TILALUHA, The Kiss

IKALIMANG KABANATA

“MARAMING salamat, Sander.”

Nginitian ko si Sander matapos niya akong check-up-in. Hindi na ako dinala ni Luke sa hospital. Pinapunta niya sa bahay ko si Sander para alamin ang kalagayan ko. I got small crack sa gilid ng noo ko nang tumama ako sa kalsada. May sugat din ako sa kanang braso. Masakit din ang balakang ko kaya nag-advice siya na hindi muna ako pwedeng gumalaw-galaw para hindi matuluyan ang fracture sa kanang bahagi ng katawan ko. Hindi pa nga gaanong naghihilom iyong sakit na natamo ko last week, nadagdagan na naman.

“Always my pleasure, Mika.” Aniya. Binalingan niya si Lukas na nakatulala sa gilid. Kanina pa siya tahimik. “Luke.”

Nang marinig niya ang pagtawag ni Sander ay tumayo siya. Sandaling tinapunan niya ako ng tingin at saka lumabas ng kwarto. Si Sander ay lumingon pa sa akin. “Alis na ako, Mika. If anything happens, call me. Iniwan ko calling card ko sa table mo para mabilis mo akong matawagan.”

“Thank you, Sander. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo.”

Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Napatingin ako bigla sa phone ko. Tatawagan ko na ba ang tiyahin at ipaalam ang nangyari rito sa akin. Pangalawang beses na ito. Lapitin ba talaga ako ng disgrasya? Sa loob ng isang taon, ilang aksidente ang nasaksihan ko na?

I just looked outside my window. Madilim na sa labas. At malamig ang simoy ng hangin. Uulan ba? Oh, my goodness. Umulan lang sana. Huwag ng kumulog at kumidlat.

I was staring outside nang pumasok sa kwarto si Luke na may dala ng tray ng pagkain at tubig.

Napaayos ako ng upo. “Hey. Hindi mo na kailangang gawin iy–”

“I insist,” sabi niya sabay lapag ng tray sa bedside table ko. Kinuha rin niya ang study chair ko at inilapit sa may kama ko. Akala ko pauupuin niya ako roon pero siya ang umupo. Umalma ako nang makitang kinuha niya iyong kutsara at parang susubuan ako. “Kaya mo ba?”

“Oo.”

“Okay.” Iniwan niya ang kutsara sa soup. Tinignan ako at hinintay na kumain. Gumalaw ako pero napangiwi at napaaray lang nang balakin kong abutin ang kutsara. Shocks. Bugbog-sarado talaga ang mga balikat ko.

“See?” Aniya na kinuha na ang kutsara at hinalo ang soup. Sinubuan niya ako. Hesitant ako noong una but he made it more comfortable for me kaya hindi na ako nahiya.

Hindi niya ako hinayaan na magsalita sa duration ng pagkain. Pinaubos niya sa akin iyong soup at iyong tubig sa baso bago siya lumabas ulit. Ako naman ay nag-try na tumayo. Kaya ko kaso talagang mararamdaman ko iyong sakit. Pupunta sana ako sa restroom para mag-brush ng ngipin at makapaghilamos ng mukha. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang bumukas ang pinto at pumasok si Luke na agad napatingin sa ginagawa ko.

“Restroom?” tanong niya na lumapit. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa loob.

“I’m good. Salamat.”

“Okay.” Lumabas siya at sinara ang pinto. Ako naman ay napatitig sa repleksyon sa salamin. Napakaputla ko. These past few weeks stressed the hell out of me. Dahan-dahan ko ng ginawa iyong routine ko sa gabi. Gusto ko sana maligo pero hindi ko kakayanin ngayon. Bukas na lang. Magpapatulong na lang siguro ako kay Manay Delia.

Matagal bago ako natapos dahil iniinda ko ang sakit ng katawan. Pagbukas ko ng pinto ay nandoon pa rin sa labas si Luke. Nakasandal siya sa hamba ng restroom. Nang makita ako na nakangiwi ay nilapitan niya agad ako. Walang sabi-sabing binuhat at nilapag sa kama. Ilang segundong hindi ako nakahinga.

