TILALUHA, The Reality

IKAWALONG KABANATA

Tahimik na naghihintay ako sa labas ng ward. Nakausap ko na ang mga nanay ni Jophet at ang mga kapatid ni Sanya. Gising naman na si Sanya. Si Jophet ay nasa ICU pa hanggang ngayon. Humingi na ako ng paumanhin sa kanila.

“Mabuti po at naoperahan kaagad siya para lang matigil iyong bleeding sa utak ni Mr Parang. Kung hindi po, dead on arrival na po siya,” sagot ng doktor na nakausap ko kanina about sa condition ni Jophet. Matindi raw ang naging tama niya sa ulo. May ugat na pumutok kaya madaliang operasyon ang kailangan. Given the condition ng lugar, wala na sana si Jophet ngayon. Mabuti na lang daw at nasa scene sina De Guzman at Javier.

Napakagat ako sa labi. Javier. Si Luke ay si Javier. Lukas Javier. Iyong Javier ay iyong nakasama sa transaksyon noong fiesta sa Kalamansi. Siya rin iyong naririnig ko na sa mga usap-usapan na kasapi nga ng NPA. Siya rin ang binanggit ng mga kumuha sa amin at siya rin ang kinwento ng tatay ni Natoy.

Si Lukas ay isang rebelde?

Napapakit ako. What the hell? Paano naging kasapi ng rebelde si Lukas? Kasama rin ba siya sa transaksyon sa school noong nakaraang gabi?

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi ako pabor sa mga rebelde dahil sa galawang ginagawa nila sa Pilipinas. Pilit nilang ginagawang komunismo ang kalakaran sa bansa na hindi naman maaari dahil hindi iyon ang kailangan ng Pinas. My uncle who’s the Secretary of the Department of the National Defense was doing his best to prevent any conflict with the CPP-NPA until the government settled its score with the former. Ilang taon na ang CPP-NPA, hindi pa rin sila nabubuwag. My thoughts about this matter before were too rigid. Akala ko sapat na makipagbakbakan sa kanila para matigil na. Pero ngayon, dahil nakatira ako rito, maraming beses napahamak, parang nagbago lahat ng pananaw ko. Hindi sapat na makipagbakbakan lang. Maraming sibilyan ang madadamay. Masisira pa ang kagubatan at bulubundukin kung mauuwi nga sa civil war.

Iniisip ko kung ano na nga ba talaga ang pinaglalaban ng mga rebelde? Kalayaan ba mula sa gobyerno o pansariling kaluguran? Sa loob ng ilangbuwan kong pamamalagi rito, marami na akong naririnig na patayan. Maraming katawan ang nakikita sa mga kabundukan. Iba, nakikilala pa pero karamihan ay deformed na ang mga katawan. Kagagawan ba iyon ng mga rebelde?

At si Lukas ba ay kabilang doon? I needed to talk to him to confirm everything. I’d been with him for for months. Siya ang lagi kong kasama maliban sa tatlong bata. Lagi rin siyang nandiyan tuwing napapahamak ako. Wait. Kaya ba siya nasa Katakutan noon dahil siya iyong kasama sa transaksyon?

Habang nasa byahe ay okupado ni Lukas at ng mga rebelde ang isipan ko. Hindi ko alintana na madilim na sa labas at nagkaroon na ng checkpoint sa pagitan ng Masallo at Marawi. Inilabas ko ang ID nang manghingi ang sundalo. Ibinalik niya iyon matapos makita. Sinundan ko ng tingin ang mga sundalo na umakyat sa bus para mag-inspection. Sinusuyod nila ang bawat pasahero, bata man o matanda. Sa labas ay may malaking barikada at maraming sundalo na may mahahabang armas ang nakapaligid lang.

“Hinahanap na nila siguro iyong anak ng pinuno ng AFP.”

Napatingin ako sa katabi ko na may kausap sa phone.

“Mag-ingat ka riyan. Huwag ka ng lumabas ng bahay. Kinakabahan ako na baka bukas ay ma-Martial Law na naman tayo.”

Nang makita ko ang phone ay saka ko naalala ang sariling mobile phone. Hindi ko pa natatawagan si tita! Pangatlong araw ko ng hindi natawag!

