TILALUHA, The Doubt

IKAPITONG KABANATA

“BAKIT pa kailangan silang ikulong dito? Anong balak patunayan ni Sordonas?”

“Tatakutin lang si Javier. Masyadong mapapel na sa taas.”

Nauulinigan ko ang kwentuhan ng nasa labas ng kubong pinaglagyan sa akin. Kanina ko pa sila naririnig na binabanggit ang mga pangalan na iyon. Sino ba sila? At bakit kami nakakulong dito?

Nagising ako kanina na nakabusal ang bibig at nakatali ang mga paa at kamay. Ganoon din si Sanya ay Jophet na hanggang ngayon ay walang malay. Anong ginawa ng mga kumuha sa amin sa dalawang bata? Kung pinaamoy sila ng kemikal ng tulad sa akin dapat gising na sila. Si Natoy ang wala. Hindi ko alam kung nakatakas ba siya o nasa ibang lugar lang. Kanina ko pa hinihiling na sana ay nakatakbo si Natoy at nakahingi ng tulong. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas pero may liwanag pa akong natatanaw sa labas.

“Hindi ba at nabulilyaso iyong transaksyon noong pyesta? Nahuli ng mga pulis ang kampo ni Nakar.”

“Malakas ang kutob ko na may traydor sa grupo. Ganoon din pakiramdam ni Sordonas pero hindi siya makasingit sa taas. Hindi ko alam kung ilang transaksyon na natin ang nabulilyaso.”

“May pakinabang din naman na nabulilyaso ang ibang transaksyon. Mas maraming nalagas sa kampo ng gobyerno kaya okay na rin. Pampalubag-loob.”

“Tang-inang gobyerno iyan. Hindi maubos-ubos. Dapat tumakbo na sa susunod na eleksyon si Senator nang hindi na natin kailangang magtago.”

“Huwag kang maingay. Alam mo bang hindi pinapaalam iyan?”

“Sus. Sinong makaririnig. Tulog pa sila.”

Napapikit ako. Sa pakikinig ko sa kanila mula kanina, parang may koneksyon sila sa gobyerno. Isang senator o basta mataas ang katungkulan. Argh. Kung nare-record ko lang sana ang mga pinag-uusapan nila, okay na okay na.

“Malakas yata ang pagkakahampas mo sa batang lalaki. Kapag may nangyari riyan, lagot ka kay kap.”

“Hindi naman siya sana ang hahampasin ko. Hinarang niya ang sarili niya.”

“Tsk. Sabi, patulugin nang hindi napapahamak. Gago ka.”

“Wala na tayong magagawa. Hindi ko kasalanan. Masakit mangagat iyang si Sanya!”

Nanlaki ang mga mata ko sa dalawang bata. Nahampas sila? Oh, my God. Sana okay lang sila. Natoy, Natoy, I hope you are safe. My God. Hindi ko alam kung makakaya ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanilang tatlo.

I needed to do something. Kailangang makumpirma ko kung okay ang dalawa. Gumapang ako palapit sa sahig ng kubo at pinagpapalo iyon ng nakatali kong mga kamay.

Nabahala siguro iyong mga nasa labas kaya bumukas iyong pinto. Napaatras ako.

“Gising na si Ma’am,” sabi ng naunang pumasok na lalaki.

“Magandang hapon, Ma’am. Kumusta naman ang tulog mo?” Nakangising tanong ng sumunod na pumasok. Teka! Siya iyong isa sa mga nakain sa lugawan noong nakaraan!

Gusto kong magsalita ngunit nakabusal pa ako. Napansing ng unang lalaki na may sasabihin ako kaya lumapit siya at tinanggal ang busal ng bibig ko.

“Sino kayo?” Tanong ko kaagad nang makabawi ng hangin mula sa pagkakabusal ng bibig. “At… at anong ginawa niyo sa dalawang bata? Nasaan na ang isa naming kasama?”

Nagkatingin iyong dalawa at napangisi. “Gigising din iyang dalawa, Ma’am. Iyong isa naman ay nakatakbo. Hindi namin alam kung okay pa iyon.”

Bumagsak ang puso ko sa narinig. Si Natoy. Napatingin ulit ako sa pigura ng dalawang bata na hanggang ngayon ay hindi gumagalaw.