“S-salamat.”

Hindi siya umimik at inayos lang ang kumot sa akin. Umupo pa rin siya sa study chair na nasa gilid ng kama ko. Tatanungin ko sana siya kung hindi pa ba siya uuwi nang biglang humampas iyong malakas na hangin sa bintana. Napakislot ako at napatingin sa labas.

“Malakas ang ulan. Kanina pa iyan bumuhos.”

Nabalik ang tingin ko kay Lukas na nakatingin din sa bintana.

“O-okay.” Iniangat ko ang kumot hanggang leeg. I Looked at him sideways. May hawak na siyang libro at binabasa. “Uuwi ka na ba?” I asked.

“Until you fall asleep.”:

“Pwedeng…” Napalunok ako. “Dito ka muna? Ayoko sa malakas na ulan.”

Iniangat niya ang tingin sa akin. “Okay.”

I smiled at him. Nakatitig lang ako sa kaniya kasi hindi pa naman ako inaantok. Ang gwapo niya lang tignan habang nagbabasa ng libro. Ang perfect ng kilay niya. Tapos hugis heart-shape ang labi. Ang kinis pa ng mukha. Para siyang nilabas na model cover. May lahi kaya siya?

“Do you have any questions? I can feel your stares.”

Napangiti ako. Wow. Lakas naman ng pakiramdam niya. Well. Normal intuition naman iyon ng mga tao.

“You looked like you came from a cover magazine. Nag-model ka na ba?”

“No.” sagot niya na hindi inaangat ang tingin sa libro.

“Why not? Sa gwapo mong iyan pwede kang pang-model. O kaya naman artista?”

He shook his head. “I don’t think so.”

“Ang tatas mo pa magsalita ng Ingles,” Puri ko. “Pansin ko lang. Kapag kausap mo ako lagi kang nagsasalita ng English. Tapos kapag sa iba hindi naman.”

Hindi siya nagsalita.

“Pamangkin ka raw ni Manay Delia? Saan ka talaga laki?” I was really curious of him. Ang dami kong tanong tungkol sa kaniya.

“You do realize you are curious of me, don’t you?” Inangat na niya ang tingin mula sa binabasang libro.

“Uh, wala lang. Ang mysterious mo kasi.”

“Curiosity kills the cat, Mika.”

“But it enlightens mind, too. Don’t just state it negatively.”

Hindi siya nagsalita. Kainis naman ito. Hindi siya nagre-react kapag ayaw niyang magsalita o sumagot sa mga tanong ko. Huwag na nga lang natin siyang tanungin tungkol sa sarili niya.

“Well, may tanong ako. Since two years ka naman na nandito, totoo ba ang mga rebelde? Kanina sa lugawan, usapan ng mga tao iyong pagkakapatay sa isang sarhento. Alam mo ba iyon?”

Hindi siya agad nagsalita. Tiniklop niya ang libro at nilagay sa bedside table ko bago ako tinignan. “Naniniwala ka ba sa mga rebelde?”

“Naniniwala ako sa kanila pero hindi sa prinsipyo nila sa buhay. Kung totoo nga na mayroon sa liblib na lugar na ito, sana naman maayos ang pakikitungo nila sa mga tao.”

“Do you know Robin Hood?” aniya.

“Yes.”

“Rebels are like him. But more twisted because of their extra curricular activities that might endanger their lives.”

“Bakit hindi na lang sila makipag-usap sa gobyerno? Sinusunod din naman ng gobyerno ang mga hiling nila during peace talks, ‘di ba?”

“What we see and hear on media platforms are not the entire truth of what lies beyond those talks. Hindi natin masasabi kung lahat ba ng demands nila ay nasunod o hindi or kung talagang sumusunod sila sa protocol ng gobyerno.”

“Sa tingin mo ba tama lang na sundin ang demands nila?” I asked my tito about this. Ang sagot niya lang sa akin ay depende kung sumusunod din ang mga rebelde sa panuntunan ng gobyerno.

