TILALUHA, The Trek

IKAANIM NA KABANATA

“Goodbye, class. See you on Monday. Do not forget your essays.”

“Good bye, Ma’am Mika!”

Nginitian ko ang Grade 12 students ko na nag-aayos na ng classroom. Tumayo ako at binitbit ang forms na ipapasa ko sa principal’s office. Binati pa ako ng ilang mga nasalubong kong bata na mga pauwi na rin.

“Ma’am Mika!” Napalingon ako sa chorus na pagtawag sa pangalan ko. Kita ko ang pagtakbo palapit sa akin nina Jophet, Sanya, at Natoy.

“Madapa kayo, hala,” awat ko. Hindi naman sila nagpatalo at nagpaunahan pa nga. Pasaway.

“Ma’am, sasabay kami sa ‘yo sa pag-uwi po ninyo ngayon. Wala raw po si Kuya Luke. Hindi raw po niya kayo masusundo kaya sinabihan po si Natoy na sabayan po kayo.”

Ngumiti ako kay Jophet. “Thank you, Jophet.”

“Ma’am, kayo na po ba ni Kuya Luke? Ilang buwan na kayong laging magkasama. Aba, Magbabago na po ang taon, hindi pa rin po kayo?”

Natawa ako kay Sanya. “You wait for the timing, my dear. Sige na. Pumunta na lang kayo sa room ko. I’ll be back.”

Naglakad na ako palapit sa Principal’s Office. Bago pa ako kumatok ay naulinigan ko na ang pag-uusap. Hindi agad ako kumatok. Aalis na sana ako sa pagkakatayo roon para maghintay na lang sa sa waiting area nang may marinig akong kumuha ng atensyon ko.

“… mamaya iyong kargo. Sigurado ba na wala nang mga tao rito?” Boses ng isang lalaki.

Narinig ko ang pagsagot ni Ma’am Carlos. “Affirmative. Walang meeting ang mga faculty ngayon. Nasabihan ko na rin si Dondon. Alam na niya ang gagawin.”

“Good. Natimbrehan na ni Javier ang kabilang kampo. Okay na rin papel kay Inspector. Venue na lang.”

Nakarinig ako ng yabag sa loob palapit sa akin.

Napalayo ako sa pinto. Tumalikod kaagad ako at naglakad pabalik sa classroom. Napahinga ako nang malalim nang makaliko ako sa building ng room ko. Anong pinag-uusapan nina Ma’am Carlos?

“Ma’am Mika, okay ka lang po?” untag ni Sanya na mukhang nilabas ako mula sa classroom.

“Huh? Uh, oo. Halika na.” Pumasok ako sa classroom at inayos na ang gamit sa bag. Binuksan ko ang drawer at inilagay ang phone sa loob.

Nang mabitbit ko na ang bag ay niyakag ko na ang tatlong bata palabas. I locked my room at sumabay sa lakad ng tatlo.

“Ma’am, punta po tayo sa sapa na malapit lang sa pinuntahan nating sapa sa Kortohan.”

“Bukas?” tingin ko kay Jophet na mukhang masayang-masaya.

“Opo. Ako na po sagot sa pagkain natin. Binigyan po ako ng pera ni tatay, e.”

“Wow. Sana all,” sabat ni Sanya.

“Okay. Sige. Puntahan natin.”

Sabay-sabay silang napa-yes. Natawa naman ako. Parang ginawa ng goal ng tatlo na lagi akong igala tuwing Sabado at Linggo.

Nginitian ko na lang sila. Pinakain ko na muna sila sa lugawan bago kami umuwi. Iba ang way nina Jophet at Sanya kaya kami na lang ni Natoy ang magkasabay. Ako ay paliko sa compound namin habang si Natoy naman ay didiretso. Mga limang minutong lakad mula sa kanto ng compound.

Nang makauwi ay sinimulan ko na ang paggawa ng daily lesson plan ko for next week. Tinapos ko na rin agad ang mga forms na dapat kong i-update ngayong linggo. Hindi na ako kumain kasi balak kong tapusin lahat ng kaya kong tapusin ngayon. Babalik pa ako sa school para kuhanin ang phone ko.

Pagsapit ng alas-syete y medya ng gabi ay lumabas na ako pabalik sa school. Curiosity was eating me up. Hindi ako mapakali sa narinig ko sa principal’s office. I needed to calm my self by seeing the school tonight. Sinulyapan ko ang bahay ni Luke na walang ilaw na bukas. Wala pa siya? Sabi niya night duty raw siya ngayon. Siguro nasa office pa nga siya.

