SS – TRUTH OF DARE

Maingay. Magulo ngayon ang dalampasigan ng private beach resort ng isa sa mga kaklase ko noong high school. Kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang lahat. May nagkukwentuhan, nagbo-bonfire, nag-gigitara, at kung ano-ano pang pantanggal boredom habang naghihintay sa laro na inihanda ng presidente ng aming klase.

Reunion namin ngayon dito sa Pangasinan. Halos mahigit isang dekada na nangg huling magkita-kita ang aming buong klase. Halos makumpleto na rin kami kung nakontak lang sana ang dalawa pa naming kaklase na nasa ibang bansa. Nasa Europe ang isa habang nasa Australia naman ang isa pa. Walang makuhanan ng impormasyon ang officers ng aming klase kaya medyo nakapanghihinayang.

Iginala ko ang paningin sa paligid. May kalakasan ang hampas ng alon sa dalampasigan kaya nagtitilian ang iba na mga nakapwesto roon. Naghahabulan pa ang ilang mga naka-sarong na kaklase ko. Napangiti na lang ako nang umihip nang malakas ang hangin. Ramdam ko ang lamig ng hangin na humahalik sa aking balat.

“Gusto mo, Lia?”

Napatingin ako sa nagtanong at nakita ang iniumang n’yang baso sa akin na may kulay puting likido. “Ano iyan? Tubig?” Tanong ko.

Inirapan nya ako. “Wine. Anong tubig? Mukha ba ‘tong tubig?”

Tumawa ako at mahigpit na niyakap ang sarili. Summer na pero ang lamig ng simoy ng hangin dito sa Pangasinan. “Mukha syang tubig, e. No, but thank you, Laisa. Hindi ako umiinom ng alcohol. Mahina ako riyan, e.”

Muli na naman niya akong tinapunan ng irap. “Ang KJ mo naman talaga kahit kailan, Aelia Raine Villadolid!” aniya at tumabi ng upo sa akin. Bahagya kong inayos ang pinag-uupuan kong balabal. Nasa may buhanginan lang kasi ako nakaupo.

“Really, Lia? Up until now hindi ka umiinom? Ano ka? Santa? Patayuan kaya kita diyan ng rebulto at tatawagin naming Santa ng mga taong hindi umiinom?”

Tinawanan ko na lang sa kabaliwan nya si Laisa. She is one of my friends na isa na ngayong ganap na pulis. Kahapon lang noong magkita kami ay saka ko lang nalaman na isa na syang Police Inspector. Tumaas ang ranggo nya.

“Mahina nga kasi tolerance ko riyan. Mamaya kung ano-ano gawin ko,” paliwanang ko. Napatingin ako sa may nagbo-bonfire kung saan kumakaway si Rhea sa akin. Isa pang kaibigan ko. Sina Rhea at Laisa lang talaga ang matuturing kong kaibigan nong third year high school ako. Kami-kami lang kasi yung sabay-sabay kumain at magkakasama sa paglakad papunta sa mga room namin.

May iwinawagayway s’ya na stick ng hotdog na may marshmallow. Tumango lang ako sa kaniya at maya-maya lang ay tumabi na sya ng upo sa amin ni Laisa. Inilapag nya nag isang malaking plato na puno ng pagkain. May kung ano-ano roon na finger food.

“Ano ‘to?” Iniangat ni Laisa ang isang stick ng hotdog na hindi ko mawari kung hotdog bang talaga dahil sa itim na itim na histura? “Uling?”

Napahagalpak kami ng tawa ni Rhea. “Gaga,” sabi ni Rhea na hinampas sa braso si Laisa bago kinuha ang stick ng hotdog at itinapon nya sa gilid. “Nasunog lang ‘yon ni Annika. Nagmamarunong kasing mag-ihaw, e.”

“Sana hinayaan mo na sya na lang mag-ihaw nang matuto ano,” irap ni Laisa.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa na nagsasagutan. Parang kailan lang mga mabubuting bata kaming nag-aaral tuwing klase at may quiz. Ngayon, yung mga lumalabas sa bibig namin ay mga foul word na lalo na kay Laisa. Narinig ko syang minumura si Alexis kahapon dahil sa may pinag-aawayan sila na tungkol lang naman sa upuan. Hay buhay. Na-miss ko silang dalawa ni Rhea.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sumapit ang ika-pito ng gabi at may nagsalita na sa microphone.

“Ehem, ehem.”

“Sino iyon?” tanong ko. Medyo nangangapa pa ako sa mga kaklase ko ngayon dahil sa halos wala talaga akong balita sa kanila. Ngayon ko na lang ulit sila nakita.

“Si Rico ba yun? O si Ryan? Hindi ko alam. Parang si Rico,” sagot ni Rhea na sumubo ng marshmallow na kulay pink. Ginaya ko yung kinuha nyang kulay ng mallows. Paborito ko kasi ang pink.