Mabilis na kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang tiyahin. Ilang ring pa bago siya sumagot.

“Mika! Oh, my God! Buti tumawag ka! Kagabi pa sana kita tatawagan pero ayaw ng tito mo! Hayaan lang daw muna kita! My God! Kanina ko pa siya inaaway dahil napakaepal! Kumusta ka na?”

Napangiti ako sa boses ni tita. Usually, kalmado siya lagi pero ngayon high-pitched na high-pitched siya.

“Okay lang ako, tita. Still alive and kicking,” Hindi ko sinasabi sa kaniya lahat ng mga nangyari sa akin dito. Ayokong mag-alala si tita. She’s already 50. May heart failure pa kaya hindi ko dapat binibigla sa mga pangayayari. Saka ko na lang ikukwento kapag nakapagbakasyon na ako sa kanila.

“Kung hindi ka tumawag ngayon, lilipad talaga ako papunta riyan. Walang magagawa ang tiyuhin mo.”

“I’m fine, I swear, tita. Huwag ka nang mag-alala sa akin. I’m a big girl, remember?”

“Yeah, yeah. Big girl. But remember, too, baka magkaroon ng civil war diyan. Kinuha ng NPA ang anak ni AFP Chief of Staff. Kagabi pa rin hindi umuuwi si tito mo dahil sa nagpaplano sila kung paano ang gagawin. Umuwi ka na lang muna rito, dear. Kinakabahan ako lalo na at nandyan ka sa mountain range kung saan nawawala iyong si Kryzzia.”

Tumingin ako sa labas ng bintana ng bus. Hindi pa rin kami nakakaalis sa checkpoint. “What happened to her, tita?” I already heard the news but hearing it from my tita’s point of view would confirm all my confusions.

“Nagbakasyon daw si Kryzzia riyan noong Friday. Nasa Allah Valley lang kaso kagabi hindi na siya nakita ng security niya. Kaya ikaw na bata ka, umuwi ka na muna rito. Wala kang kasamang security riyan. Kapag nalaman pa nila na –”

“Okay lang ako, tita,” putol ko sa kaniya. “I have someone here who protects me all these times. Remember Luke na kinukwento ko sa ‘yo?” I smiled. I mentioned Luke in every phone call with tita.

“Send me a picture of that Luke. Papa-background check ko sa tito mo.”

Natawa na naman ako. Tita and her ways. Noong nakaraan pa niya sinasabi sa akin iyon.

“Really, Mika? Siguraduhin mo lang na okay ka riyan, huh. Nasaan ka na ngayon?”

“Pauwi pa lang ako, tita. I’m still in Masallo.”

“Sunday ngayon. Saan ka nanggaling?”

“Hospital. Two of my students were hospitalized. Binisita ko lang po.”

“Okay. Don’t hang up. Magkwento ka hanggang makauwi ka. Put your earphones on.”

I giggled. “Paranoid?”

“No! I just need to make sure you’re safe. Bad.”

“Okay, okay. Hold on for a moment.” Kinuha ko ang earpiece sa bag at kinonek ang phone. Nagsasalita na ulit si tita at nagtatanong ng kung ano-ano. Ako naman ay sumasagot lang.

Paalis na ang bus nang huminto na naman iyon dahil nagkagulo sa labas. Napatayo kaming mga pasahero. Ako na nasa bintana ay inilapit ang mukha upang tignan ang nangyayari. Kaniya-kaniyang tago ang mga sundalo sa barricade na mayroon at ang iba ay nagsitakbuhan sa gilid kung saan ay gubat na. Napatili kami ng kasama ko nang biglang mawasak ang salamin ng bintana ng bus. Napayuko ako. Someone shot us!

Nag-panic na ang mga tao sa bus.

“Manong, I-andar mo na!” sigaw ng isa sa mga pasahero sa likod.

“Mika? Mika? Anong nangyayari? Bakit maingay ang background mo?” Panic was evident in tita’s voice.

Hindi ako makasagot kasi nagkakagulo na sa bus. Kaniya-kaniyang taguan at takbuhan palabas ang mga pasahero.

