TILALUHA, The Push

IKAAPAT NA KABANATA

“SHE’S awake, Dr De Guzman.”

I woke up feeling numb. Namamanhid ang katawan ko. Una ring bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng alcohol. Nasa hospital ako.

“Mika, do you hear me?”

I closed and opened my eyes to clearly see Sander looking down at my face. May itinapat siya sa mata ko na ikinapikit ko at may chineck ang tubo na nakakonekta sa kanang braso ko.

“H-hi,” paos kong turan. Nauuhaw ako. “C-can I have water?”

May nurse na nag-abot sa akin ng tubig na may straw. I drank a little hanggang sa malagyan ng tubig ang lalamunan ko. Nang makainom ay um-okay na ako. I uttered my gratitude sa nurse.

“How are you feeling?”

“Numb?” patanong kong sagot kay Sander.

“Normal iyan.” He smiled at me. Umupo siya sa upuan sa gilid ko. Ilang segundo siguro niyang pinag-iisipan kung magtatanong siya o hindi. Nang hindi siguro siya makatiis ay nagtanong na. “Mika, I hate to ask the question but I ought to ask you.”

He’s speaking in English. Wow.

“What happened?” Malumanay na pagkakatanong niya. “You suddenly disappeared. Then, I got a text from Lukas na nakita ka niya sa gilid ng kalsada na nasa pagitan ng abandoned high way ng Katakutan at Gumamela.”

Napakunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari kahapon. What? Bakit parang iba ang natatandaan ko sa narinig ko sa kaniya. Nakita ako sa gilid ng kalsada dahil sa hindi ko kinaya ang panic na isasakay ako sa motor ni Lukas. Saka may humahabol sa akin na dalawang lalaki. At may transaksyon na naganap. Oh.

I took a deep breath. Ayokong masali sa gulo hangga’t hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I was not sure of what I witnessed yesternight so I should not tell it to others pa muna.

“I’m sorry, Sander. Just. Kapag ready na akong magkwento, sasabihin ko kaagad sa iyo.”

Ngumiti siya sa akin. “It’s okay. Nag-alala lang talaga ako.”

“Thank you.”

Nabalian ako ng buto, may mga sugat sa gilid ng mukha, braso, at binti, but all in all ay maayos ang kalagayan ko. Mabuti na lang din daw at nadala ako sa hospital ni Lukas dahil sa halos hindi na talaga ako humihinga. Speaking of him, nasaan na kaya siya? Buong duration na gising ako ay hindi ko siya nakita. Nang magdesisyon akong uuwi na ng bandang gabi ay sina Sander at Gloria ang naghatid sa akin sa bahay. My relatives didn’t know what happened. I was glad na hindi rin tumawag si Manay Delia sa tita ko. Ayokong mag-alala pa sila sa akin.

That night, hindi ako makatulog. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko. Para akong nabugbog ng sampung tao. Bigla rin ang ragasa ng alaala ng kagabing mga kaganapan. Anong transaksyon ang nangyari? Ano ang laman nung dalawang bags? Bakit may mga pulis? Bakit sila nagtago sa mga pulis? Bakit ako hinabol ng dalawang lalaki? At bakit nandoon si Lukas?

Napaigtad ako nang may kumatok sa pinto. Mula sa pagkakaupo sa sofa, tumayo ako at lumapit sa peephole. Nasa labas si Lukas. Agad kong binuksan ang pinto.

“Hi,” bati ko.

Luke smiled at me. “Hello. Can I come in?” Inangat niya ang suot na hawak niya sa kanang kamay.

Automatic na niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok siya. Iginiya ko siya sa kusina. May dala siyang sinabawang ulam at kanin. May prutas na rin kasama.

“Nakakahiya naman. Hindi mo naman kailangang gawin iyan,” ani ko.

Hindi siya umimik. Sinulyapan lang niya ako ng tingin. Nahiya na rin akong pigilan siya sa pagsasalin ng pagkain. Nakakain na ako kaso isang subo lang yata ang ginawa ko kaya feeling ko bigla akong nagutom.

“I heard from Sander na pauwi ka ngayon. Hindi na ako pumunta sa hospital dahil nandoon naman na halos mga ka-close mo rito. I just bought you food sa Bayan para makakain ka. I’m sorry. Lulutuan sana kita but I was kind of busy.”