“Guys, listen!” Sabi nung sa may microphone. “We are about to start our fun game. I suggest everyone to please form a big circle in the shore. Mamaya na ‘yang gitara niyo, Rustom!”

“Yup. Si Rico nga iyan.” Tumayo na si Rhea na pinagpagan ang suot na short. Tumama pa sa mukha ko ang ibang buhangin nang magpagpag siya. Nagreklamo naman si Laisa kaya tatawa-tawang nag-peace sign lang si Rhea. Hinaltak nya ang kamay ko at pilit ng pinapatayo.

“Sandali lang,” ani ko na pinagpagan din ang sarili. Sinulyapan ko ang iba pa naming mga kaklase na kaniya-kaniya na ng pwesto sa buhanginan. Hinila ako nung dalawa sa may malapit sa tubig.

“Baka mabasa tayo riyan, Rhea. Doon na lang tayo, o,” suhestyon ko sa kanila nang pumwesto kami sa malapit sa tubig.

Umiling siya. “Hindi yan, Lia. Ano ka ba?” At dumiresto ng salampak. Katabi nya ngayon yung grupo nina Mitchie, ang muse namin nung high school. Wala namang pakealam na umupo na rin si Laisa na may hawak na baso. Iyon pa rin ata yung inalok nya sa akin kanina.

Napabuntung-hininga ako. “Sige na nga. Sandali lang. Kukunin ko muna jacket ko.”

Lumakad ako pabalik sa pinagkakaupuan ko kanina at niligpit yung balabal na ginamit ko at kinuha yung jacket ko na nasa buhanginan lang din. Muntik na kong matumba nang may ‘di sinasadyang tumama sa akin. Buti na lang at may humawak sa akin pagilid para hindi ako tuluyang tumumba.

“Sorry!” Narinig kong sigaw nung tumatakbong lalaki. Sino yun?

“Bumalik ka nga rito, Hernandez! Kagigil kang, bwiset ka!” Nakita ko ang isa ko pang kaklaseng babae na hinihingal na hinahabol yung tumakbo. Kilala ko sya. Si Angeline Diomagay, class secretary.

“Are you okay?” mahinang tanong nung nakahawak sa braso ko.

Napatingin ako sa kanya at napangiti nang makita kung sino sya. Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa balabal. “Yes. Salamat sa paghawak.”

Tipid na nginitian nya ako at bigla nyang dinama ang noo at leeg ko na syang muntik ko ng ikagulat. Napakunot ang noo nya sa akin. “Mainit ka na naman. Have you taken your medicine?”

Dinama ko rin ang noo ko. “Oo naman. Kaiinom ko lang kanina.”

Hindi natanggal ang kunot ng kaniyang noo. “Just tell me if you are sleepy, okay?” May pinulot sya sa may buhanginan at inabot sa akin. Oh. Yung jacket ko.

Tumango ako at nakangiting tinanggap ang jacket. “Salamat. Paano? Dito na ako.”
Tinanguan nya ako kaya naglakad na ako pabalik sa dalawang kaibigan ko.

Inilibot ko ang sarili sa dalampasigan. Masyado talaga kaming magulo. Sinabi ng bumuo ng isang malaking bilog pero nagkakagulo pa rin kami sa pagsasaayos. May mga naghahabulan pa kasi at may mga kung ano-ano pa ang ginagawa.

Sumigaw na sa mic si Rico Vinsenso, class vice-president namin, pero wala pa ring nakikinig. Yari sila pagbalik nung president namin. Maligalig kasi ang mga kaklase ko. Kung ano sila noon, ganoon pa rin kami ngayon. Mga nag-mature na’t lahat, maligalig pa ring tunay.

Umupo ako sa pwesto nina Rhea na kakwentuhan na sina Mitchie. Sandali nya lang akong tinignan at yung hawak ko at ibinalik na ang atensyon sa kaharap. Si Laisa naman ay busy sa cellphone nya. Kunot na kunot pa ang kaniyang noo. Straight na straight din yung kaniyang likod. Pulis na pulis talaga ang datingan nitong baklang ito. Tinapik ko sya sa balikat na syang naagpaangat ng tingin nya sa akin. “Bakit?”

Ininguso ko ang cellphone nya. “Anong ginagawa mo? Bakit parang inis na inis ka? May ka-text ka ba?”

Sinimangutan nya ako. “Wala. Naiinis lang ako dahil sa may nakita akong hindi maganda sa facebook.”

“Ha?” Wala akong facebook kaya hindi ko alam kung ano yung tinutukoy nya. Mas lalo syang sumimangot sa akin.

“Isa ka pa, e. Ang tagal mong walang facebook. Ilang taon na lumipas. Ano ka? Ala-caveman? Buti nakadalo ka rito?”

