakbang. I was lowkey trailing behind nang lingunin ako ni Luke at nilapitan. I sat down. My knees were shaking and anytime bibigay ako.

“Darryl.”

“Kuya?”

Hindi ko na inangat ang ginagawa nila dahil talagang ang sakit na ng binti at paa ko. “Pahinga muna tayo. Feeling ko mahihimatay na ako.”

Napatingin ako kay Luke na nakaluhod na sa harap ko. Wala na si Andy sa kaniya.

“Si An-”

“Na kay Darryl,” putol niya sa tanong ko at itinuro si Darryl na naglalakad na patalikod sa amin. “May malapit na kweba rito. We’ll stop over. Kaya mo pa ba maglakad?”

Huminga ako nang malalim at tumayo. I could do it. “Yes. Kaya ko pa. Malapit na lang naman, ‘di ba?”

Tumango siya at inalalayan akong maglakad.

“I’ll just lift you at my back, Mika.”

Inilingan ko siya. Natawa ako nang bahagya kasi ramdam ko na kanina pa niya gusto sabihin iyon. Ilang minuto na kaming naglalakad and I was slowing it dahil sa masakit na binti at paa.

“I can do it, Luke. Isa pa, malayo naman na tayo sa baba. Relax ka lang. Baka masanay ako at hindi ako tuluyang makaakyat mamaya. Matatagalan tayo dahil sa akin. So, let me just walk to get these used to.”

“Are you insinuating you are a burden?”

I smirked at him.

“You are not.”

“Yeah, Lukas.”

“Mika.”

I dismissed him when he’s about to continue what he wanted to say. Kinapitan ko na lang siya at saka naglakad. Nakarating din kami sa kweba na hindi ganoon katago ang lagusan.

“Sandali lang tayo rito, Kuya Luke, Ate Mika. Hindi safe sa kweba na ito,” salubong ni Darryl na pinakakain na si Andy.

Agad kong kinuha si Andy sa kaniya at naupo sa may batuhan.

“Gising na ang baby na iyan?” I kissed Andy’s cheek. He giggled and even gave me a piece of the biscuit he’s eating. Sweet.

“Take a rest for a while, Mika. Let’s tend to your muscle cramps, too.”

“It’s okay, Luke. Upo lang ako sandali and go na tayo.”

Binantayan ko na lang ang pagkain ni Andy. Darryl sat down beside me at nagsimula ng kwentuhan. Natigilan kami pareho nang may kung anong nilagay sa binti ko si Lukas. Bahagya niyang nililis ang suot kong leggings at nilagyan ng muscle patches ang pareho kong binti.

“These will ease the cramps.”

Nagkatinginan kami ni Darryl. Bigla niya akong nginitian. May balak siyang magsalita ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi na ako naka-react nang gumalaw si Andy.

After tending to my cramps, Luke stood and surveyed the place. Hindi ko na siya kinausap kasi ramdam ko na sobrang alerto niya sa paligid. Had he been like that eversince? Mula nang makilala at makasama ko kasi siya ay hindi ko naman naramdaman na isa siyang rebelde or undercover. Probably wala akong alam noong mga panahon na iyon kaya hindi ko siya ramdam. Ngayon na alam ko na kung sino siya ay ramdam ko na na isa nga siyang sundalo. My tito has the same presence as him.

After an hour of resting, um-okay na ang binti ko. Though masakit at talagang pasma pa rin ay kaya ko na siyang ilakad. Nakaalalay sa akin si Luke habang karga si Andy. Si Darryl ang nangunguna sa lakaran. Ako ay tamang sabay lang kay Luke na mukhang sinasabayan lang din ang lakad ko.

Muntik na naman akong madulas sa patarik na nilalakaran namin.

“Easy.” Luke was supporting my back. Nasa likod sila ni Andy.

“I’m sorry,” hinging pasensya ko. I took a deep breath at nag-okay sign kay Luke. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya dahil umakyat na agad ako.

“Ate, hawakan mo kamay ko. Matarik na iyan.” Nilahad ni Darryl ang kamay para mahawakan ko. Totoo ngang matarik na. Kung hindi ako nakahawak sa mga naglalakihang ugat at matatabang vines, at suporta ni Lukas sa likuran, kanina pa ako nadulas at nagpagulong-gulong.