“Huwag kayong bumaba! Manatili kayo sa bus! Yumuko kayo lahat!” Sigaw ng isang sundalo ang narinig ko sa ibabaw ng putukan.

Nanatili akong nakayuko. Iniisip kung anong gagawin, Hindi ko na alam ang nagyayari sa labas basta nagpapalitan na ng putukan ang mga sundalo at kung sinong nagpapaputok din.

“Mikaela! Hello! Oh, my God. Jun! Sandali. Manang! Tawagan mo si Jun! Ngayon na!”

“Tita, I’m still here. Okay pa ako. Pero may natamaan ng baril dito sa loob ng bus. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi kami pinalalabas ng mga sundalo sa loob ng bus. But we’re not moving,” I said.

Nakayuko ako na gumapang patungo sa unahan. Napapalibutan ng mga sundalo ang bus. Nakatutok ang mga baril nila sa iba’t ibang direksyon.

“Anong nangyayari?” iyak ng isang matanda.

“Nagdudugo na iyong sugat niya. May doktor ba sa inyo!” sigaw ng isa pang babae.

Napatingin ako sa nakahandusay na babae. May tama siya sa balikat. Anong gagawin ko? I knew first aid pero hindi ko napa-practice. Hindi ko nga natulungan si Jophet kahapon. But, the lady needed help.

Inilibot ko ang tingin sa bus. Walang nagtangkang lumapit sa nabaril. Nilingon ko ang upuan ng driver. Hindi siya nagalaw. Natamaan din ba siya?

“Driver. Shot. Back-up. 20 lives. One down. Need medic.”

Rinig ko na ang binabanggit ng isang sundalo na nasa pintuan ng bus. Gumapang ako palapit sa nakahandusay na babae. Wala na siyang malay.

“Doktor ka ba o nurse?” tanong ng umiiyak na babae. Siya iyong sumigaw kanina.

“Hindi po. Pero paaampatin lang natin ang dugo niya. Mahirap maubusan ng dugo.” Bumaling ako sa mga nakayukong pasahero. “May mga panyo po ba kayo na malinis. Pakiaabot naman po. Paaampatin lang natin ang dugo niya para hindi lumama. And, ate. Iangat natin siya. Kailangan na mas mataas ang balikat niys sa puso.”

Ginawa naman iyon nung babae. Nakakuha ako ng sampung panyo na tinali-tali ko at pinalibot sa sugat ng babae. Pinadiinan ko iyon sa kasama niya matapos kong ilagay iyong nakuha ko ring towel.

“Stay po muna tayong ganiyan, ate, huh. Hanggang dumating ang medic.”

“Buckle up, everyone. Paaandarin ko po ang bus palayo. Manatiling nakayuko ang lahat.”

May sundalo na pumwesto sa upuan ng driver. Napasinghap kami nang makitang walang malay ang driver at mukhang natamaan din ng baril. Inihiga siya nang maayos ng isa pang sundalo na umakyat sa bus. May tatlo pa na sumunod ng akyat at pumuwesto sa likod.

“Mikaela? Anak, nandyan ka pa ba?” umiiyak na boses ni tita ang narinig ko.

“Tita, yeah. I’m still here. Okay po ako. Huwag kang mag-alala.”

“Anong huwag mag-alala? Nasa gitna kayo ng putukan tapos huwag mag-alala? Jun, talk to your niece.”

Dinaanan ako ng isang sundalo at yumuko para check-in iyong nilagyan namin ng man-made bandage.

“Mika?’

Boses ni tito ang narinig ko. Mukang naka-loudspeaker siya mula sa kabilang linya.

“Tito, I’m fine. May mga sundalo na po na nasa bus. Pinaaandar na rin nila ang bus palayo.”

“Okay,” kalmadong tugon ni tito. “Makinig kang maigi sa akin, okay?”

“Opo.”

“Kahit anong manyari, hangga’t hindi namamatay ang battery ng phone mo, huwag mong patayin ang tawag. Second, huwag kang susugod sa lugar na walang mga tao. Kapag may nakita kang sundalo, sa kanila ka lang lalapit. Third, huwag kang mag-panic. Everything will be fine. Okay?”