Nginitian ko na lang sya. “Ganoon talaga.” Nag-deactivate ako ng mga social media account dahil sa hindi ko gusto ang nangyayari sa mundo ngayon. Kung ano-ano na lang kasing nakikita ko sa facebook account ko kaya tinanggal ko iyon. Tanging Gmail ko na lang nag itinira ko para sa school.

“Hay naku, KJ ka talagang tunay. Paano ka nakatanggap ng invitation?”

“Nakita ko sa school noong dumaan ako,” palusot ko. Hindi naman ako nakatanggap ng invitation. Hindi ko rin alam na may reunion. Sumakto lang ito sa pagbabakasyon namin dito sa Pilipinas.

Mukhang hindi sya naniwala sa akin pero hindi naman na sya nagtanong. Okay na yun. Hindi naman ako magpapaliwanang pa. Inilibot ko muli ang aking paningin.

“So, kamusta na? Hindi tayo nakapagkwentuhan kahapon.”

Napatingin muli ako sa kanya nang magtanong sya. “Okay naman. Still alive and kicking. Ikaw?”

Nagkibit-balikat lang sya. “Okay lang din naman.”

“Congrats sa promotion mo.”

“Sus, maliit na bagay.” Pareho kaming natawa sa sinabi nya. Hindi basta-basta ang promotion nya. Sabi ni Rhea, magaling daw talagang pulis yan si Laisa, e. “Ikaw? Saan ka na nagtuturo? Wala talaga kaming balita sa iyo.”

Natawa na lang ako. “Sa Seattle High School. Doon na kasi ako naka-base.”

“Saan yan?”

“Sa Seattle, Washington.”

“Ay, sosyal. Foreigner ka na pala.”

“Hindi, a,” tawa ko.

“Ano na ngang nangyari sa buhay mo? Wala talaga kaming makuhang info sa iyo. Bakit ka kasi nag-deactivate?”

“Okay lang naman ako. Nabubuhay nang maayos sa ibang bansa. Bakasyon ko lang ngayon kaya ako umuwi rito.” Natatawa ako. Hindi ko kasi masabi kung ano na ba talaga ang buhay ko. I am married. Hindi na lang Aelia Raine Villadolid ang pangalan ko. Okay lang naman ang marriage life. Smooth kumbaga. Hindi ko pa ma-kwento sa kanila dahil sa hindi ko mahanap ang tyempo kung paano ko sasabihin ang real score sa marriage ko.

“Wala ka pa bang boyfriend?”

Napanguso ako. “Wala naman.”

Umirap na naman sya sa akin. “Ano ka? Old maid? Wala ka bang balak mag-asawa? Hindi ka ba gagaya kay Rhea? Ikakasal na yan next month.”

“Oo. Kaya siguraduhin mo, Aelia Raine na makararating ka sa wedding ko kung hindi magtatampo talaga ako. Sinasabi ko sa’yo,” singit ni Rhea na nakaharap na sa amin. Mukhang tapos na silang mag-usap nina Mitchie.

“Padalhan mo ako ng invitation, ha?” Loko ko sa kaniya.

Pinalo nya yung braso ko. “Padalhan, padalhan, ni wala ka ngang facebook, e! Paano kita padadalhan?”

‘Oo na.” Natutuwa ako. Sa aming tatlo pala ako ang unang nag-settle down. Si Laisa na lang. “E, ikaw, Laisa Jane? Kailan ka mag-aasawa?”

Napabungahalit ng tawa si Rhea nang maibuga ni Laisa yung iniinom nya.

“Laisa nga!” reklamo ko nang matalsikan ako.

“Anong klaseng tanong yan? Syempre hindi no!”

“Anong hindi? Hindi ka mag-aasawa? Hala. Matanda ka na, e!”

“Wow. Parang ikaw hindi. 30 pa lang naman ako. Bata pa.”

“Mahihirapan ka ng manganak, Lai,” sabi ni Rhea na nakairap kay Laisa.

Umirap din si Laisa. “Mag-aampon ako.”

Napailing na lang ako. Anak. Kailan kaya ako magkakaroon noon? Tatlong taon na akong kasal at may grounds na kami for divorce if gagawin namin iyon. Hindi na-consummate ang marriage. Yes. Katulad ng sinabi ko, smooth lang ang marriage life ko. We are living in the same roof but with separate bedrooms. Hindi ko na nga mawari kung paano kami nauwi rito. Ako, alam ko sa sarili ko kung anong nararamdaman ko. Ewan ko sa kanya.