Isang oras na lang daw ay malapit na kami sa tuktok. So far, so good. Wala kaming nakaharap na kung sinoman dahil sa masukal na daan ang nilakbay naming trail. Kaya sobrang damo at tarik ng daan ay idinaan kami ni Darryl sa hindi talaga nadaraanan ng tao. Iwas na raw iyon sa mga susunod sa amin.

Sumilong kami sa matandang puno ng Acacia. Ten-minute water break daw. Kinuha ko ulit si Andy kay Lukas na mukhang kinakausap siya.

“Good boy, Andy. Do not cry even when we are being followed, okay?”

Natawa ako. “Good boy talaga iyang baby na iyan. Come to Tita, Andy. Pahinga na muna si Tito Luke. Come on.”

Humahagikgik na sumama sa akin ang bata. My heart melted upon remembering his mother. Harriet, I promise you. Iingatan at aalagaan ko si Andy. Magkamatayan man, I’d be his guardian hanggang sa huling hininga ng buhay ko.

I let him sip sa tumbler. Pinalitan ko na rin ang tee shirt na suot niya. Nasa tuktok na kami ng bundok kaya malamig na. Binalot ko muli siya sa jacket at nilagyan ng bonnet ang ulo. Masyadong malaki sa kaniya ang mga damit but I had no choice. He needed warmth. And he also needed his earmuffs. Teka. Nasaan ang earmuffs niya?

I looked around but I saw no earmuffs. Na-alerto ko yata si Luke na nilapitan agad ako. His piercing eyes were asking.

“Nakita mo iyong earmuffs na suot lang kanina ni Andy?”

Napakunot ang noo niya. “No.”

“Hala. Nahulog siguro. Hindi naman tayo mahahabol ng iba, ano?” Nag-aalala ako. Baka ma-trace nila kami.

Luke gave me a pat on my head at kinuha na muli si Andy sa akin. “It’s okay. Malapit naman na tayo. Anytime now ay parating na ang reinforcement.”

Tinulungan ko siya na ayusin ang pagkakalagay ng strap ng baby strap sa katawan. Inayos ko rin ang pagkakabalot ni Andy sa jacket. I made sure na hindi siya lalamigin. “Okay.”

I was bothered the whole time na naglalakad na kami ulit. Something was telling me that something’s off. Iwinaksi ko ang pag-aalala at mabilis na naglakad na paakyat. Luke was just eyeing me. Darryl was one step ahead of us at panayan ang lingon.

“Kuya.”

Sabay-sabay kaming natigilan nang biglang yumuko si Darryl. Iniyuko agad ako ni Luke. Magtatanong sana ako kaso sumenyas si Darryl nga huwag magsasalita. I looked at Andy na tahimik lang sa dibdib ni Luke. Nginitian niya pa ako at inabot ang buhok ko. I gave him a smile and caressed his cheeks. Sinenyasan ko rin siya ng quiet sign. Nginitian lang ako ni Andy.

I glanced at Luke na nanatiling nakahawak sa likod ko na parang anytime ay itutulak niya ako patakbo. Si Darryl ay dahan-dahang lumapit sa amin.

“May nakasunod na sa atin, Kuya Luke,” halos anas na sabi ni Darryl.

“We’re thirty minutes away sa peak point. You knew the way, Darryl, right?”

I looked at Darryl who nodded. Then, back at Lukas who was looking at me. Sandali lang iyon dahil bigla niyang ibinalik ang tingin kay Darryl.

“Distract. Turn around. Circular moves. Peak point. Stone bend. Got it?”

Tumango-tango si Darryl. Wala akong naintindihan.

“Okay.” Humarap siya sa akin at unti-unting tinanggal ang strap na naghuhugpong sa baby bag ni Andy. “Mika, take Andy. You’ll take the other route to reach the peak. I’ll distract them. I’ll buy us some time. Go.”

“But–” Natigilan ako sa pagreklamo nang bigla na lang niya akong kinintalan ng halik sa noo. Ganoon din ginawa niya kay Andy na nakamasid lang sa amin.

“Go,” senyas niya kay Darryl na agad na akong inakay palayo sa pwesto namin.

Gusto ko siyang lingunin kaso mabilis pa sa kisap ng mata ko na tumakbo siya pabalik sa dinaanan namin kanina.

“Darryl? Bakit siya babalik?” Bulong ko kay Darryl habang patakbo kaming nababa. Hindi ko alam kung paano ako nakasusunod kay Darryl habang karga si Andy.

