SS – GLIMPSE

April 29, 2020

Mga tauhan;

1. Kara Andrea Monteano – simple housewife. Hindi masyadong mapagpakita ng emosyon. Ngunit unti-unting nahuhulog ang loob sa asawang si Josh na dalawang taon na niyang kasama sa buhay.

2. Joshue Monteano – businessman at nagtatrabaho sa city. Lihim na mahal ang asawa ngunit unti-unti na niyang nasasabi ang saloobin.

Tagpuan: Sa loob ng bahay

Panahon: Madilim na gabi. Sabayan pa ng matinding lakas ng buhos ng ulan at hangin.

Kara: (may kausap sa telepono habang nakadungaw sa bintanang salamin) Makauuwi ka ba? Masyadong malakas ang ulan. (kinakabahan at napabubuntung-hininga na lang)

Josh: (Tumawa) Oo naman. One week kitang‘di nakita. Do not tell me na hindi mo ako name-miss?

Kara: Siyempre miss na kita. Baliw k aba? (tumawa rin at umalis sa pagdungaw sa bintana) Anong oras ka kaya makararating? (Sabay tingin sa wall clock)

Josh: With this kind of weather, let say mga nine pm.

Kara: Okay. Magluluto ako ng paborito mo.

Josh: ‘Yan ang gusto ko sa iyo, e (tawa) Tatawag na lang ako habang pauwi. Bye.

Kara: Sige. Bye.

Josh: Wala bang ‘mahal kita’ diyan?

Kara: Kapal. Umuwi ka muna.

Josh: Tsk. Manhid ka talaga, e.

Kara: Sabi mo pa. Sige na. Magluluto na ako.

Josh: Sabi ko nga. Bye. I love you! Sarapan mo luto, a?

Kara: Bye. Oo naman. (sabay baba ng tawag.)

Pumunta si Kara sa kusina para maghanda ng lulutuin.

Kara: Dahil umuulan, magluluto ako ng sinigang. So, nasaan na ang ingredients and all? (nagsasalita habang naghahanap ng mga gagamitin sa pagluluto)

Matapos ang isang oras ay nakahanda na ang lahat kaya bumalik sa sala si Kara para tawagan ang asawa. Nakailang ring pa bago ito sumagot.

Kara: Saan ka na?

Josh: Hala. Hindi makapaghintay na ako ang tumawag? Minsan talaga napapaisip ako kung mahal mo na ba ako, e.

Kara: Kapal talaga ng mukha, e. Saan ka na nga? Nakapagluto na ako.

Josh: On my way home, mahal. Ooops. Wag masyadong kiligin, ha?

Kara: (Iikot ang mga mata sa inis pero nakangiti) Asa ka pa. Malakas ba ang ulan diyan?

Josh: Sus. Syempre naman. Ah, oo. May kalakasan na nga ang ulan pero kaya pa namang bumiyahe.

Kara: Okay.

Josh: Kwentuhan mo naman ako, misis.

Kara: Kung ano-anong tinatawag mo sa akin, Josh. Kara pangalan ko.

Josh: Kahit ano namang itawag ko sa iyo, bagsak pa rin non sa mahal kita, e. Ee. Kilig na siya.

Kara: (natawa) Baduy so much, a.

Josh: At least, nagsasabi ng totoo. Kesa sa iba diyan, nagtatago ng emosyon.

Kara: A, ganon? Sige. Mamaya ka na tumawag, a?

Josh: Uy, uy! Grabe. Pikunin ka talaga, misis, e. Huwag mong ibaba. Kailangan ko boses mo para makapag-drive ako.

Kara: Wow. Steering wheel na pala ang boses ko?

Josh: Yes, Ma’am!

Kara: Bwiset.

Josh: Sorry na (tawa). I will take my time, okay? Naiinitindihan ko naman.

Kara: (nanahimik bigla)

Josh: Let us make this marriage work kaya I will wait for you. Well, kailan ka ba mahuhulog?

Kara: Hmm.

Josh: Kapag wala na ako?

Kara: Hoy!

Josh: (tawa) Joke lang! Eto naman. Masyado kang seryoso, misis. Wag ganern. Baka mamana ni baby ang pagiging nerbyosa mo. Sinasabi ko lang naman na baka mahalin mo ako kung kailan wala na ako sa mun-

Kara: Josh, don’t say bad words, okay. I am not fine with that.

Josh: Nagsasabi lang naman ako ng posibilidad na –

Kara: Please.

Josh: (Nanahimik) Okay. Pero paano nga kapag halimbawa hindi ako nakauwi ngayon?

Kara: Josh Monteano. I will hang up.