“Opo,” sagot ko. Napatingin sa akin iyong sundalo. Pagkatapos ay tumayo na siya at lumipat sa bandang dulo. Naka-uturn na ang bus at mukhang pabalik kami sa bayan ng Masallo kaso wala pang isang minuto nang biglang may sumabog sa unahang banda na daraanan ng bus.

Nagtilian na naman ang mga pasahero.. Mas lalo akong napayuko.

“Bomb in the hospital. Retreat. Go over Marawi. Over,’” anas ng sundalo sa dulo na sumenyas sa unahan kaya biglang ikot na naman ang bus. Sobrang higpit ng hawak ko sa paanan ng upuan para hindi tumalsik. Ang lamig na nga ng panahon, mas lalo pang dumoble kasi sumasampal ang lamig ng hangin sa amin. Basag ang salamin ng mga bintana sa kaliwang bahagi. Napatingin ako sa braso nang makitang may bakas na ng dugo iyon. Natamaan ako ng bubog kanina panigurado.

Rinig ko sa kabilang linya ang nagpa-panic kong tita. Si tito ay hindi ko na marinig. Nasa Malacanang siguro siya. Tinawagan lang ni tita.

Sunod-sunod na putukan ang naririnig namin. May mga pagsabog din habang papasok kami sa border ng Marawi. Nagpapagewang-gewang na ang bus dahil tuloy-tuloy pa rin ang barilan. Nakapikit na lang ako at nananalangin na sana okay lang ang lahat. May sumabog daw sa hospital kanina. Sana naman okay sina Sanya at Jophet. Bkait nagkakaganito ang Pilipinas?

Nakakaiyak.

“Mika.”

“Tito.” I felt relieved after hearing tito’s voice again. Mas kalmado talaga siya kaysa kay tita.

“Stay calm.”

“Yes po. Tito, is this about NPA?” I almost whispered, afraid that others might hear me. “Kinuha po ba nila iyong Kryzzia?”

“Yes. They contacted us, dear. AFP chief of staff is losing his head. I might be on his shoes kapag may nangyari sa ‘yo. So, I want you to be safe, Mika. Huwag na huwag kang magpa-panic. My men will look for you.”

“Okay lang ako, ‘to. I will be safe. Tell tita I am going to be safe. Ako pa po ba? This is Mika, hello?” I tried to make the event lighter. I knew we were in danger pero dahil naniniwala akong pusa ako, may natitira pa akong buhay.

Dire-diretso na ang byahe ng bus. Pinaupo na kami sa upuan ng mga sundalo. Nayakap ko ang sarili sa sobrang lamig at napalingon nang may batang umiyak.

My heart broke when I saw the kid. Yakap-yakap siya ng mama niya. Siguro nilalamig siya. Tinanggal ko ang suot na jacket at ibinigay sa nanay. Nagpasalamat siya sa akin. Tumango lang ako. I could endure the icy cold wind. What I couldn’t endure was the crying of a kid. Nadadala talaga nila ako,

Patuloy lang sa byahe ang bus nang bigla na lang nag-preno ang sundalo na nagda-drive. Nasubsob kami sa handle. Agad na sinanggalang ko ang braso. Ang sakit. Napaayos ako ng upo nang magkaroon na naman ng putukan. Napayuko ulit kaming mga pasahero. Feeling ko mabibingi na ako sa ingay ng baril. Feeling ko rin last night ko na. Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas nang maging tahimik na at sigawan na lang ng mga tao sa labas ang dinig ko.

“Patay na mga sundalo, ‘tol. Kuhanin mo na ang mga pasahero.”

Para na silang nagpa-party sa labas kasi ang ingay na nila. Tapos isa-isang pinababa ang mga pasahero. Inilibot ko ang tingin pagkatayo. Nakahandusay na iyong mga sundalo. Napahinga ako nang malalim.

“Baba,” utos ng lalaking naka-mask. Actually, lahat ng lalaki sa labas ay naka-mask na itim. Mata lang nila ang kita namin.