“Distraction, ate. Kapag nasa tutok na tayo ay malaki na ang tyansa na makikita tayo. Kailangan nating bilhin ang oras para makakilos tayo nang maayos.”

Hindi ko siya marinig nang maayos. Pakiramdam ko ay hinahampas ng hangin ang mukha ko. Bigla akong natalisod at napatili nang akala ko ay babagsak na ako. Darryl expertly held my arms at hindi ako hinayaang tuluyang mahulog.

Natutop ko ang bibig. I looked at Andy who was smiling widely at me. Parang tuwang-tuwa pa na muntik na kaming matalisod.

“Thank you, Darryl,” naiiyak kong turan.

“Naku, ate. Walang anuman. Kapag napahamak ka baka nayari pa ako ni Kuya Luke.”

Natawa na lang ako at umayos ng tayo.

“Plan C tayo, ate. Magtatago muna tayo sa mga kweba. Halika na po.”

Hindi kami tumuloy ng baba. Hindi ko na alam ang direksyon basta lumiko kami sa talahiban at lumabas sa puro kapunuan naman hanggang sa lumusot kami sa maliit na butas na natatakpan ng naglalakihang vines.

Nauna si Darryl na lumusot at saka kinuha sa akin si Andy. Nang masigurado na okay na si Andy sa kaniya ay saka ako lumusot. Darryl asked me na hilahin ko muli ang mga vine para matakpan ang butas. I did. Paranoid na yata ako dahil ilang beses ko iyong tsinek bago kami naglakad sa kadiliman ng kweba.

“Da-da-da,” nag-ingay na rin si Andy.

“Yes, Andy? Tita is here.” Lumapit agad ako sa kaniya. I struggled dahil sa kadiliman but nang makalapit ako sa kanila ay hinawakan ko ang kamay ni Andy.

Sa lamlam ng flashlight ng phone, kita ko ang nagtutubig na mata ng bata.

My heart sank.

“Darryl, ako na magkarga kay Andy. Feeling ko anytime iiyak na siya, e.”

“Sandali, ate.” Inayos muna ni Darryl ang bitbit na iba at saka inabot sa akin pabalik si Andy.

“Hey,” masuyo kong tinapik ang likod ni Andy na mukhang pahikbi na talaga.

“Why, Andy? Miss Tito Luke? Hmm?”

“D-da-da,” mahina niyang sagot. Napangiti ako. Ilang araw pa lang niya nakasasama si Lukas pero iyong attachment, nandoon na.

“He’ll be here, baby,” alo ko na lang.

Pahikbi na talaga ang mukha niya. Parang gusto na niyang pumalahaw ng iyaw. Inalo-alo ko siya at saka hinalikan sa pisngi.

“Good boy ang baby na iyan.”

Darryl was busy surveying the area. Sanay na sanay na ang bata habang ako naman ay inasikaso si Andy na pinakain ko na ng biscuit na binabad ko sa tubig. He mellowed down kaya nakalma na rin ako. Nakatitig lang ako sa kaniya at naiisip kung ano na ang nangyayari sa labas. Nasaan na si Luke?

“Ate, ‘lika na po. Labas na tayo. Umilaw na ang battery.”

Napatingin ako sa hawak biyang battery. Bigay raw iyon ni Lukas na nag-ta-transmit ng Morse code. Marunong si Darryl doon kaya nakukuha niya ang signal.

Tumayo na ako at sumunod kay Darryl. Iniwan na namin ang ibang gamit maliban sa backpack na dala ko at ni Darryl. Siya na ang nagbitbit pareho dahil kaya naman daw niya. Ako naman ay nakasunod lang habang pinaiilaw ang cellphone. Tahimik na ulit si Andy. Nagutom lang siguro talaga siya.

“Saan tayo lalabas, Darryl?” Tanong ko. Hindi namin tinatahak ang pinasukang lagusan kanina.

“Dito tayo sa mas masukal na daan tatahak, ate. Hindi nadaraan ng mga tao. Medyo mahirap pero mas safe kaysa–” Pareho kaming natigilan ng biglang magkaroon ng blink iyong battery ni Darryl.

Mabilis – Mahabang blink – Mabilis
Mabilis – Mabilis – Mahabang Blink
Mahabang Blink – Mabilis

Dalawang beses umulit iyong ganoong pattern ng ilaw. May alam naman ako sa Morse code kaso hindi ko pa kaya mag-decipher.