Pinatay ang tawag at bigla na lang natulala sa kawalan. Maraming pumapasok sa isipan niya at pauli-ulit ang mga salitang binitiwan ng asawa.

Napasabunot siya sa buhok at napayuko na lang habang nag-iisip. Biglang tumunog ang cellphone kaya nagulat siya.

Josh is calling.

Sinagot niya muli ang tawag matapos huminga ng malalim.

Kara: Kung magbibiro ka lang, papatayin ko na lang ang tawag.

Josh: Sandali lanng, misis. Wag mong ibaba ang tawag. Seryoso naman ako, e.

Kara: Saan ka seryoso?

Josh: Ganito kasi. Seryoso ako, Kara. Paano nga kapag nawala na ako sa mundo. O, wag mong ibaba ang tawag, a! Seryoso ako. Paano nga kapag nawala na ako? Saka mo lang ba sasabihin na mahal mo ako? Useless na iyon. Di ba?

Kara: Bakit? Hindi ka na ba makauuwi sa akin?

Josh: Ay, gusto ko iyang linya mo na iyan. Bumigay ka na no?

Kara: (hindi pa rin maalis ang pinaghalong kaba at inis para sa asawa) Tigilan mo ako.

Josh: Kasi nga siyempre life is too short. Live your life to the fullest. Ayoko namang magsisi ka na hindi mo nailabas ang saloobin mo sa akin. Paano na lang kapag nawala na ako? Sino ang magiging karamay mo sa lungkot? Ang laking pagsisisi noon kapag nagkataon kaya nga ako habang maaga pa ay sinasabi ko na sa iyo ang lahat. Mahal kita, Kara Monteano. Hindi mo man naramdaman noon pero ngayon ko sasabihin lahat.

Hindi na nagkapagsalita si Kara. Namumuo ang luha sa mga mata.

Josh: Makinig ka, misis. Hindi man perpekto ang simula ng love story natin pero I will make sure na gagawin ko itong perfect. Hindi man natin unang minahal ang isa’t isa, alam mo naman na mahal kita higit kaninupaman. At iisipin ko na lang na ganoon ka rin sa akin, though ayaw mo pang umamin. Anyway, hindi ko alam kung saan nagsimula, e. Siguro noong nagising ako na katabi ka? Iyong unang bumungad sa akin ay ang iyong mukha na… paano ko ba ide-describe? Napakaganda. Grabe. Napasabi na lang ako sa sarili ko na napakaswerte ko at ikaw ang napangasawa ko. Gutso ko ngang pasalamatan ang mga magulang natin sa arranged marriage na ito, e. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo rito ngayon. So, ending nito, mahal na pala kita. Ikaw ang – teka, umiiyak ka ba? (narinig ang pagsinghot ni Kara sa linya kaya tumigil sa pagsasalita. Nag-alala para sa kalagayan ng asawa) Okay ka lang ba, Kara? Huy? Sumagot ka? Bakit ka umiiyak? Teka, wag mong sabihin dahil sa mga sinabi ko? Imposible. Ikaw pa? O, baka naman napaso ka sa kalan? Pero tapos ka na magluto, e. Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?

Kara: (patuloy sa pagpipigil ng iyak ngunit hindi na napigilan dahil sa mga sinabi ni Josh. Tuluyan siyang napaiyak) Si-ra. Sira-u-lo ka (sasabihin sa pagitan ng paghikbi)

Josh: Misis… Wag ka ng umiyak. Kinakabahan ako.

Kara: Gago ka, Josh. (pahid ng luha)

Josh: Mahal mo naman (tawa).

Kara: (sumisinghot-singhot) Siraulo. Nasaan ka na ba? Malapit ng mag-nine.

Josh: Excited much talaga, o. Medyo malapit na. Kalalagpas ko pa lang sa aksidente sa daan.

Kara: Ha? Anong aksidente?

Josh: May nagbanggaan na truck at kotse sa may bandang unahan ko. Mabuti na lang pala at tumigil ako kanina noong tinawagan ulit kita.

Kara: (biglang kinabahan) Okay ka lang?

Josh: Yup, misis. Ako pa ba? Buti at nakalagpas ako sa daan. Warak iyong kotse. Katulad pa man din ng akin. Sayang. Sana okay lang iyong may-ari.

Kara: Okay. Mag-ingat ka, a?

Josh: Yes, love. Salubungin mo ako ng yakap mo, a?

Kara: Basta umuwi ka na.

Josh: Okay. Wait for me.

Call ends.

Kara: (biglang may naalala at napatingin sa may main door) Shems. Walang payong ang kotse niya! (tatayo at kukunin ang payong. Sisilip sa may bintana. Makikitang malakas pa rin ang ulan at may hangin. Papasok sa kwarto para kumuha ng dalawang jacket. Sinuot ang isa at lumabas para salubungin sa gate si Josh).