“Pasabugin mo ang bus, ‘tol. Panigurado headline iyan bukas.” Nagtawanan iyong dalawa na malapit sa akin. Napatingin ako sa kanila.

“Nasa loob pa po ang mga sundalo,” anas ko. Napatingin sa gawi ko ang dalawa.

Nilapitan ako ng isa. Napaatras ako.

“Wala kaming mga pake sa mga sundalo na naiwan sa loob, Miss. Hindi mahalaga ang buhay ng mga taong pahirap sa amin.”

“Lahat ng buhay mahalaga, Sir. Pasabugin niyo iyang bus kapag nalabas na iyong mga naiwan sa loob. Buhay pa sila,” giit ko. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na sagutin sila.

“Aba.” Nilapitan ako ng isa pa at malakas na sinampal. Natumba ako at feeling ko tumabingi ang mukha ko. Dinaluhan ako ng katabi kong babae.

“Hoy!” sigaw ng isang pasaherong lalaki na nilapitan at itinulak iyong sumampal sa akin.

Hayop. Ang sakit. Hinawakan ko ang gilid ng labi. Nalalasahan ko ang dugo. At iyon nga, Paniguradong may cut ako sa bibig at mamamaga ang pisngi ko bukas.

“Babae iyan, ‘tol. Pwede mong pagsabihan, hindi saktan.”

“Ano ngayon sa ‘yo, huh?” Itinulak at tinutukan ng baril noong nanampal iyong lalaking sumaklolo para sa akin.

“Ano ba ‘yan?” May isang lalaki na galing sa kung saan, may hawak na rifle, ang lumapit sa amin.

“Iyang kasama niyo nanampal ng babae. Kayo nga ang may atraso, kayo pa ang malakas ang loob,” pagtatanggol pa rin nung lalaki.

Thank you, Kuya. Kung sino ka man, maraming-maraming salamat.

Tumayo ako at hinawakan ang damit nung lalaki. “Thank you, Kuya. Okay na. Huwag ka nang pumatol sa kanila.”

Nilingon ako nung lalaki na masama pa rin ang timpla ng mukha. “Pero hin–”

Natigagal ako nang biglang tumumba iyong lalaki na may tama na ng baril sa gilid ng sentido. Nagsigawan muli ang mga pasahero. Mas lalong umiyak iyong batang inabutan ko ng jacket kanina. Ako ay natulala. May dugong tumalsik sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin.

Iyong bumaril ay iyong kaninang nanampal. Agad siyang tinutukan ng baril ng kaninang lumapit na lalaki. “Anong sabi sa iyo, ‘tol? Mamaril ng pulis at sundalo hindi sibilyan.”

“Punyetang lalaki. Kalalaking tao napakaraming satsat.”

“Gago. Lumakad ka na. I-radyo mo sa taas na nakuha na natin mga pasahero ng bus.”

Hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Para akong pinako.

“Lakad, Miss.” Itinulak ako nung kasama ng lalaking nanampal sa akin. Saka lang ako nakahinga at tuloy-tuloy na ang tulo ng luha ko.

Nilingon ko iyong nagtanggol na lalaki sa akin at ang bus kung nasaan nakahandusay pa ang mga sundalo at iyong driver. Wala akong nagawa para matulungan sila.

“Pumila kayo,” utos ng nauunang lalaki.

Pumila lahat ng pasahero na mga nag-iiyakan na. Iyak na rin nang iyak iyong bata na nasa unahan ko lang. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko iyong mukha ng bata na nailawan ng street lamp. Hilam na hilam siya sa luha.

Kinalabit ko iyong may karga.

“Gusto mo ako na ang kumarga muna sa kaniya?” Tumikhim ako. Nanginginig ang boses ko.

“Po? Hindi na po. Kaya ko naman.”

“’Wag kang mag-alala. I’d hold him. Sandali lang.” Kinuha ko iyong extra panyo na nasa loob ng bag ko at pinunas sa mukha ko. May bahid ng dugo ang mukha ko. Pinigilan ko na rin ang pag-iyak. Hindi makatutulong sa akin.

Kinarga ko ang bata at tinapik-tapik ang likod niya. “Hush, baby. Pauwi na tayo.” Hinele-hele ko siya habang naglalakad kami sa loob ng kadiliman ng gubat.