“Saan ang punta mo, Mika?”

“Magandang gabi, Manay!” Lingon ko kay Manay. “Babalik po ako sa school. Naiwan ko po ang phone ko.”

“Sa school? Gabi na, a? Balikan mo na lang iyon bukas.”

“Nandoon po importanteng forms ko, Manay. Balikan ko lang naman po sandali. Bye po!”

Nagmamadali na ang mga lakad ko. Feeling ko kasi pipigilan ako ni Manay. Wala nang mga tao sa paligid. Gabi na rin talaga at siguro ang iba ay patulog na. Ako na lang yata at iilang galing sa mga trabaho nila ang naglalakad sa kalsada. Huminga kao nang malalim nang matanaw ko na ang gate ng school.

Nang makalapit ako ay saka namang lapit ni Manong Don.

“Magandang gabi, Manong. Pwede po ba akong pumasok? Naiwan ko po ang cellphone ko sa classroom ko.”

“Magandang gabi, Ma’am Mika. Cellphone mo po ba? Nandito na po ang phone mo sa akin. Kinuha ni Jhon kasi may narinig na tumutunog kanina kaya binuksan po ang classroom niyo. Nakita po sa drawer.”

“Po?” Napakunot ang noo ko. Naka-silent ang phone ko!

Umalis sandali si Manong sa harap ko at pumasok sa loob ng guard house sandali. Paglabas niya ay dala na niya ng phone ko. Puno ng pagtataka ang mukha ko. Tinignan ko agad kung naka-silent mode ang phone ko. To my shock, naka-full volume siya! At may missed call si Sander.

“What the hell?”I knew for a fact na hindi naka-full volume ang phone ko dahil may klase ako kanina. Tinignan ko si Manong Don. “Nandyan po ba si Jhon, Manong Don?”

“Naku, Ma’am. Kaaalis lang niya kanina lang.”

“Ganoon po ba? Pwede pa po ba akong pumasok sa classroom ko? May kukunin lang po akong forms ko.”

“Pasensya na, Ma’am Mika, huh. Protocol po na hindi na magpapapapasok kahit sino kapag gabi na.”

Tinanguan ko si Manong. “Naiintindihan ko po, Manong. Sige po. Maraming salamat po.”

Naglakad na ako pabalik sa bahay. Nakatitig ako sa phone ko habang naglalakad. May three missed calls ako from Sander. Bakit kaya siya tumawag?

I was about to call him nang mag-appear as caller si Luke. Sinagot ko iyon.

“Hello?”

“Magandang gabi, Mika.”

Napangiti ako sa tono ng boses niya. Bakit ang ganda?

Tumikhim ako. “Good evening to you, too, Luke. Napatawag ka?”

“Sander called me. Hindi ka raw sumasagot sa tawag niya.”

Napanguso ako nang maalala ko na naman ang nangyari. “Naiwan ko phone ko sa school. Nakuha ni Kuya Jhon dahil tumutunog daw.”

“Nakuha mo na? Bumalik ka ng school?”

“Yeah. Pauwi pa lang ako.”

“Bakit hindi mo na lang ipinagpabukas? Gabi na.”

“Okay lang. Maaga pa naman.” Gusto kong I-kwento sa kaniya ang ang narinig ko kaso nasa labas pa ako. “Saan ka ngayon, Luke? Office?”

“Yes. Have you eaten already?”

“Uh.” Nakalimutan kong kumain! Sa sobrang engrossed ko sa narinig ko kanina at paggawa ng mga papel ay nalimot ko na.

“Hmm?”

I smiled. Hobby na yata ni Luke na siguraduhin kung kumakain ako sa oras. “Kakain na ako pag-uwi. You’re not yet busy?”

“Actually, I am currently busy. I just checked on you to make sure everything’s fine. Sander mentioned that you need to return to the hospital for your check-up.”

“Yup. Noted that. Busy ka na yata. End mo na ang call.”

“Tell me if you are home first.”

“Hindi pa.”

“So, just have this call open until you are home safe.”

“Okay. Five minutes more. Tell me something interesting.”

I had Luke on the line until I got home. Pinatay na niya ang tawag habang ako naman ay kumain na. Tinititigan ko ang phone ko. Palaisipan pa rin sa akin ang pagtunog niya. It was impossible! Naaalala ko pa na naka-silent ang phone. Bakit ganoon?

Hanggang kinabukasan ay dala ko ang pagtataka. Umagang-umaga ay nasa bahay si Luke para lang ihatid ang almusal na niluto raw niya. Na-touch ako. ‘Wag ganiyan, Luke. Na-a-attach na ako sa ‘yo.