Mahigit sampung minuto ang paghihintay niya bago makita ang kotse ng asawa. Binuksan ang gate at saka isinara nang makapasok na ang kotse.

Josh: (agad binuksan ang pinto ng kotse) Wow! Hinintay mo talaga ako, a? (tumatawa-tawang tumakbo palapit kay Kara na biglang sumimangot).

Kara: Muntanga ka. Bakit ka nagpaulan? Baliw ka talaga, e.

Josh: Ikaw ang bakit nagpapaulan? Gabing-gabi na pero nasa labas ka pa. Sabi ko salubungin mo ako ng yakap. Pwede namang sa pinto mo lang gawin. Lumabas ka pa talaga, a?

Kara: Wala kang payong.

Josh: Sus. Para namang ikamamatay ko ang ulan. Come. Bawal kang maulanan, e.

Nangingiti lang si Kara. Papasok na sila sa main door nang marinig ang tumutunog na cellphone sa may sala.

Josh: Shit. May naiwan ako. Sandali lang.

Kara: Ha?

Josh: Balik ako ng kotse, misis. Naiwan ko iyong pasalubong ko. (natatawa)

Kara: Pagkain ba?

Josh: Hindi naman. Hmm.

Kara: Bukas na. Malakas na ang ulan, e.

Josh: Hindi. Kunin ko na. Sandali lang ako. (hinalikan ang tuktok ng ulo ni Kara at mahigpit siyang niyakap)

Kara: ‘La? (nagtataka)

Josh: (tumawa lang at saka tumakbo palabas ng pinto)

Sinundan lang siya ng tingin ni Kara at tumuloy na sa loob para sagutin ang walang humpay na pagtunog ng phone niya.

Kara: Hello?

Someone on phone: Hello? Si Mrs. Kara Andrea Monteano po ba ito?

Kara: Yes. Sino sila?

Someone on the phone: From Malolos Police Station po ito, Mrs.

Kara: B-bakit? (napalingon sa pinto at kinabahan nang hindi pa rin makita si Josh)

Someone: Ikinalulungkot po naming sabihin ngunit nasangkot po sa traffic accident ang inyong asawa. Dead on arrival na po siya sa Malolos Medical Center.

Kara: A-ano? Sorry. Prank po ba ito? Nakauwi na po ang asawa ko ngayon lang.

Someone: Ha?

Kara: Kung wala kang matinong masasabi, please lang tigilan mo na po. Thank you.

Someone: Per- (naputol na ang tawag)

Kara: Josh! (agad bumalik sa may pinto at hinanap ang asawa) Josh!

Linga-linga sa labas at biglang nanlaki ang mga mata nang walang makitang kotse sa labas.

Kara: Josh? (tumakbo sa labas at nagpalinga-linga) Nasaan ka? Josh?

Tumunog ang cellphone. Nanginginig ang kamay na sinagot niya iyon kahit sa gitna ng malakas na ulan.

Kara: H-hello?

Shiela: Kara! Nasaan ka? (boses umiiyak)

Kara: S-shiela?

Shiela: Nasaan ka? Nasa bahay ka ba? Wag kang aalis. Papunta na kami riyan. Teka? Bakit ang lakas ng ulan sa background? Nasa labas ka ba?

Kara: A-anong nangyayari? Si Josh…

Shiela: Na-natawagan ka na ba? T-teka. Papunta na kami.

Kara: J-josh was here. Josh! Josh!

Shiela: Oh my, God! Bilisan mo mag-drive, Nick!

Kara: Nasaan na ang kotse? Shiela? Tinawagan ka rin ba ni Josh? Umuwi na siya, e. Sinalubong ko pa nga siya sa gate. Tinawagan ka ba?

Shiela: Oh my, God! Oh my, God! Kara! (humahagulgol na)

Kara: The police station called. They told me that Josh is dead. But Josh was just here a moment ago. Lumabas lang siya ulit kasi may naiwan siya sa kotse niya. Pe-pero wala na ang kotse niya. Hindi ko alam kung lumabas siya. What’s happening? He’s not here anymore!

Shiela: (crying sounds) Kara… He’s dead. Josh is dead.

Kara: (chuckled) You’re joking, aren’t you?

Shiela: I hope that I am, Kara. But I’m not. Tinawagan si Nick ng pulis dahil hindi ka raw sumasagot. I don’t know what happened. But he’s… oh my.

Kara: N-no, no. No. He’s not.

Nabitawan ang phone at napaupo.

Kara: Josh…no… (tuloy-tuloy ang pag-iyak) Josh… (nawalan na ng malay)

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started