“Pwede bang tanggalin niyo ang tali sa kamay ko? Kailangan kong masiguro na okay sina Jophet at Sanya. Please,” pagsumamo ko. “Hindi ako tatakas kung iyan ang pinangangambahan ninyo.”

Ilang sandali na nag-usap sa tingin iyong dalawang lalaki bago ako nilapitan ng nagtanggal sa busal ko. Tinanggal na rin niya iyong tali sa kamay ko. Agad akong lumuhod para malapitan ang dalawang bata.

“Jophet, Sanya,” nanginginig ang boses na gising ko sa kanila. Hinawakan ko ang ulunan ni Jophet at bigla na lang ang kabog ng dibdib ko nang may makapang malagkit na likido.

“Oh, my God. Jophet? Jophet?” Pilit na ginigising ko siya ngunit wala siyang malay. Mukhang tuyo na rin iyong dugo na nakapa ko. Kinapa ko ang pulso niya at nanghina ako nang halos wala akong maramdamang pulso. Napatingin ako sa dalawang lalaki na walang imik.

“Mahina ang pulso ni Jophet. A-anong ginawa niyo?” Tumutulo na ang luha ko sa mata. Inaalog ko na rin si Sanya. Wala siyang sugat o anuman pero ang hina ng pulso niya.

“Tignan mo, ‘tol,” utos ng isa.

Lumapit iyong isa pang lalaki para kapain ang pulso ni Jophet. Nang makapa niya ay napatingin siya sa kasama. “Gago. Wala ng pulso si Jophet.”

“No,” iling ko. Hinawakan ko si Jophet at tinapik-tapik pa. “M-may pulso pa siya. Kailangan na niyang maibaba. Please.”

Hindi ako pinansin nung dalawa bagkus lumabas sila parehas ng kubo. Dumagsa ang buhos ng luha ko. Anong gagawin ko? Nahagip ng tingin ko ang bag na nasa gilid. Bag ko iyon. Tinanggal ko ang tali sa paa. Natagalan man ako ay mabilisan naman ang mga kilos ko na kinuha agad ang bag. Kinalkal ko ang bag kung may tela na pwede kong itali sa sugat ni Jophet. Nang makita ko ang facetowel at ilang panyo ay inilagay ko iyon sa ulo niya. Hindi ko na alam kung tama ang ginagawa ko pero pinapaampat ko ang dugo niya. Natuyuan na siya. Ibig sabihin kanina pa talaga kami rito.

Kung kanina ko pa narinig na nahampas siya ay dapat tinignan ko agad ang kalagayan niya. Oh, my God. Kasalanan ko ito. Anong gagawin ko?

Sumigaw na ako para marinig ng mga nasa labas. Hindi lang dalawa ang nasa labas ng kubo panigurado. Marami sila.

“Nand’yan na ba si Sordonas?”

“Bakit?”

“Napuruhan ni Hontiveros ang anak ni Kapitan Parang.”

“Tang-ina! Napuruhan? Patay na?”

“Please, please.” Hindi ko alam kung naririnig pa nila ako. “Sanya, Jophet. Oh, my God.”

Nakailang palit agad ako ng towel. Nilagyan ko na rin ng pressure ang may sugat sa ulo ni Jophet pero tuloy-tuloy ang dugo. Feeling ko ay wala na rin akong hangin na maramdaman mula sa ilong at bibig ng bata. Si Sanya naman ay pahina nang pahina. Ano bang ginawa nila?

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko na nagkakagulo na sa labas. Naririnig ko na ang boses ni Luke. Ganoon na lang ang dagsa ng kasiyahan sa puso ko. Nandito na siya!

Sandaling tumayo ako at sumilip sa pintuan. “Luke! Sina Jophet at Sanya.”

Lukas looked so mad na hindi niya ako nagawang kausapin. Tinignan niya lang si Sander (kasama niya si Sander?) na bigla na lang tumakbo patungo sa amin.

“You okay?” tanong ni Sander pagkalapit.

“Yeah.” Hinatak ko agad siya palapit kina Jophet at Sanya. Mabilis pa sa alas kwatro na lumuhod siya para i-examine ang dalawa. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang kinuha niya iyong backpack niya at nilantad ang mga gamit pang-gamot.