Tanging tawanan ng mga lalaki na nakapalibot sa amin ang nariinig ko. Iyong bata ay tahimik na at hindi na umiiyak. Nakatulog na siya. Kukunin na sana siya ng mama niya ngunit sabi ko na ako na muna. Mukha pa kasi siyang bata. Nang tinanong ko kung ilang taon na siya, 22 pa lang daw. Isang taon pa lang ang bata. Pauwi na sana sila galing lang sa check up sa Masallo pero ganito na ang nangyari.

Balak ko sanang tignan ang orasan sa bisig nang maalala ko ang earpiece. Kinapa ko ang kanang tenga ngunit wala na akong makapa. Kinapa ko na rin ang kaliwang tenga ko ngunit wala na ang earpiece. Nalaglag ko? Oh, my. Baka lalo nang nagwala ang tiyahin ko.

I tried to find my phone sa body bag. Luckily, nandoon pa iyon. Hoping na buhay pa ang battery at naririnig pa rin ako ng tita at tito ko.

May kalayuan pa lang ay kita na namin ang maliwanag na mga ilaw at dinig na namin ang maiingay na sigawan ng halos lahat ay boses kalalakihan.

Marahan ang pagtapik ko sa likod ng bata. Paniguradong magigising siya kapag nagkataon. Nilibot ko ang paningin. Lahat ba sila mga rebelde? Bakit ang dami nila?

“Nad’yan na sila!” sigaw ng boses bata.

Huminto ako nang huminto na rin iyon mga nasa unahan ko. Mukhang daraan pa kami sa inspeksyon bago makasama sa kuta nila. Grabe, Hindi ko nakita ang dinaanan namin pero sobrang layo. Hindi ko na alam kung ilang beses naming pinagsalitan na kargahin iyong bata dahil sa layo ng nilakad. Sobrang tatarik pa. Feeling ko dumaan pa kami sa bangin.

“Go. Next.”

Napaalma ako nang may biglang humila kay Harriet, mama ng batang karga ko. Napatili siya at napasigaw ako.

“Saan niyo dadalhin si Harriet? Sandali!” Hahabulin ko sana ang humablot kay Harriet pero hinila ako ng lalaking nakabantay sa gate.

“Dito ka lang, Miss.”

Muntik na akong matumba nang hilahin ako. Mabuti na lang at nabalanse ko agad ang sarili at niyakap nang mahigpit si Andy, ang anak ni Harriet.

Kinuha nila sa akin ang bag ko. Itinaktak. Nang makita ang phone ko ay bigla iyong tinapakan tapos hinampas-hampas ng bato.

Nanginginig na ako sa galit. Kanina pa sila. Mga wala silang awa mapababae man o matanda sinasaktan nila. Hindi na sila makatarungan. Ganito na ba ang klase ng pag-iisip mayroon ang mga taong gustong mabago ang gobyerno? Mas masahol pa sa hayop kung trumato.

Someone touched my face na agad kong tinampal. Nagtawanan ang mga nakakita. I glared at the man who dared to touch my face. How dare he?

“Feisty,” komento niya.

“Teka! Mikaela Andrade? Iyong guro sa Marawi High.” Nakatingin sa akin iyong isang lalaki na nagkalkal sa mga natapon kong gamit. Hawak niya na ang ID ko.

“Mikaela? Iyong Mika na kinababaliwan ni Javier?” tanong ng lalaking humawak sa mukha ko.

“Sino?” Pinalibutan ako ng mga lalaki. Napahigpit ang yakap ko kay Andy.

“What’s happening?”

Nawala ang palibot ng mga lalaki nang may dumating na panibagong grupo. Really. Sino ba ang mga taong ito?

“Boss,” bati ng mga lalaki.

Boss? Amo nila?

Tinignan ko ang lalaking matangkad, kasingtangkad ni Luke at kasingkatawan na rin, na nakatitig sa akin.

“Sino iyan?”

“Mika, Boss. Hinihinala namin na iyong babae ni Javier.”