Napatda ako sa pag-explain niya. “Hala. Okay lang. Ano ka ba? Sobrang thank you sa pagtulong kagabi. And sorry rin kung naabala kita.”

Nagkibit-balikat lang siya at itinuro na ang pagkain. “Eat.”

“Okay.” Paunti-unti ay kumain ako. Medyo naiilang na nakatingin siya but it’s okay. Kumain naman na raw siya nang alukin ko siya. Nagpaalam siya kung pwede ba siyang makitingin sa libruhan ko sa likod ng sofa. Sabi ko naman okay lang. Napansin niya siguro na naiilang ako na nasa harap ko siya habang kumakain kaya inilayo na niya sarili niya. I silently thanked him for that.

Nang matapos ako ay niligpit ko na ang pinagkainan at nagpasalamat muli sa kaniya. He just nodded at umupo sa sofa habang hawak ang Pride and Prejudice kong aklat.

“You read classics?”

“Oo naman,” sagot ko pagkaupo sa tapat niya. “Coffee?” Inabutan ko siya ng baso ng katitimpla ko lang na kape.

“Salamat.”

I smiled at him. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nagtanong. Marami akong gustong malaman. Feeling mo siya ang makasasagot dahil siya lang naman ang nandoon kagabi.

“Uhm, Luke?”

Iniangat niya ang tingin mula sa pagbasa ng libro ko.

“Bakit ka nasa Kalamansi kahapon?” There I asked it. I knew that he was there even before iyong pangyayari sa gilid ng kalsad. Kaya nga ako nakapasok sa kagubatan, e. Dahil sa pagsunod ko sa kaniya.

Ibinaba niya ang libro at tinignan ako nang matiim. “I think I should be the one asking the question. Why were you there?”

“Sinundan kita, e. I saw you na pumasok sa kagubatan. I meant to call you pero malayo ka na kaya sumunod na lang ako.”

Napaawang ang mga labi niya. “Sundan ako? You just put yourself in grave danger, Mikaela.”

Ako naman ang napaawang ang mga labi. “Bakit alam mo ang pangalan ko?”

“Doesn’t matter. What matters is the fact that you just inflict harm to yourself. Hindi ka ba nasabihan ni Sander na mag-stay kung nasaan ka? Now, I don’t know what to do with you.’ I could sense a hint of anger and frustration sa boses niya.

“T-teka. Sandali. Anong ibig mong sabihin? Bakit? May kahulugan ba talaga iyong naganap na transaksyion kineme?”gnghg inilibot ang tingin sa paligid. Hininaan niya ang boses. “Lower down your voice.”

Naalarma naman ako. Nasundan ba ako nung mga humahabol sa akin kagabi?

“Listen.” Luke leaned. “Forget what happened last night. Juts go with the usual flow of our day. Probably, by tomorrow, you are going to be tailed by someone. I will fetch you in the morning and afternoon just to make sure you are safe.”

“Wait, Luke. Am I in danger?” Naguguluhan ako!

Hindi agad siya nagsalita. “I am not quite sure. Let us just be careful.”

“I d-don’t get it. But thank you sa concern.” I was still in shock to hear what he said. Though, hindi pa rin niya nasasagot iyong tanong ko kung bakit siya nandoon.

Ilang sandali ng katahimikan ang dumaan bago niya iyon muling binasag. “I’m sorry to what happened last night. I didn’t know you are scared of motorbikes.”

Napakurap ako. “No. Ako dapat mag-sorry. I put a childish act.”

“Childish act?” Kumunot ang noo niya. Ibinaba ang tasa ng kape at tinaasan ako ng kilay. “Halos hindi ka na makahingi at iyak ka nang iyak? Childish?”

Napangiwi ako sa sobrang kalmado ng boses niya. “Sorry.”

Hindi na siya nagsalita. Inubos na lang niya ang kape at tumayo. “Thank you for the coffee. I’ll take my leave. Make sure you double lock the doors and windows.”

Sinundan ko na lang siya ng tingin. Ako naman ay napaisip. Lukas seemed too mysterious for me. Ang hirap din niyang basahin. Hindi siya basta-basta nagpapakita ng emosyon. Who are you, Luke?