“Kung tama ang ginagawa nila sa demands nila, probably. Pero they are more vicious than what we can think of. Maraming sundalo at kapulisan na ang nagsakripisyo ng buhay nila para mapaalis ang mga rebelde o magbagong-buhay sila. Nothing happened though.”

I stared at him. I could feel his emotions about the matter pero stoic lang ang ekspresyon ng mukha niya. How did he do that?

Magsasalita pa sana ako nang bigla ng kumulog at kumidlat. I screamed and covered my head with the quill. Sa lahat ng mga kinatatakutan ko, motor at ulan na may kulog at kidlat ang nasa top list.

“Hey. It’s okay. I’m here.”

I could feel his pat on my side. Tinanggal ko ang kumot sa ulo at tinignan siya. Tumutulo na ang luha ko. Hindi ko alam. Basta kapag umuulan din ng malakas at kumukulog at kidlat, takot na takot ako.

Hinanap ko ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Napatayo siya at umupo sa gilid ng kama ko habang hawak ko nang mahigpit ang kamay niya.

“My parents were murdered on a rainy day. Sobrang lakas ng ulan. Kumukulog at kumikidlat pagkauwi ko sa bahay. Hindi ko akalain na pagbukas ko ng pinto, katawan agad nila ang bubungad sa akin. At…” Tears were cascading down my face.

“Ssh, Kahit hindi ka na magkwento, Mika. It’s okay. Everything’s okay now.” Alo niya. He’s haugging me already. Wala na akong pakialam sa posisyon namin. Natatakot ako. Kailangan kong maikwento na ito para kahit paano maibsan iyong takot at sakit na nadarama ko tuwing nakikita o nangyayari iyong dlawang kinatatakutan ko.

“Iyong mga pumatay, n-nasa loob pa ng bahay. Nakita nila ako. Tumakbo ako palabas ng bahay. Sumisigaw ako ng tulong kahit alam kong imposibleng marinig ako ng mga kapitbahay namin dahil sa sobrang lakas ng ulan. Hinabol nila ako gamit ang motor. I almost died, too. Binangga nila ako. Sinaksak pa sa tagiliran. The roaring of the engine and the sky made me sick and lost my breath. After that day, it seemed that I lost my life.”

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Ako naman hindi ko alam kung paano ko nakwento iyon nang maayos habang umiiyak at natatakot. It felt great upon bursting out my anxiety. Iyon talaga ang pinaka kinatatakutan kong mangyari ulit. I was in theraphy for months just to ease my mind. Ngayon, sa mga pangyayari sa buhay ko, parang bumabalik ang lahat.

Hindi ko alam kung ano pang mga nasabi ko. I fell asleep. Kinabukasan, mataas na ang tirik ng araw nang magising ako. Wala na rin sa kwarto si Luke. Kumilos ako para bumangon. Muntik na akong mapasigaw dahil ang sakit ng katawan ko!

Ngayon ko mararamdaman ang sakit ng katawan dahil humulas na iyong gamot na pinainom sa akin ni Sander. Nang pinilit kong bumangon ay may nalaglag na towel mula sa ulo ko. Napatingin ako sa bedside table na may bowl ng tubig at mga towel pa. Nilagnat ba ako?

Inilibot ko ang paningin. Wala ng bakas ni Lukas dito sa loob. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Manay Delia.

“O. Gising ka na, Ma’am Mika!”

“Manay, Mika na lang po itawag niyo sa akin,’ ani ko. Matagal ko na siyang sinabihan na Mika na lang ang itawag kasi ang awkward lang.

Natawa si Manay. “Oo nga pala. O, buti at gising ka na. Kakapainit ko lang ng almusal. Pwede ka ng kumain.”

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako na makatayo nang maayos.

“Kaaalis lang ni Luke. Dito raw siya nag-stay kagabi dahil sa sobrang lakas ng ulan at nilagnat ka nga raw. Naku. Walang tulog iyon. Binantayan ka magdamag. Tapos kanina, tinawag ako para raw may tumulong sa ‘yo sa pagpapalit ng damit. Sinabihan din niya ako na bantayan ang pag-inom mo ng gamot. Huwag ka rin daw magalaw kasi on healing pa ang mga pasa mo. Naku talaga. Ano ba kasi ang nangyayari sa ‘yo? Parang lapitin ka ng aksidente, hija?”