Napatingin sa akin si Darryl. “Kaya mo bang tumakbo, ate?”

“Huh?”

“RUN. Ang signal ni Kuya Luke ay RUN. Tumakbo na tayo. Mukhang nasundan nila tayo.”

Mabilis ang mga hakbang namin na tinahak ang trail na alam ni Darryl. Tumatakbo na kami halos. Patuloy ang pag-ilaw ng battery. Same pattern. Mas bumilis ang pagtakbo namin pero biglang huminto si Darryl. Binagsak niya ang backpack at iyong backpack ko ang dinala niya. May ilang gamit lang siyang kinuha at isiningit sa body bag na suot niya.

“Ate, palit tayo. Ako na hahawak kay Andy. Kailangan nating makaakyat nang mabilis.”

“Okay.” Hindi na ako nag-alintana dahil hindi ko rin naman kakayanin talaga ang ganito kung nagkataon. Nilagay niya si Andy sa likod, binalot ko siya sa jacket. Sinuot ko ang backpack at saka kami tumakbo.

My heart was pounding. If we came out of this alive, I promised I would do everything just to help these people who were protecting us. Marami na ang napahamak. Kailangan naming makaligtas. Ilang minuto na ang takbo namin nang makatanaw na ako ng liwanag sa labas. Ilang segundo lang ay kinakawag na namin ang mga sanga at damo na nasa daanan. Naglalakihan din ang mga puno sa paligid.

Gusto kong magtanong kung saang part na kami. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Nadapa ako nang maraming beses ngunit hindi ko na alintana ang sakit. Kahit na nagdudugo na ang braso ko sa sala-salabit na sanga, hindi ko na pansin. Mas inuuna ko na matanggal ang mga sanga para hindi tumama kay Andy. Alam kong mas maraming galos na si Darryl pero hindi rin siya umiimik. Isa lang talaga ang goal namin dito, makaakyat sa tuktok.

Natigilan kami pareho nang may putok ng baril kaming narinig. Pinakawalan ko ang pinigil na hininga nang makita si Lukas na mabilis ang mga hakbang palapit sa amin matapos ibaba ang baril.

“Kuya,” ani Darryl.

“Good job, Darryl.” Hinawakan niya sa ulo si Darryl at dahan-dahan na kinuha si Andy. Siya naman ang kumarga bago siya lumapit sa akin at hapitin ako patagilid.

Tumulo na lang ang luha ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. That small gesture made my heart flutter. Gusto kong umiyak malala.

“We’re almost there. Parating na ang reinforcement five minutes from now.”

Hindi ako makapagsalita. I was lost for words. He held my hand and we continued trailing behind Darryl who was already walking up. Siya na rin ang may bitbit ng bag na kanina ay nasa likod ko lang.

I checked Andy. He was smiling and patting Luke’s chest. Tuwang-tuwa siya na nakita na niya si Luke.

“What happened, Luke?” Tanong ko sa kawalan..

“Huh?”

“Anong nangyari noong bumalik ka?” I was anxious. Hindi kami safe hanggang ngayon.

Ilang sandali siyang hindi umimik. Balak ko ng dugtungan ang sasabihin ko nang magsalita siya.

“We were traced. Nakaikot lang ako para iligaw sila but I know they are not stupid to believe you’re not going up. So, I left some traps na magagamit once reinforcement arrives. Alam kong iba sa kanila ay nasa tuktok na nakaabang.”

“Magiging safe ba tayo?”

Tumingin siya sa akin. “Yes. I will keep you safe. Andy and Darryl, too.”

I gave him a weak smile. I felt so drained. I was exhausted from all the running and hiding. Gusto ko ng bumigay but my mind was telling the opposite.

“Listen, once the chopper arrives, you need to run. Never look back. The soldiers will surround the area kaya just run until you get on the chopper with Andy and Darryl.

“Paano ka?”

“I need to secure this area.”

Something tugged my heart. I did not know how to name this emotion pero nasasaktan ako habang nakatitig sa kaniya.

“W-will we see each other again?” Mahina kong tanong.

Napahinto siya sa lakad at napatingin sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Andy. Humahagikgik siyang tumingin sa akin.