Oh, my goodness. Naririnig ko na naman ang Javier. Si Lukas ba talaga iyon?

“Mika?” Lumapit iyong lalaki sa akin at tinitigan ako. Tinitigan ko siya pabalik. “Kilala mo si Javier?”

“Kung…” I cleared my throat. “Kung si Luke ang Javier na tinutukoy niyo, yes. Kilala ko siya. Pero iyong Javier na kasapi niyo, hindi.”

“Hmm.” Dumako ang mga mata nung lalaki sa mukha ko. I knew maga na ang pisngi ko. Mahapdi na rin ang sugat sa gilid ng labi ko. “Who touched her face?”

Walang umimik.

“Better show yourself now. ‘Wag mong hayaan na si Javier ang humanap sa ‘yo.”

Someone stepped out from the crowd. Wala ng mask ang mga lalaki kaya malaya kong nakikitan ang kanilang mga histura. There I saw the man who slapped me hard. Ang sarap niyang sapakin. Gosh.

Biglang pumalahaw ng iyak si Andy. Nagising na ang bata dahil sa ingay ng mga taong ito. Inalo-alo ko siya pero hindi talaga siya natahimik.

“Dalhin niyo kay Manang Sally iyang bata.”

“Sandali,” ani ko. Hinarangan ko iyong tinawag nilang boss. “Nasaan na po si Harriet. Kailangan niya ang mama niya.” Tukoy ko kay Andy na iyak pa rin ng iyak.

“Kunin mo,” utos nung boss sa isang lalaki na agad lumapit sa akin at akmang kukunin si Andy.

“Sandali. Saan mo daldalhin ang bata?” habol ko sa lalaki. Hinawakan ako nang mahigpit sa braso nung boss.

“Darryl, bigyan mo ng ice pack si Miss Mika. Dalhin mo sa lungga ni Javier. Ikaw,” itinuro niya iyong lalaking nanampal kanina. “Sumama ka sa ‘kin.” At tinalikuran niya ako.

“Sandali po! Saan dadalhin si Andy?”

Nilingon ako nung boss. “Sa mama niya.”

Napahinga ako nang maluwag. Hindi ako sure kung maniniwala ba ako sa kaniya pero wala na kasi si Andy. Hindi ko na rin marinig ang palahaw niya.

“Miss Mika, dito tayo,” malumanay na sabi ng tinawag na Darryl.

Nagsipag-alisan na iyong mga lalaki. Inakay naman ako ni Darryl sa kung saan. May tinahak kaming trail na pataas. Inabutan ako ni Darryl ng flashlight dahil hindi na naiilawan ang dinaraanan namin.

“Mag-ingat ka sa pag-apak, Miss. May katarikan ang daan paakyat sa bahay ni Kuya Javier. May daan po sa kabila na medyo patag kaso isang oras na ikot pa po iyon mula rito. Ito kasing daan na ito ay kalahating oras lang ang lakad.” Iniilawan ni Darryl ang daanan ko.

Humawak ako sa sanga ng puno na maaari kong kapitan habang tintahak ang daan paakyat. “Kalahating oras? Ganito kalayo?”

Hindi ko makita ang ekspresyon ni Darryl pero feeling ko natawa siya. “Ito po kasi ang pinili ni Kuya na pwesto niya.”

Napahinga ako nang malalim. “Hindi sa nagmamaarte ako, Darryl pero sana sa baba na lang muna tayo mag-stay. Dapat tulog ka na ng ganitong oras. Naabala pa kita.” Alam kong rebelde rin si Darryl pero nang malaman ko ang edad niya ay biglang lumambot angpuso ko. I really had soft spot for children and teenagers.

“Okay lang, Miss.”

We had been walking for almost fifteen minutes and hindi ko pa rin kita iyong bahay na tinutukoy ni Darryl. Marami na rin ang napag-usapan namin tulad na lang kung paano siya nasama sa grupo na ito.

“Si Kuya Froy, iyong nag-utos po na samahan kita sa bahay ni Kuya Javier, ang tumayong magulang ko simula noong maulila ako. Parte po siya ng grupo na naghahangad ng kabutihan para sa pamahalaan kaya po sumama ko.”