Hindi ako makahinga habang may ginagawa siya. Nakatitig lang ako. Marami akong tanong pero wala ng lumalabas sa bibig ko.

Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. I looked up to see Luke’s expressionless face. Napaiyak ako. Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang tee shirt at hinila-hila. He crouched down and smiled at me.

“For a moment, Mika. Let me check on Sanya.”

Mabilis na tumayo ako at hinayaan siyang lapitan si Sanya. He’s doing the same thing na ginawa ni Sander. May alam ba siya sa medisina?

“Hemorrhage, Luke. We need to open him up.”

“First aid, Sander. Then, we’ll get him.”

“Weak pulse, dilated eyes. This is bad news.”

Napatakip ako sa bibig ko. Feeling ko hindi na ako makahinga kaya lumabas ako. I was holding my breath. Paglabas ko ay ang daming nakapalibot na mga lalaki sa labas. Hindi ko makita iyong dalawa na nanghampas kay Jophet. Huwag lang siyang magpapakita sa akin. Kung biro lang itong ginawa nilang pagkuha sa amin, hindi sana nila hinampas iyong bata.

“Alam na ba ni Kap Parang ang nangyari?’

Dinig kong sabi ng isang lalaki sa gilid.

“Hindi pa. Sana lang magamot siya nina De Guzman.”

“Yari iyang si Sordonas. Malaki galit kay Javier kaya kung ano-ano na ang pinaggagagawa.”

“Paano niyo pala nalaman na si Sordonas ang kumuha?”

“Nakita ni Javier si Natoy na walang malay malapit sa sapa ng bukana. Nang magising iyong bata ay itinuturo si Hontiveros. Ayun. Tumakbo pabalik si Javier kasama na ni De Guzman.”

“Nasaan si Sordonas?”

“Malamang nagtatago na. Ha-hunting-in iyon ni Javier. Dinamay pa man din ang mga bata at si Ma’am.”

Lumapit ako sa kanila. Mukhang nagulat sila at napaatras palayo sa akin.

“Si Natoy? Okay lang po ba si Natoy?” Sana okay lang si Natoy. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sa kanila.

“Ma’am, okay ka lang ba?” alalang tanong ng isa nang muntik na akong matumba. Kinapitan ko siya sa braso para ibalanse ang sarili ko.

“Okay lang po ba si Natoy?” ulit kong tanong.

“Okay lang si Natoy, Ma’am. Upo ka po muna. Parang matutumba ka na, ma’am.” Inalok nila sa akin iyong pinag-upuan nilang malaking ugat ng puno.

Sumunod naman ako at nasapo ang mukha. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Nagkakagulo na sila sa loob lalo na nang magtawag si Luke ng mga pangalan. Hindi na ako lumapit dahil feeling ko mahihimatay na ako sa nerbyos, takot, at panghihina. Kung may sakit ako sa puso, kanina pa siguro ako inatake.

Madilim na nang ibaba ang dalawang bata. May mga dumating na rescuer. Hindi pa rin ako makatayo. Gusto ko na sanang sumunod pero nanghihina ako. Kanina pa ako tumigil sa pag-iyak pero iyong lakas ko hindi pa nababalik. Bakit nangyayari sa akin ito? Sa ilang buwan ko rito sa bayan na ito, maraming beses na akong napahamak. Ito ngayon ang pinakamalala dahil may nadamay.

“Mika.”

Luke called but I remained looking at the soil. Tanging liwanag na lang na nagmumula sa lampara na sinindihan ng mga lalaki kanina ang tumutulong para maaninag ko ang lupa.

“Let’s go home?”

I looked up after a while. “They are okay, aren’t they?”

“They will be fine. Sander and I did all we could do just to give ample time.”

“Sigurado ka?” Gusto kong manigurado.

He gave me a pat in the head. “Yes. Come on.” He held his hand, waiting for me to accept.

I gave him a weak smile. I did not think I’d make it home tonight. My mind was drained. My body was exhausted. But I needed to go home. Kailangan kong mabantayan ang mga bata. Kung hindi ako pumayag na lumayo pa kami mula sa talon ay walang mangyayaring ganito.