“OKAY ka lang po, Ma’m Mika?”

Nakailang tanong na si Natoy sa akin kahit hanggang matapos ang klase ko. Pinuntahan niya talaga ako sa room para lang tanungin. Sinundan din siya nina Jophet at Sanya na pabalik-balik sa room ko. Isang linggo na nakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi pa rin yata kumbinsido ang tatlo sa sagot ko.

“I am fine, Natoy. Huwag kang mag-alala. Mahaba pa ang buhay ko.”

Ngumuso ang bata. Nakatutuwa talaga si Natoy at ang mga kaibigan niya. Caring, matulungin, at mababait na mga bata. Ang swerte ng mga magulang nila sa kanila.

“Next time, Ma’am, isama mo kami sa mga galaan mo, a? Nakakakaba ka po. Akala namin kung ano na nangyari sa iyo.”

Natawa ako. “Sige-sige. Magpapasama na ako sa iyo.”

“Iyan. Very good po yan, Ma’am. Bantayan daw kita sabi ni Kuya Luke, e.”

Natigil sa ere ang pagliligpit ko sa mga gamit sa table. “Ano?”

Malawak ang ngiti na umupo sa may monoblock si Natoy. “Sabi ni Kuya Luke, bantayan daw po kita kapag wala siya. Makulit at matigas daw ulo mo po, Ma’am, e.”

Napaawang ang labi ko. Anong pinagsasabi ni Lukas?

“Ma’am, mapangahas itong tanong ko, a. Pero kasi tanong din ng ibang mga estudyante rito, e. Wala raw po bang namamagitan sa inyo ni Kuya Luke? Lagi kasi kayong nakikitang magkasama. Tapos iyong nangyari pa sa iyo noong Sabado po, siya rin nandoon para dalhin ka sa hospital. Lagi ka rin po niyang hinahatid at sinusundo.”

Napatda ako sa tanong ni Natoy. Ano raw? Natsitsismis na pala ako?

“Tapos, ‘eto pa ang kwento, Ma’am. Lagi ka rin daw nidadalhan ng pagkain ni Kuya Luke sa bahay ninyo.”

“Saan mo naririnig ang mga kwento na iyan?” Aguy. Anong nangyayari?

“Sa mga tao po sa barangay. Naririnig ko rin po kapag naglalako ako pandesal.”

Napailing ako sa kaniya. “Huwag ka basta-basta maniwala sa mga tao.”

“Weh po? Si Kuya Sander nga po sabi niya baka raw crush ka ni Kuya Luke kaya ka laging sinasamahan. Hindi naman daw po ganiyan si Kuya Luke dati e. Wala nga iyong pakialam kung may mga babaeng nalapit sa kaniya.”

Napanguso ako at umiling na rin. Si Lukas? Crush ako? Aba iba iyon. Mabait lang siya and feeling ko inaako niya responsibilidad nung nangyari last Saturday.

“Natoy, pag-aaral muna ang isipin, okay? Hayaan mo na ang mga tsismis-tsismis na iyan.”

“Ngek, e, lalapitan talaga kayo ng tsismis po lalo na at ayan na ulit si Kuya Luke.” Tumakbo na si Natoy palabas ng room. Sinundan ko siya ng tingin. Sinalubong nya si Lukas na nakasimpleng tee shirt at pantalon. Ang gwapo niya talaga tignan.

Ano ba, Mika?

Kinastigo ko ang sarili. Trabaho at change ang habol ko kaya ako pumunta rito. Hindi ako dapat nagpapadala sa mga tsika.

Inayos ko na ang table ko. Pinatay ko na rin ang ilaw. After kong I-double check iyong mga gamit ay sinarado ko na ang roon. Ni-lock ko na iyon bago ako pumunta sa naghihintay sa akin. Kaso pagharap ko, may kausap na si Luke. Iyong teacher ng Junior High School, si Ma’am Arlene San Diego, anak daw ng isa sa pinakamayamang angkan dito sa Marawi.