“Of course we will. I will see you again. In a better circumstance.” He then patted my head and urged me to walk in a quick pace.

Malapit na kami sa tuktok. Dinig ko na rin ang tunog ng papalapit na chopper. I looked at him.

“Reinforcement.”

“How about General Senegal’s daughter?”

“She’s safe. Froilan’s with her.”

Nakahinga ako nang maluwag. Buti naman. So, kailangan na lang talaga namin makaalis dito.

We’re almost at the peak. Wala ng gaanong puno sa tuktok. Puro matataas na talahib na ang nasa daanan. Sobrang masukal pa pala.

“Kuya,” lingon ni Darryl na bahagyang yumuko. “May mga tao sa taas.”

Luke was once more alerted. Bahagya kaming yumuko nang bigla ang putukan ng mga baril.

“Shit,” Luke hissed. “We will run.”

Pikit-mata kaming tumakbo habang sinasalubong ang mga nagtataasang damo. Andy’s at Darryl’s back. Binalot na namin siya sa jacket para hindi matamaan ng mga damo. Luke was holding my hand so tight. I was shedding tears. I could not afford to cry and overthink but I could not help feel helpless. I knew Luke would definitely nake sure we were okay. Pero paano naman siya? Who would make sure he’s okay?

Sunod-sunod na ang putukan ng baril. Sabayan ng ingay ng tunog ng chopper na nakalutang pa rin sa taas at sigawan ng mga tao dito sa paligid namin. Oarang alerted na ang buong kabundukan. For sure, patakbo na lahat paakyat dito.

We were almost there! Nakikita ko na ang pagbaba sa lubid ng helicopter ang mga sundalo. Three choppers ang nasa taas. Naghahabaan ang mga baril at patindi nang patindi ang putukan. Pati pagsabog ay damang-dama na.

“Go!” Luke shouted.

Muntik na akong matumba nang huminto kami palapit sa mga grupo ng mga sundalong kabababa lang sa helicopter. Inabot niya si Andy sa isang sundalong nakalapit agad sa pwesto namin matapos siyang saluduhan.

“No!” I ran again just to move forward palapit sa kaniya na mabilis na tumatakbo pabalik sa kampo ng mga rebelde. Hindi alintana ang mga natamong sugat. “Lukas! No, please!”

Maingay ang ugong ng helicopter. Hindi ko na maintindihan ang ingay sa paligid. Tunog ng helicopter, putok ng mga armas, pagsabog ng mga bomba. Wala na ang mga ito sa isip ko. Tanging nararamdaman ko ay takot para sa buhay ni Lukas na susuong muli sa panganib ng mga kaaway.

“Lukas!” I shouted at the top of my lungs. I don’t care anymore. Sa dami kong pinagdaan sa loob ng ilang buwan kong pananatili rito, hindi ko na alam kung paano pa mabuhay kung pati ang taong nagligtas at prumotekta sa akin ay mapapahamak pa. No. Hindi pwede.

Hilam sa luha ang mga mata na napatili ako nang madapa. Agad na bumangon ako para lang makita ang halo-halong emosyon sa mata niya. Bumalik siya para itayo ako pero muli lang din niyang idinapa dahil sunod-sunod na naman ang putok ng mga baril. Ang mga sundalo ay kaniya-kaniyang takbuhan patungo sa loob ng kagubatan para harapin ang mga rebelde.

“Why are you so stubborn, Mikaela?” Himig ng galit ang naririnig ko sa boses niya. “Reinforcements are here. They are here to save you. Huwag matigas ang ulo. Nakukuha mo ba?”

Umiling ako. “No. No. You need to come with me. Alam na nila na undercover ka. Hindi pwede na bumalik ka roon. Papatayin ka nila!” I tried to explain my anxiety. Those enemies knew that Luke had been deceiving them. Hindi siya bubuhayin kapag nagkataon.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang nakikita ko sa mukha niya pero halo-halo na talaga ang mga emosyong nagdaraan sa mga mata niya.

“I’ll live. I’ll live, Mika. Okay? I need to return to make sure that they are going to be punished for all atrocities they did. I need to make sure all left civilians are safe. Babalik ako. Now, my top priority is to keep you, the civilians, and Andy safe and sound at hindi ko magagawa iyon kung nandito ka pa. Return to the helicopter. Captain Nebreja was already informed of your presence so go.”