Hindi ako agad nakaimik. Nginitian ko lang si Manay. Isang oras siguro mahigit ang nagamit ko sa pag-aayos lang ng sarili. Tinulungan ako ni Manay sa loob ng restroom. Nang maayos na ako ay saka naman kami lumabas ng kwarto ko. Natagpuan ko sa living room si Natoy na nagwawalis.

“Natoy,” tawag ko.

“Uy, good morning, ma’am Mika!” Lumapit siya sa akin at tinulungan din ako hanggang sa makaupo ako sa may maliit kong dining table. May pagkain na roon.

“Kumusta ka na po, Ma’am Mika?”

“Okay lang naman. Salamat.” Ani ko nang makaupo na ako. “Manay, thank you po.”

“Naku, hija. Walang problema. Paano, balikan kita maya-maya, huh? May usapan kami ng isa kong kumare na magkikita sa bahay. Balikan kita mamaya. Si Natoy naman ay nandito na.”

“Sige po, Manay. Okay na po ako. Thank you po ulit.”

Lumabas na si Manay. Si Natoy naman ay umupo sa katapat kong upuan at inayos na ang pagkain sa table.

“Kain ka na po, Ma’am. Ininit na po ito nI Manay. Si Kuya Luke po ang nagluto niyan.”

“Talaga?” Marunong magluto si Luke? Naalala ko iyong sinabi niya noong nakaraan na kung may time lang daw siya ay magluluto siya.

“Nag-almusal ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. “Kain ka uli. Sige na. Para may kasabay ako kumain.”

Alanganin pa ang bata na sumabay ng kain dahil busog pa raw siya pero pinilit ko na talaga. I knew how hard Natoy’s life. Nag-iisang anak lang siya tapos may sakit pa ang mga magulang niya. Siya lang ang inaasahan para sa mga gamot at iba pang pangangailan sa bahay nila. Nag-aaral pa siya. Kaya pursigido siya sa paghahanap-buhay niya. Kung ano-ano na kaya niyang gawin ay papatusin niya. Nag-aalala ako na kapag talagang nangailangan siya ng pera ay kumapit siya sa patalim. Pero malakas din ang paniniwala ko na may paninindigan sa buhay ang batang ito. Hindi siya basta papasilaw sa malaking halaga ng salapi. May prinsipyo siyang pinanghahawakan kaya iyon na rin ang kinakapitan ko na balang-araw ay makatutulong sa bansa si Natoy.

“Wala kang part-time job ngayon, Natoy?” Tanong ko.

Medyo nag-alangan siyang sagutin ang tanong ko pero sumagot pa rin naman siya. “Wala po kapag weekends, Ma’am. Kinuha ako ni Kuya Luke para samahan ka po sa mga galaan just in case.”

“What?” Natigil sa ere ang pagkain ko.

“Hala ka. ‘Wag ka po maingay na sinabi ko po, a. Simula po noong dumating kayo, sabi ni Kuya Luke samahan ko raw po kayo kung saan man kayo pupunta.”

“Totoo?” Hindi ko makapaniwalang tanong.

“Opo, Ma’am. Nakatutuwa nga po kasi nabawasan po part time jobs ko. Iyong pagsama ko po sa inyo pati po paglalako na lang ng pandesal ang ginagawa ko. Thank you po sa pagdating niyo sa buhay namin.’

I could feel his sincerity. Nakatutuwa naman pero mas natuwa ako sa kaalaman na pinasasamahan ako ni Luke sa kaniya. Tutulungan ko rin si Natoy para kahit paano masuklian ko ang kabaitan niya.

“Alam mo po, Ma’am. Feeling ko crush ka po talaga ni Kuya Luke. Hindi ko lang po siya inaasar kasi napakaseryoso niya sa buhay. Hindi po tulad niyo na may joke time and serious time. Si kuya para pong laging makikipag-away.”

Natatawa ako sa mga kwento niya tungkol kay Luke hanggang sa makarating ang usapan namin sa mga rebelde.