I accepted his hand and used it as my leverage to stand up. My knees wobbled but I managed to stand straight, thanks to Luke’s firm hold.

Hindi siya nagsalita nang bigla na lang siyang tumalikod at umupo, parang gusto akong sumampa sa likod niya.

“Okay lang, Luke? I’m sorry. I don–”

“Hop in, Mika.”

Without hesitation, dahan-dahan akong sumampa sa likod niya. He hoisted me up. Kumapit ako sa leeg niya habang hawak ang phone at iniilaw sa daanan.

“Ang… gaan mo. Kumakain ka ba sa oras?” aniya ilang minuto mula nang maglakad siya pababa.

“I have an average BMI.”

“Really? Doesn’t seem to be true. You are too light. Para lang ako nagbubuhat ng bata.”

“Hey,” mahinang sita ko. “Okay lang talaga ikaw? Pwede naman akong bumaba kapag nasa matatarik na daan na tayo, huh. Baka masugatan ka pa. Madadamay ka.”

“I am a firefighter and a forest ranger, dear. This is just easy.”

I smirked. “Ang yabang. Ikaw na.”

“Well. It is just me.”

Ilang segundo ang lumipas bago muli ako nagsalita. “Nasaan na iyong mga nagkulong sa amin sa kubo? Hindi ko na sila nakita lalo na iyong humampas kay Jophet. Sino sila? Sino iyong Sordonas at Javier? Naguguluhan ako. Base sa narinig ko ay kinuha kami para lang gantihan iyong Javier. Sino siya? Kilala mo ba sila? Ikaw ba iyong Javier na tinutukoy?”

Hindi umimik si Luke. Balak kong magsalita ulit nang mauna na siya. “I’ll tell you the details once we’re home.”

“Oh… Okay.” I sighed.

“How are you feeling now?” All of a sudden, after minutes of being silent, ay tanong niya.

I opened my eyes wide kahit mabigat na ang talukap ng mga mata ko. “I’m sleepy.”

“Don’t sleep on me, Mika. Baka mahulog ka.”

“Yeah. I’m trying my best.”

“Hmm. Patapos na ang klase para sa semestreng ito, ‘di ba?”

Idinilat ko muli ang mga mata at inayos ang ilaw ng phone para makita ni Luke ang daanan. Hindi ko na alam kung ilang minuto na kaming naglalakad. Siya lang pala at iyong tatlong lalaking kasama namin na walang mga imik.

“Oo.”

“Anong balak mo?”

“Saan?”

“Semestral break?”

“Sleep.”

“Huh?”

I am really sleepy. Bumibigat na ang mata ko. Iyong mga tanong ni Luke ay feeling ko hindi ko na maintindihan.

The next thing I saw pagkadilat ng mga mata ay ang kisame ng kwarto ko. I looked around only to see a dextrose connected to my right arm.

Bakit ako naka-dextrose?

“Hi.”

I hoisted myself up para makaupo. Luke immediately helped me sit over my dashboard.

“Kumusta?”

“Sina Jophet?” Agad kong tanong after magpasalamat sa pagtulong niya na makaupo ako nang maayos. He even fixed the hose connected to the dextrose.

“Last na na bag ng dextrose ito para sa iyo. Tatanggalin na natin mamaya,” answered Luke. “Jophet, Sanya, and Natoy are okay. We’ll visit them later. For now, kain ka muna.”

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman. After an hour, ubos na ang laman ng dextrose kaya nakapag-ayos na ako ng sarili. Luke was waiting on the sofa sa sala pagkalabas ko ng kwarto. He was spacing out nang makita ko kaya niyuko ko siya para tignan ag mga mata.

“Hey,” he said. Umayos siya ng upo at bahagya akong hinila paupo. Walang ano-ano ay niyakap niya ako.

Tiningala ko siya. “What’s wrong?” I asked. Minsan lang manyakap iyang si Lukas. Gusto kong sulitin pero kinakabahan din ako. Baka kasi may problema.

“Just glad you’re safe,” he answered while still hugging me.

I smiled. “Huwag kang mag-alala. Siyam ang buhay ko.”

I could hear him sigh and then released the hug after he kissed the top of my head. “Shall we go to the hospital?”