Busy sila sa pag-uusap. Tumatawa pa si Luke habang nakangiti naman si Ma’am Arlene. Hmm. Bagay sila. Mga ilang minuto rin ako na nakatayo lang doon, hihihintay na matapos sila. Kaso mukhang matagal pa pag-uusap nila kaya marahan ang lakad ang ginawa ko palabas ng school. Susunod na lang naman si Luke siguro?

Hindi ka sigurado, Mikaela Andrea? Selos ‘yarn?

Napailing ako at natawa sa sarili. Sino ako para magselos? Hindi naman ako girlfriend. Okay, enough. Kain na lang tayo lugaw.

Huminto ako sa lugawan ni Manang Sarah. Marami-rami ang nakain. Karamihan ay kalalakihan. Mukhang galing pa sa mga trabaho nila.

“Isang lugaw po at tokwa’t baboy, Manang. Magandang hapon po.” sabi ko pagkaupo sa may bakante sa gilid.

“Magandang hapon, Ma’am!” bati ni Manang.

“Naku. Mika na lang po, Manang. Nasa labas naman po tayo ng school.”

“Ay naku, okay lang iyan. Sanay na ako sa Ma’am Mika kaya iyon na lang,” tawa niya. Napangiti na lang ako.

Lumingon ako para tignan kung kasunod ko na si Lukas. Wala pa.

Disappointed ‘yarn?

Bumuntong-hininga na lang ako at naghintay ng lugaw. Balak ko sanang kausapin si Manang kaso busy na rin siya sa pakikipag-usap sa ilang kababaihan na nakain.

“Nakita raw sa may ilog si Nestor. Grabe. Paniguradong darami na naman ang mga pulis sa Rosal.’

Napatingin ako sa isang matanda na nasa may kabilang gilid. Siya yata kausap ni Manang Sarah.

“Dapat lang iyon sa kaniya, Aling Conching. Pakialamero kasi si Sarhento kaya iyon.”

Nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking katabi niya.

“Ano ka ba, Miguel? Kasalanan iyan. Hindi natin alam ang kwento kung bakit pero kawawa talaga pamilya non. Mga bata pa ang anak.”

“Sisihin niyo ang gobyerno kung bakit ganiyan ang nangyayari. Kung matagal na nilang nilubayan ang Marawi, wala na sanang mapapahamak. Hindi sila maayos magpatakbo ng gobyerno.”

“Naku, Miguel. Ingatan mo iyang pananalita mo. Kung may mga pulis dito baka isipin na rebelde ka,” saway ni Manang Sarah. Inabot na niya sa akin ang lugaw pati ang tokwa’t baboy.

“Salamat po.”

“Ano naman, Manang Sarah? Kahit kailan hindi ako mauuto ng punyetang gobyerno na walang isang salita. Maraming napapahamak dahil sa kanila. Puro sila peacetalks. Kung ginagawa nila nang maayos ang gampanin nila, hindi sana mangyayari ang mga patayan.”

“Miguel!” sita ng mga matatandan.

Nakatingin lang ako habang nakain.

“Bata pa si Miguel. Hindi pa niya alam ang mga sinasabi niya, Manang. Pero tama siya. Wala tayong mapapala sa gobyerno,” segundo ng isa pang lalaki.

“Kung hindi pa hiniling na magkaroon ng isang paaralan dito, sa tingin mo may gagawing aksyon ang gobyerno? Wala,” salita ng lalaki na malapit sa akin.

“Tigilan niyo na nga ang tungkol sa gobyerno natin. Nandyan si Ma’am Mika. Mahiya naman.”

Napangiwi ako nang mabanggit ni Manang Sarah ang pangalan ko. Bakit niya ako dinamay? Nakatingin tuloy sa akin lahat ng nakain sa lugawan.

“Uy. Magandang hapon, Ma’am Mika,” bati ng matatanda.

“Magandang hapon po,” nahihiya kong tanong.

“Ikaw pala si Ma’am Mika? Nasaan na ang sundo mo?’ tanong nung katabi ko. Bigla akong natakot sa uri ng ngisi niya.

“Ahm…” Hindi agad ako nakasagot.

“Balita ko, Ma’am, may nangyari sa inyo noong Sabado sa Kalamansi. Anong nakita mo sa gubat?’ tanong ng isa pa.

“Mag-ingat ka, Ma’am Mika. Hindi ka dapat nasuot sa mga bundok ng mag-isa dahil delikado.”