“Maraming rebelde rito, Ma’am. Iyong iba po na nakakasalamuha natin, kasapi po sila ng NPA. Hindi lang po halata kasi nakikisalamuha sila sa mga tao sa bayan. Dati po, si tatay rebelde. Kaso nagkasakit po siya kaya hindi na siya kabilang.”

Oh. “Totoo ba ang mga kwento sa kanila?”

“Na ano po? Mga pumapatay?”

Alanganin ang tango na sagot ko sa kaniya.

“Marami pong pangyayari na maraming nawala rito sa lugar namin. Tatlong taon na po siguro ang nakalipas. Basta po, marami ring napatay. Ang mga rebelde po kasi ay pinupuntirya iyong mga nasa gobyerno lalo na po ang mga pulis at sundalo. Lagi po iyon. Buti nga po medyo natigil na ngayon. Pumapatay kasi sila kapag nahahadlangan iyong mga dapat nilang gawin. O kaya kapag pinipigian sila sa alam nilang tamang gawain.”

“Nagkakaroon naman sila ng mga peace talk sa gobyerno, hindi ba?”

Bahagyang umiling si Natoy. “Ma’am, sa mga NPA, wala lang po iyang peace talk. Sabi ng tatay ko, ginagawa lang daw nila iyon para makuha iyong gusto nila. Halimbawa po iyong school. Pinatayo iyan para sa mga kabataan dito, pero karamihan sa mga teacher po na nandoon ay kasapi ng mga rebelde. Bine-brainwash po nila kami. Sinasabi nila na ang gobyerno ay salot sa lipunan kaya dapat palitan na. Hindi niyo po ba napapansin ang idelohiya ng mga kaklase ko? Ibang-iba. Nag-aaral sila para maging ralyista at kalabanin ang gobyerno.”

Ngayon na kinukwento ni Natoy ang mga ito, saka ko lang naaalala na noong unang linggo ng klase ay iba-iba ang mga pagpapakilala ng mga bata. Hindi sila iyong tipong patriotic kumbaga.

“Ikaw, Natoy? Ano ang tingin mo sa pamahalaan natin?”

“Okay lang naman, Ma’am. Hindi naman ganoon kasama ang gobyerno. Hindi lang talaga nila alam ang tunay na kalagayan ng lugar na ito dahil na rin walang matinong mga nakaupo sa posisyon ang nag-uulat ng mga tunay na kaganapan. Ayokong maging katulad ng tatay ko. Hindi ko gustong maging kalaban ng bayang kinalakihan. Hindi po ako sumasama sa mga ganoong gawain.”

Napangiti ako. “Ipasa mo ang taong ito, Natoy. Ikukuha kita ng scholarship sa Manila. Iyong mgsa kabataang katulad mo mag-isip ang dapat sinusuportahan. Sana hindi magbago ang isip mo tungkol sa gobyerno natin.”

“Oo naman, Ma’am. Ako pa ba?”

Marami pa akong nalaman tungkol sa bayan na ito. Hanggang sa dumating si Manay ay nadagdagan pa ang mga kaalaman ko sa lugar na ito. Hindi lang pala basta-basta ang mga kasapi ng NPA rito. Kailangan ko pala mag-ingat. Buti na lang at hindi ko nilagay sa character reference ko ang pangalan ng tiyuhin ko. Kapag nalaman nila na may kaugnayan ako sa may posisyon sa gobyerno ay baka madamay ako.

Siguro, kaya simula noong lumipat ako rito, hindi ako sinamahan ni tito. Hindi niya binalita sa akin ito. O siguro dahil sa mapilit ako kaya sinunod na lang niya ang gusto ko?