I nodded. “Oo. Pero hindi mo pa nasasagot mga tanong ko kagabi.”

“Na ano?” His brows shot up high.

“Sino iyong Javier? Sino iyong Sordonas? Mga rebelde ba sila? Saang parte kami ng bundok napunta? Bakit kaya kami kinuha? These… these questions. I need an answer. Are they part of NPA?”

He looked directly at my eyes. He was about to open his mouth when his phone rung. Pareho kaming napatingin sa phone niya na nasa center table. He immediately answered it. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. From expressionless ay nangunot nag noo niya.

“Be there in ten.” Natapos ang tawag.

He suddenly kissed my cheek. “There’s fire in Katakutan. Iwan muna kita rito. Please do not leave without me. Okay?”

“Uh, yeah. Go.”

Hinatid ko na siya sa pinto. Mabilis ang mga hakbang niya palapit sa motor na nasa gilid ng bahay niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. Bumalik ako sa loob ng bahay. Hindi ako mapakali. Gusto kong pumunta na sa hospital. Tapos curious ako kung anong sunog ang nagaganap sa Katakutan. Last time na napunta ako roon, napahamak ako. Hindi magandang alaala. So, sa tingin ko dapat na lang akong pumunta sa hospital.

Tinawagan ko si Sander. Alam ko kasi nasa kabilang bayan siya ngayon. Nagtatrabaho siya as part time roon habang may clinic siya rito sa bayan. Wala pang malaking hospital ang Marawi. Nasa Masallo pa ang hospital, two hours ang biyahe. Hindi ko alam kung paano nakatagal din sina Jophet at Sanya. Hindi ko na alam ang mga kaganapan kagabi.

“Magandang hapon, Mika. Napatawag ka? Okay ka na?”

“Hi, Sander. Oo. Okay na ako. Sa Masallo dinala sina Jophet, ‘di ba?”

“Yes. Nandoon pa sila. Si Natoy ay nakauwi na kanina.”

“Oh. Talaga? Sige-sige. Thank you!”

Pagkababa ko ng tawag ay agad-agad kong kinuha ang body bag at jacket. Daraan muna ako kina Natoy bago ako dumiretso sa Masallo. I prepared some food, too, na galing sa fridge. Hindi na ako makakapamalengke. Aabutin na naman ako ng gabi sa daan kapag nagkataon. It’s almost one in the afternoon.

“Magandang hapon po,” magalang kong bati sa mga magulang ni Natoy pagkapasok ko sa maliit nilang bahay. Barong-barong lang ang tahanan nila pero ramdam mo na komportable ka. Kahit na may mga sakit at matatanda na ay nakalalakad pa rin naman ang mga magulang niya. Sila rin siguro ang nagme-maintain ng kalinisan ng bahay.

“Magandang hapon, Ma’am. Nandiyan na po si Natoy. Kaso natutulog pa. Kauuwi lang niya kaninang alas-onse,” si tatay ang nagsalita matapos akong paupuin sa maliit na silya.

“Ganoon po ba? Okay lang po. Huwag na po ninyong gisingin. Dumaan lang po talaga ako para kumustahin siya at dalhin po ang mga ito.” Nilapag ko ang basket ng mga pagkain sa ibabaw ng kahoy na lamesa.

“Naku. Hindi ka na sana nag-abala pa, Ma’am. Nagdala na rin si Luke ng mga pagkain at gamot naming pamilya kanina.”

“Dumaan na po si Luke?” tanong ko ulit kay nanay na tumabi ng upo kay tatay.

“Opo, Ma’am. Siya rin ang sumundo kay Natoy kanina. Laking pasalamat ko na lang talaga na may mabuting puso pa rin na naninirahan sa lugar na ito.”

Awkward na napangiti ako. “Pasenya na po kung napahamak si Natoy. Ako po ang may kasalanan. Kunghindi po kami lumagpas sa may talon ay hindi po sana kami makukuha noong mga taong iyon.”

Umiling si tatay. “Hindi, Ma’am. Na-kwento na sa akin nina Luke ang nangyari, Mga rebelde iyon na nais lang siyang gantihan kasi mas malapit siya sa mga nakatataas.”

Kumunot ang noo ko. “Ano… ano po ang ibig ninyong sabihin?”