“Kauwi mo lang?” I asked habang hinahanda iyong dala niyang food.

Tumango siya at tinulungan ako sa pag-aayos. Nang mailapag ko ang tasa ng kape sa tapat niya ay kumain na kami.

“What are you going to do today?” He asked.

“Pupunta kami sa Kortohan ulit. May ilang sapa pa raw na pwede naming paliguan ng mga bata.”

“Kortohan? Kasama mo ba sina Natoy, Jophet, at Sanya?”

“Oo. Sabi ko pumunta na lang sila dito ng 7:00 am. Papunta na siguro sila.”

“Kaya pala nagluto ka pa.”

I smiled. “Yep! Pero kakainin natin iyong niluto mo. Sayang effort.”

“Okay lang.”

Nginusuan ko siya. “Alam mo ba kagabi…” Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya or what pero huwag na lang. Maaabala ko pa siya. Siguro naman wala lang iyon.

“What?’

“Wala lang.”

Hindi naman sa siya nagsalita. “You have your check up tomorrow. Since day off ko naman, sasamahan na kita.”

Natawa ako. “Parang araw-araw mo namang day off.”

Lagi niya kasi ako sinasamahan kahit anong oras basta may lakad ako at wala iyong tatlong estudyante ko. Iniisip ko nga kung may trabaho pa siya kasi sobrang busy niya sa labas.

“Perks,” simpleng sagot niya.

Napailing na lang ako.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating na iyong mga bata. Hinandaan ko na sila ng pagkain at inaya na sa hapag. Sanay naman na sila sa bahay kaya okay lang na iwan ko na sila. Nakita ko si Natoy na ngiting-ngiti habang papasok sa kusina.

“Paalis na po si Kuya Luke, Ma’am.”

“Oh. Okay. Sandali. Kain ka na rin, Natoy.”

Lumabas na ako ng kusina at hinabol si Luke na palabas na.

“Hey! Aalis ka na?’

Lumingon siya sa akin. “Yeah.”

“Ingat ka. And before ka sana umalis, matulog ka muna.” Minsan nag-aalala na rin ako sa kaniya. Sobrang active niya sa kung ano-ano na hindi ko alam kung natutulog pa siya. Hindi naman namin nagpag-uusapan ang trabaho niya kaya hindi ako sigurado kung may pahinga pa siya.

“I’ll do that later.” Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi. “For now, enjoy your day. And please be careful. Ayokong umuwi ka na naman na puro galos. Please.”

I giggled. Bawat gala namin ng mga bata, lagi akong umuuwi na may galos o pasa dahil nadulas o tumama sa kung saan. Adventurer kasi ako.

“I’ll try.”

Tinitigan niya ako nang maigi na para bang hindi siya naniniwala sa akin. “Samahan ko na lang kaya kayo?”

Mahinang hampas ang ginawad ko sa braso niya. “Pwede ba? Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Lagi mo na nga akong sinasamahan, e.”

“You’re too clumsy,” palatak niya.

Sinimangutan ko siya at babalik na sana sa loob nang bigla niya akong yakapin at gawaran ng isa na namang halik sa noo. “I was just kidding. Take care of yourself and the kids.”

I hugged him, too. Kung hindi ko lang inaalala na may mga bata sa loob ng bahay ko ay hindi ko siya pakakawalan ng yakap.

“MA’AM, ayun na ‘yong talon, o!”

“Huh? Saan?” Hinihingal kong turan habang tinitignan ang itinuturo ni Sanya. After ng dalawang oras na pag-akyat ay natanaw ko na ang talon. Wow. Ang ganda!

Originally, sa sapa ang tungo naman pero nagsabi kasi si Jophet na may nakatagong talon raw siyang alam. Kaya imbes na sa sapa ang tungo namin, naging sa talon na. Iyong isang oras na lakad namin mula sa dating sapang pinuntahan namin ay worth it dahil ang ganda ng talon. Hindi siya ganoon kataas pero ang ganda! Napapalibutan ng mga gumagapang na halamang namumulaklak ang paligid ng talon. Para tuloy siyang dinisenyuhan.

“Oras na para maligoooo!”

Natawa ako nang maghabulan na sina Jophet at Natoy pagkatapos na pagkatapos ilapag ang dalang mga bag. Si Sanya ay parang gusto na ring tumakbo kaso nahiya siguro kasi nandito ako.

“Go ahead, Sanya. Sige na. Samahan mo na sila. Sabihan mo muna na huwag basta lumusong, huh. Pahinga muna ng mga 20 minutes.”