I could not speak. Feeling ko nahulasan ako sa sinabi niya. He needed to return to his job. And his job is to make sure that all those we left are still safe. Humigpit ang hawak ko sa braso niya. We were still ducking because hindi pa tapos ang putukan sa side namin.

“I-I’m sorry.” Feeling ko ang childish ko sa inasal ko. I didn’t think of the consequences of my actions. All I thought was my welfare. I was so selfish. “I’m sorry.” Unti-unti kong niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya at yumuko. I pushed back all my tears. I wiped my face and starting to observe my surrounding para makabalik ako sa helicopter.

“Mika.” He called. Hinawakan niya ako sa braso at pilit hinaharap ang nakaiwas kong mukha sa kaniya.

“I’m sorry, Luke. I… I was being selfish. Huwag kang mag-alala. I’ll be safe. Go. The troops need you. Alam mo na ang pasikot-sikot dito. Lead them.”

I tried to smile despite the throbbing heart. Wala akong karapatan. Mas may top priority siya bilang sundalo. Sino ba naman akong sibilyan para pigilan siya. In the first place, ako ang ang nag-compromise ng cover niya.

“Hey.” Hinahanap niya ang mga mata ko. I was determined to avoid his eyes but he held my face. Binitiwan niya ang hawak niyang armas at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Look at me.”
I looked at him. I was trying to smile brightly para hindi niya makita na naiiyak na naman ako.

“I promise I will be back. Hahanapin kita. Let me just do my job to save our countrymen.”

“You don’t need to promise. Hindi mo naman ako responsibilidad. I’m sorry if I stopped you kanina. Hindi ko lang alam ang ginagawa ko because… because I was afraid. But… don’t worry. I understand. Go.” I held the firearm at inilagay sa kanang kamay niya. Nabitiwan nya ang balikat ko.

Nakatitig lang siya sa akin nang ilang segundo. May sasabihin pa sana siya nang may nakalapit ng sundalo sa amin at sinaluduhan siya. He returned the gesture at lumuhod ang sundalo.

“Nasa helicopter na ang dalawa sa mga sibilyan, Sir. Kukunin na namin si Ma’am. Kailangan na nilang maalis dito. Parating na ang isa pang helicopter.”

Luke gazed back at me. Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang mga kamay ko. I was waiting for him to give my hand back nang may kinuha siya sa bulsa ng suot niya at inilagay iyon sa palad ko. I din not dare to glance at it. I think I knew what it was. New set of tears trickled down my face. Agad ko iyong pinahid.

“Go.” Lukas nodded at the soldier waiting at us. “I’ll cover you.”

Sumunod na ako sa sundalo habang nakayukong naglalakad. Nasa likod si Lukas na nagsisilbing mata sa likod. I tightly held the thing he gave me. Umiiyak na ako. Giving it to me meant he might not get to be back. He’s about to risk his life to fulfill his duty. And wala akong magagawa para pigilan pa siya.

Malakas na ang hangin at malakas na rin ang tunog ng helicopter ang naging dahilan kung bakit hinawakan ako sa likod ni Luke at sinabihan na bibilang siya ng tatlo at kailangan kong tumakbo patungo sa direksyon ng chopper.

“Run as fast as you can. Don’t look back, Mikaela. Got it?”

Tumango ako.

“Cover up, Lieutenant. Mika, ready.” In a span of seconds, he looked at me and gave a peck on my cheek. “See you. Wait for me.” He whispered and agad bumalik sa pag-cover up. I was stunned for a moment hanggang sa nagbilang na siya.

I ran as fast as I could. Sinalubong na ako ng isang sundalo na nakabantay at agad na iniakyat sa helicopter. I managed to look back habang isinasara na ang pinto ng chopper. Luke was looking up. While tears were falling down, I smiled at him. Hindi ko alam kung malinaw pa ba ang mga mata ko but he smiled back. And, he started running back to the place we just left.

I fixed my eyes sa palad kong nakakuyom. I was holding his dog tag. And kasama ng dog tag niya ay ang kuwintas na plano raw niyang ibigay sa mapapangasawa niya. I could not help but stifled my sobs. He gave these to me as keepsakes. He’d live. He’d live for sure. Babalikan pa niya ang mga ito.

Be safe, Lukas. I really wished to see you soon.

At sa pag-angat ng helicopter pataas ay ang pagsabog sa ibabaw ng kabundukan.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started