“Pinilit ka ba niya?”

“Hindi po. Ayaw niya nga na nandito ako pero mapilit ako kaya inis siya sa akin. Hindi niya ako sinasama sa mga trans–” Natigilan siya.

Nanlumo naman ako. Hindi ko pa nalalaman nang buo ang lahat parang naaawa na ako kay Darryl. Sa murang edad niya ay mulat na siya sa mga ganoong bagay. Hindi sa nag-a-assume ako ng kung ano pero feeling ko talaga iyong transaksyon nila ay may kinalaman sa mga pinagbabawal na bagay.

“Hehe. Ayaw talaga ni Kuya Froy kasi gusto ko kasing tulungan siya bago ako lumipat ng Manila, Miss.”

“Tawagin mo na lang akong Ate Mika, Darryl.”

“Okay po, Ate,” aniya.

“Darryl, gusto ko lang makasiguro. Iyong tinutukoy niyo ba na Javier at si Lukas na isang Firefighter at Forest Ranger?” I really needed another confirmation from him.

“Si Kuya Javier? Opo. Hindi niyo po ba alam?”

“Wala akong alam,” amin ko. Naguguluhan pa rin ako.

Hindi agad nagsalita si Darryl. “Pasensya na, ate. Si Kuya Javier na lang po ang kausapin mo.”

Hindi na ako umimik at tahimik na sumusunod sa paglakad niya hanggang sa marating namin iyong bahay na tinutukoy niya na kay Luke. Walang ilaw. Hindi ko makita kung ano ang histura ng bahay. Narinig ko ang kalansing ng mga susi at ang pagbukas ng pinto ng bahay. Nilingon ako ni Darryl.

“Pasok ka na, ate.”

Tumuloy ako at saka naman bukas ng mga ilaw. Bumungad sa amin ang may kaliitang sala ngunit maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. May maliit na bookshelf sa gilid. May isang mahabang sofa at dalawang seater sofa sa magkabilang gilid niyon. Malinis ang paligid. Walang kahit anong disenyo sa mga pader.

“Upo ka na muna, ate. Hahanda ko lang iyong yelo. Diyan ka lang po muna.”

“Ako na lang, Darryl. Pahinga ka na. Hindi naman ako tatakas. I need to talk to Luke.”

“Eh, hindi naman kita iiwan dito, ate. Basta diyan ka na lang muna. Mapapagalitan po ako.”

Wala akong nagawa kundi ang umupo at tumingin lang sa paligid. May malaking orasan sa wall na katapat ng sofa. It showed thirty minutes after one. Madaling araw na. Paano ako papasok mamaya?

“Ate, heto, o.” Inabot ni Darryl ang ice pack na nakabalot sa twalyang puti. Kinuha ko matapos magpasalamat at dahan-dahang idinampi sa namamagang pisngi. Gusto kong umiyak sa sakit. Kanina parang hindi ko ramdam na nagkasugat ako pero ngayon sobrang sakit na.

Nakapikit lang ako habang dinadampi-dampi iyong ice pack. Gusto kong sumigaw kaso nakahihiya naman kay Darryl kaya iniyak ko na lang nang tahimik.

“Okay ka lang po?”

Tinanguan ko lang siya at hindi na nagsalita. Pinahid ko ang luha na tumulo sa pisngi ko at idinampi muli ang ice pack. Twenty minutes na siguro ang nakalipas at ramdam ko na manhid na sa lamig iyong kaliwang pisngi ko.

Napatingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Iniluwa niyon si Lukas na humahangos.

“Kuya Javier!” tawag ni Darryl.

Napatayo ako. The man of the hour was here. Lukas looked straight on my eyes with mixed emotions. Hindi agad ako nakapagsalita.

“And there you are.” He managed to say at inilang hakbang lang ako at niyakap.

“And you, too,” I whispered. Nabitawan ko ang ice pack. Nagtuloy-tuloy na ang luha na kanina ko pa pinipigil. “You’ve got a lot of explaining to do, Lukas.”

“I know. I know.”

“I am mad.”

“You are not.”

“And pissed.”

“Really.”

“And hurt.”

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started