“Grupo nina Sordonas iyong kumuha sa inyo. Nakausap na nina Lukas iyong mga kasama noon ni Sordonas at umamin na kaya lang kayo sinundan at kinuha dahil iritable si Sordonas kay Luke na mas napapaboran ng mga pinuno. Naku, e. Matagal naman ng kinaiinggitan nina Sordonas iyang si Luke na nananahimik lang. Iyon nga lang. Dumating ka kaya nasilipan siya ng mga kumakaaway.”

Hindi ko maipinta kung ano na ang histura ko habang pinapakinggan si tatay na magsalita.

“Kaya mag-ingat ka sa mga paglabas-labas mo, Ma’am. Hindi biro ang mga taong iyan. Napahamak pa ang anak ni Parang.’

“Tay, pasensya na po. Hindi ko po maintindihan. Kakilala po ni Luke ang mga taong iyon?’

“Hindi mo ba alam? Kasamahan ni Luke ang mga iyon. Mula nang dumating ang batang iyon dito ay naging sentro na siya ng inggit lalo na at may histura at magaling sa lahat ng bagay. Sina Sordonas at ang ilan pa iyong mga malalakas ang loob na banggain si Luke. Dinamay ka pa na laging kasama niya,” palatak ni tatay. “Hindi ko rin masisisi si Natoy kung bakit ganoon na lang din ang pagdikit sa iyo. Mula rin yata nang dumating ka rito ay samu’t sari na ang mga naranasan mo, e.”

“Alam po ninyo?”

Bahagyang tumawa ng pagak si tatay. “Ma’am, sa liit ng lugar namin, lahat ng mga balita ay napag-uusapan.”

“Kilala niyo rin po ba si Javier?”

“Si Lukas iyon. Iyon ang apelyidong gamit niya, hindi ba?”

Hindi ako makahuma sa mga nalaman ko. Anong ibig sabihin niyon? Isang NPA si Lukas?

Tulala lang ako hanggang sa makarating sa Masallo. Hindi ko alam ang iisipin. Samu’t sari ang mga pumapasok sa isipan ko at hindi ko na alam ang iisipan pa talaga.

I was lost in my tracks nang I suddenly bumped with a nurse. Para akong nabalik sa reyalidad.

“Sorry!” agad kong hinging-paumanhin.

Tumango lang iyong nurse at naglakad na. Sinundan ko lang siya ng tingin at saka lumapit na sa nurse’s station para alamin ang kwarto nina Jophet at Sanya.

Palakad na ako sa ward nila nang matigilan ako dahil sa balita.

“… anak ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ay nawawala at hinihinalang kinuha ng mga miyembro ng CPP-NPA sa Daguma Mountain Ranges kagabi.”

Napatitig ako sa television. Maging ang mga taong nakarinig ay tumigil at nakatingin sa T.V.

“Naku. Magkakagulo na naman ba sa lugar na ito?” anas ng matandang babae na naka-wheelchair.

“Hindi nagpaunlak ng interview ang kampo ni Chief of Staff Marco Senegal. Maglalabas na lamang daw sila ng statement kapag nasigurado na nila kung sino ang kumuha kay Kryzzia Narra Senegal, anak ng COS ng Armed Forces of the Philippines. Huling namataan si Kryzzia umaga kahapon sa dalampasigan malapit sa Allah Valley. Mula kagabi ay hindi na makontak ng kaniyang mga kasama ang dalaga at hinihinalang nakuha na ng mga rebelde.”

“Pagkagandang bata. Sana naman ay hindi siya dito dinala ng mga kumuha sa kaniya.”

“Iyong CPP-NPA kaya ang kumuha sa kaniya, Inang? Baka naman tinangay siya ng dagat o kaya naliligaw lang sa bundok.”

“Okay lang kung ganoon ang nangyari. Malaking gulo kapag kinuha nga siya ng mga NPA na naglalagi rito sa atin.”

Napatingin ako sa mga nag-uusap. Hindi ko na alam ang pakikinggan ko dahil samu’t sari na rin ang mga naririnig ko sa telebisyon at sa mga tao sa paligid ko. Sino ang dapat kong kausapin tungkol dito?

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started