Buong maghapon akong nasa loob ng bahay. Buong maghapon din akong nag-iisip ng mga bagay-bagay. Tama ba ang desisyon ko na dito tumira? Mga rebelde ba iyong nasaksihan ko noong nakaraang linggo na nagkakaroon ng transaksyon? Droga at pera ba ang laman ng mga bag na pinagpalit nila? Bulubundukin ang probinsya ng Maragat. Isa lang ang Marawi sa walong bayan na nasa probinsiya na ito. At ito pa ang pinakadulo at talagang nasa paanan ng mga bundok. Sa likod ng bulubundukin naman ay ang dagat na nakakonekta na sa Karagatang Pasipiko. Mahirap I-infiltrate ang ganitong lugar. Naririnig ko na si Tito Jun tungkol sa mga kwento niya sa lugar na ito pero hindi kasi ako interesado kaya hindi ko inisip. Malay ko na darating ako sa punto ng buhay ko na dito ako titira.

Naiwan na akong mag-isa pagtuntong ng alas-syete ng gabi. Umuwi na si Manay at pinauwi ko na rin kanina pa si Natoy na pinadalhan ko na rin ng pagkain para sa parents niya. Naaawa ako sa kalagayan niya sa buhay pero mas matutuwa ako na makitang may pangarap siya para sa bayan.

“Hi.”

Napaangat ang tingin ko nang makitang nakatayo na malapit sa akin si Lukas.

“Oh.” Napatingin ako sa pinto. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya.

“You were in deep thoughts kaya hindi mo ako napansin.” Inangat niya ang dala niyang paper bag. For sure ako na pagkain na naman ang laman noon. Diretso siya sa kusina para ilagay ang dala. Ako naman ay nakasunod lang ng tingin. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya pero nahihiya akong magtanong.

Pagbalik niya ay may dala na siyang platito ng halo-halong hiniwang prutas. May ubas din na nandoon.

“Here. Vitamins,” lapag niya sa maliit na mesa sa pagitan namin.

“Maraming salamat sa lahat ng tulong, Luke. I don’t know how to repay you but than you so much.”

“No worries. Just stay safe and everything will be fine.”

Huminga ako nang malalim. Siguro dapat ko ng itanong iyong tungkol sa ankita kong transaksyon last week.

“Luke, I have something to ask.”

Umangat ang sulok ng labi niya as if urging me to continue speaking.

“Last week sa Kalamansi, nakita kita. Like I’ve told you, parang nakita kita kaya sinundan ko ang lakad mo. Pumasok ka sa kagubatan. Nawala ka na sa paningin ko but I still marched forward hoping to bump on you. Hindi ko na namalayan na malayo na pala ako sa bukana and saw something.”

I noticed that he leaned forward, anticipating what I was about to say. Nakita ko rin ang simpleng pagtingin niya sa paligid.

Hininaan ko ang pananalita. “Parang may transaksyon ng kung ano ang naganap sa loob. Are you aware of that? Nasa loob ka rin ng gubat, ‘di ba?’

I could not fathom his expressionless face. Ang hirap niya talaga basahin.

“Mika, what happened in the woods must stay within ourselves. Okay? This is for you to be safe. Let the authorities deal with them.”

Napakunot ang noo ko. “What do you mean? Bad transaction ang naganap?”

“I invoke my rights against all your questions.”

Napaawang ang mga labi ko.

“C’mon, Mika. Let us not involve ourselves with that.”

“Pero–”

“Say aaaah.” Iniumang nya ang tinidor na may nakatusok na sliced apple sa akin. Sa bigla ko ay naibuka ko ang bibig at sinubo ang iniumang niya.

“How’s your day?”

He asked me random questions na nakalimutan ko na kung ano iyong gusto kong malaman. He evaded my questions real quick. Kainis.

“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko after isang oras na pananatili niya rito.

“Pinapauwi mo na ako?” Parang gulat pa niyang tanong.

Natawa ako. “Obvious ba?”

“Wow. Matapos mo akong hindi pauwiin kagabi, paaalisin mo na lang ako basta?”

I just thanked him for his kindness.

“Hindi ako tumatanggap ng salamat lang.”

“Bakit? Anong tinatanggap mo?”

For the first time in a few months I knew him, I saw him smiled wickedly. Tumayo siya at lumapit sa akin. He suddenly leaned forward at hinalikan ako sa pisngi.

Nabigla ako. Hindi agad ako naka-react.

“That,” he said. “And many more.”

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started