“Okay po.” Tumakbo na rin siya patungo sa mga kaibigan. Ako naman ay inayos na ang picnic blanket na dala ko. Hinanda ko na rin ang mga pagkain na dala namin ng mga bata. Gutom na agad ako kaya kinain ko na iyong sliced apple.

Inilibot ko ang tingin sa paligid ng talon. Ang magical niyang tignan. Hindi ito tourist spot kaya walang bakas ng kahit anong mga kalat na plastic. Tanging mga sanga at naglaglagang mga dahon ng nakapalibot na puno ang makikita mo sa paligid. Lagaslas ng talon ang tanging maririnig mo. Idagdag na ang tawanan ng tatlong batang kasama ko.

What a life. Ganito ang masayang buhay. Napangiti ako nang maalala ang mga magulang. Dapat ganito ang bonding. Kung sana buhay pa sila, nayaya ko na sana sila sa mga ganitong lugar.

Kung maisapubliko man ito, sana gawin pa ring malinis. Nakatutuwa lang na napakaraming magagandang tanawin ang nasa bulubundukin na ito. Ang halos napuntahan ko pa nga lang ay ang Munsogon at Kortohan pero hindi pa sapat ang ilang buwang kong pananatili rito para makita ang lahat.

Hay. Ang ganda talaga. My eyes went fixed sa itaas ng talon. Napatayo ako. May nakita akong lalaki na nakatayo sa taas. Pilit inaaninag ko ang itaas ng talon. Inilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Wala naman. Eh? Namamalikmata siguro ako?

I washed away my doubt. Siguro naman ay may mga nakatira malapit sa talon na ito. Baka sila iyon. Sabi ni Jophet, may mga residente rin ang bundok na ito dahil ayaw daw nilang iwanan ang kinalakihan nilang lugar. So, siguro may mga tao rin na kasama namin ngayon dito.

“Kids, come here. Kain na muna tayo!” Tawag ko sa mga bata nang mag-alas dose na. Isang oras na rin sila mahigit sa tubig kaya for sure gutom na ang mga iyon.

I looked at my phone. Balak ko sanang tawagan si Luke pero walang signal. Hindi rin ako makapag-send ng message.

“Wala pong signal sa part ng bundok na ito, Ma’am,” ani Natoy na sumalampak ng upo at agad kumuha ng plato.

“Ayaw po kasi ng ilang residente rito na lagyan ng tower. Hindi naman daw nila kailangan. Nakabababa naman daw po sila ng bundok kapag kailangan.”

“Ganoon ba?” Tinanguan ako ni Sanya saka inabutan ng paper plate.

“Katatapos ko lang kumain. Sige na. Kayo na muna. Ako naman ang lilibot sa paligid.” Tumayo na ako.

“Okay po. Huwag ka pong lalayo, Ma’am, a? Hintayin mo po kami,” paalala ni Natoy.

“Oo naman.”

Marahan ang lakad na ginawa ko. Kinuhanan ko muna ng larawan ang mga bata na masayang kumakain bago ako lumakad patungo sa dinadaluyan ng talon. Ang lamig ng tubig! Sabayan pa ng malakas na hangin. Parang very wrong na pumunta kami rito ng December. Naka-jacket pa ako nito, a. Buti iyong tatlo, matatag sa lamig. Hindi ko kaya resistensya nila.

May parte ng dinadaluyan ng tubig ay hanggang tuhod ko lang. Tinawid ko iyon para makarating sa kabilang side. Nang marating ko ang kabila ay kumuha muli ako ng mga larawan. Shocks ang ganda talaga rito. Lalo na at na-e-emphasize iyong mga bulaklak na nasa gilid ng talon. Kinuhanan ko ng larawan iyong magkabilang side. Nag-ikot lang ako sa paligid ng talon. Ayoko naman mangahas na pumunta sa ibang sides dahil mag-isa lang ako.

Nang mapagod ako sa kakakuha ng mga larawan, umupo muna ako sa malaking bato na kanina ay kinapupwestuhan nung tatlo. Malapad siya na may kataasan. Parang pwede ka ngang kumain dito.

“Ma’am!” Kaway ni Natoy na nasa kabilang side na at patawid.

“Mag-ingat ka!” sigaw ko naman lalo na nang makita kong parang madudulas siya. Tumawa lang ang bata at saka nagdiretso sa paglakad.

Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa mga nakuhanan ko habang hinihintay na makatawid iyong tatlo. Tapos na silang kumain. Mukhang nakapagligpit na rin sila lalo na at si Sanya ang nahuli. For sure, si Sanya ang nag-ayos ng pinagkainan nila. Boys talaga.