“Aysus. Huwag kayong mag-alala. Nandyan naman ang boyfriend ni Ma’am.’

“Manang?” napangiwi ulit ako. Sinong boyfriend?

“Ay, oo nga ‘no. Nasaan na si Lukas? Nakita ko siyang pumasok sa school kanina.”

“Kayo na ba ni Lukas, Ma’am Mika?”

Hindi ko alam ang isasagot ko mga tanong nila. Feeling ko ang awkward na ng ngiti ko.

“Hindi na makakain iyong tao sa dami ng mga tanong ninyo. Baka naman?”

“’Oy, Lukas.”

Inangat ko ang tingin kay Lukas na tumabi ng upo sa akin. “Isang lugaw din po, Manang Sarah. Tapos lumpia.”

“Luke, tinatanong sa akin ng dalaga ko kung kayo na raw ba ni Ma’am Mika. Lagi niya raw kayo nakikitang magkasama.”

Napatingin na naman ako sa grupo ng matatanda na nagtawanan.

“Ayan na, ayan na. Nandito silang dalawa. Tanungin niyo na nang matapos na iyong tsismis na kumakalat.”

Nahihiya na ako. Feeling ko hindi ako makatutulog mamayang gabi dahil sa embarassment. I looked at Luke na nakatawa.

“Huwag po kayong maniwala sa tsismis. Sa nakikita lang ng mata ninyo.”

Nag-react ang mga nakain sa lugawan. Natatawa naman si Manang Sarah na inabot na ang pagkain kay Luke.

Hindi ko alam kung paano ko na-survive ang pagkain sa lugawan. Pumunta ako rito para sana maiwasan si Lukas kasi nga may kasama siyang babae. Hindi ko naman akalain na mas lalo pala akong maaasar dito.

Naglalakad na kami pauwi nang maisipan kong tanungin siya.

“Hindi ba ako nakaaabala sa ‘yo? ‘Di ba may pasok ka rin?’

Nilingon niya ako. “Meron. But on call ako kaya hawak ko ang oras ko.”

“Oh.”

“Are you bothered?” Aniya.

“Saan?”

“Sa usap-usapan?”

“No. I’m not. Okay lang,” iling ko. Hindi ako bothered sa mga tsismis sa amin. Bothered ako sa nararamdaman ko kanina noong makita ko kayong magkasama ni Ma’am Arlene.

Ay, iba ‘yern!

Tumango siya. May sasabihin pa yata siya nang may biglang tumawag sa pangalan niya. Tinawag siya ng isang matanda sa repair shop. Nagpaalam siya sandali. Tumango lang ako at naghintay sa gilid. Alas-kwatro na ng hapon. Marami ng tao sa paligid. Iba ay mga namamalengke pang-hapunan habang may mga gawain siguro ang iba.

Nakamasid lang ako nang biglang may humablot sa akin pasakay sa motor. Automatic ang response ng katawan ko. Agad akong nagpumiglas. Nabitiwan ko ang bag at tumili. Dahil sa maraming tao na palapit sa umaandar na motor, bigla na lang akong binagsak ng hinayupak na rider sa kalsada. Hindi agad ako nakagalaw. Bigla ang paninikip ng dibdib ko. Iyong panic ko kapag nakakasakay sa motor ay biglang ragasa sa akin ngayon,

“Ma’am Mika!”

Humarurot na palayo iyong motor ng hindi ko man lang nakita ang mukha nung humatak sa akin. Dalawa sila na nasa motor. Oh, my God. What was happening?

“Kuya Luke!”

Napadilat ako nang makita ko si Luke na nakaluhod na sa akin at hawak ako sa balikat. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

Naiyak ako bigla at nagpumilit bumangon, He helped me. Dahan-dahan niya akong iniupo at saka niyakap. Napaiyak ako lalo. I was holding my breath. Akala ko kamatayan ko na naman.

Hindi ko na alam ang usapan ng mga tao. Ang alam ko, masakit ang buong katawan ko dahil binagsak lang ako bigla. Buti na lang ay naalalayan ko ang ulo ko noong bumagsak ako.

“I’m sorry,” Lukas whispered. Niyakap ko siya nang napakahigpit.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started