“Diyan muna kayo,” ani ko nang makita kong sabay-sabay na sila sa pagtawid. Pinokus ko ang kamera sa kanila. Nakailang shots na rin ako nang mapansin kong may korte ng tao na nakuhanan sa bandang gilid. Tinignan ko ang bandang kanan na bahagi pero wala na iyong tao. My goodness. Sino iyon?

Hindi ko pinahalata ang kaba ko sa mga bata. Pinalapit ko na sila sa akin. Hiniram din ni Natoy ang camera at nag-try na mag-picture. Ako naman ay tumayo sa bato at tinignan ang paligid. May tao talaga. Sigurado na ako roon. Saan dumaan iyon kung siya rin iyong nasa taas ng talon?-O baka naman maraming nakamasid sa amin ngayon?

Rebelde ba sila o mga residente rito? Goodness.

Ibinalik ko ang tingin sa tatlo na nagkakatuwaan na sa camera. Kinuhanan pa nila ako ng larawan. Napailing na lang ako at saka bumaba sa bato. I glanced at the top of the falls. Wala namang tao. Guni-guni ko lang ‘to. Wala namang masamang mangyayari sa amin ng mga bata. Everything’s fine. Yes. Believe on that, Mikaela.

Iwinaksi ko ang mga pangamba at bumalik sa mga bata para makisaya. Kaya kami nandito ay para magsaya. Bakit ba ako pinangungunahan ng pangamba?

We were taking photos of the scenes and each other nang mapagdesisyunan namin na ma-explore pa sa bandang doon ng talon. Kinuha muna namin ang lahat ng gamit at tumawid sa talon tapos nagpatuloy sa paglalakd. Si Sanya na ang nagunguha ng larawan habang ako naman ay alerto sa paligid. Nandoon pa rin ang pangamba ko.

“Ang ganda dito, Phet. Ngayon lang ako nagawi rito.”

“Hindi ka kasi nasama sa amin dati, e. Lagi kami rito ni Natoy.”

Tahimik lang na nakikinig ako sa usapan nila at panaka-naka ay sumasabat. Patuloy lang kami sa lakad, Sinusundan namin ang agos ng talon. May kalayuan na kami sa paglalakad nang lumingon ako. And there I saw movements of a group of people. Dahil mapuno pa rin ay bigla silang naglaho sa paningin ko. Saan sila nagtago?

“Hala ka! Ma’am! Ma’am!”

Natigilan ako sa tili ni Sanya. Nasa bandang unahan na namin siya at nakaturo sa may batuhan.

Napatakbo ang dalawa. Lumingon muna ulit ako pero wala na iyong mga nakita ko. I was feeling anxious, legit. Sinulyapan ko ang phone pero wala pa ring signal. I think kailangan na naming bumalik.

“Ma’am Mika!”

Pinuntahan ko na ang pinagkakaguluhan ng mga bata.

“Ano ba–” I was cut off my words when I saw a young man wearing a school uniform na may tatak ng UP – Diliman ang nakahiga sa batuhan. Maputla at wala ng buhay.

I almost stumbled. Buti na lang nakuha ko agad ang balanse.

“Saan ang may signal sa lugar na ito, Jophet?’

Hindi ko agad narinig ang sagot ni Jophet. Nakatulala siya sa nakahigang lalaki.

“Jophet?” Kinuha ko ang atensyon niya.

“Ma’am?”

“Saan ang may pinakamalapit na signal connection dito?’

“Sa baba pa mayroong signal, Ma’am Mika. Walang signal dito po talaga,” kabadong sagot ni Natoy.

“Oh, my God,” naiusal ko. Pinalayo ko ang tatlo sa bangkay at nag-iisip ng gagawin. We must do something. Kung papabain ko naman sina Natoy ay baka makasalubong nila iyong mga taong nahagip ng paningin ko kanina.

Sandali. Bakit hindi na lang kami humingi ng tulong sa kanila?

“Stay here,” utos ko sa mga bata at naglakad pabalik sa pinanggalingan namin. Lumapit ako sa isang malaking puno. Baka nandoon nagtatago iyong mga nakita ko kanina. Walang tao pagsilip ko. Nilakad ko pa ang banda roon. Nasaan na sila?

Hindi ko alintana ang pagsigaw sa pangalan ko ng mga bata. Nabigla na lang ako nang may tumakip sa bibig ko. Naamoy ko pa ang isang matapang na kemikal bago ako nawalan ng malay.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started