Napatingin ako sa kinapupwestuhan nya. Inayos ko ang salamin sa mata at hinanap sya. Nakikipagtawanan sya sa mga kausap niya. Napangiti ako nang mapakla sa isipan. Hindi sya tumatawa ng ganyan kasaya noong kasama ko sya sa bahay. Well, kasal lang naman kami sa papel. Nilinaw nya iyon sa akin noong bago kami nag-ayos ng papeles para sa kasal. Nakatatawang isipin na yung crush ko noong high school ay asawa ko na ngayon. Opo. Crush ko lang sya nung high school hanggang nakapagtapos ako ng kolehiyo.

Nawalan ako ng impormasyon tungkol sa kanya nung lumipat ako ng ibang bansa. Na-base ako sa Vancouver, Canada. Tapos nalipat sa Seattle, Washington kung saan ko sya ulit nakita. Sa tingin ko noon, hindi na lang basta crush ang nararamdaman ko sa kanya. Masyado nang malalim na hirap na hirap akong bumangon. Naging ka-trabaho nya ang bestfriend ko na isang architect. Doon kami nagkaroon ng ugnayan. My bestfriend used to tease me that it was my time to shine. Panayan nya akong niloloko sa kanya. Kinuwento pa nya iyon sa isa pa naming bestfriend na nagta-trabaho sa New York. Ayun. Hindi na ako nakawala sa mga asaran nila.

Ayoko nang ulitin kung paano kami nagsimula bilang mag-asawa. Simple lang ang ginanap na kasal namin. Dumalo ang mga bestfriend ko, parents namin, at ilang mga kakilala sa bansang iyon. After that, back to normal kami. Tumira kami sa isang suburban area. Ayaw kasi nyang sa city kami mamalagi. Kahit naman ako. Gusto ko sa puro puno. Kaya kahit malayo iyon sa pinagtuturuan ko ay okay lang.

Minamahal ko sya nang patago. Oo, inaasikaso ko sya dahil iyon ang responsibilidad na pinanumpaan ko sa harap ng Diyos noong kinasal kami pero parang hindi naman nya ako kailangan. Kaya nya kahit wala ako. Minsan nga nainis na sya sa akin nung inayos ko yung necktie nya.

“I can fix it, Aelia,” he coldly said.

Ang sakit noon. After nyang umalis ay naiyak ako. Hindi ko pala kaya yung ganoong treatment nya. Kinikimkim ko lang lahat ng sakit na idinudulot nya sa akin. Wala naman akong mapag-kwentuhan dahil malayo sa akin ang mga magulang ko. Pati mga bestfriend ko, bihira ko nang makita dahil sa mga trabaho nila. Nasa ibang state sila habang ako ay nasa Seattle lang.

Siguro, ang hindi ko malilimutan ay noong umuwi ako na nandoon na sya sa bahay at galit na galit. Kaharap nya yung laptop nya at may kausap sya sa phone. Ni hindi nya ako tinapunan ng tingin kaya dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis. Nagmamadali akong bumaba para timplahan sya ng kape. Naabutan ko syang palakad-lakad at may kausap pa rin sa phone.

Ngayon ko lang syang nakitang ganyan. Minsan naman kasi naiinis lang sya sa akin dahil sa katangahan ko. Aminado naman akong hindi ako wife material kaya inis sya sa akin. Pinagtimpla ko na sya ng kape at inilapag sa center table katabi ng laptop nya. Patayo na sana ako nang mapatid yung tuhod ko sa center table para maging dahilan ng pagkatapon nung kape sa laptop nya. Napasigaw ako sa init ng pati sa akin ay may natapon.

“Fuck! What did you do, Aelia!” Galit na galit ang boses nya sa akin. Dali-dali nyang kinuha nya nag laptop at sunod-sunod ang mura nya. Napapikit na lang ako sa mga naririnig nya. KInakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung paano kontrolin ang galit nya.

Galit na galit ang mata nya na itinapon nya nag flower vase na nahagip ng kaniyang kamay. Impit na napatili ako nang maramdaman kong tumama iyon sa gilid ko. Ramdam ko ang hapdi ng braso ko nang may tumama roong parte ng vase.

“I’m sorry,” nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya. Hindi ako nakatayo sa pwesto ko. Hindi rin ako makatingin sa gawi nya. Hindi ko na nga namalayan ang minuto. Pag-angat ko ng mukha ay wala na sya sa harapan ko. Nanginginig na inayos ko ang nabasag na vase. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko. Nilabas ko yung malaking backpack ko at naglagay ng ilang mga damit. Naglabas pa ako ng paperbag para sa ilan pang kakilanganin ko. Kumuha ako ng sticky note sa may bedside table at nagsulat. Hilam na hilam sa luha ang aking mga mata na pati salamin ko ay nanlabo na. Kinailangan ko pa ng ilang minuto para kalmahin ang sarili ko. Hindi pwedeng lumabas ako na wasted ang histura ko. Magtataka ang mga tao. Ayokong maging sentro ng usapan.

Pinakiramdaman ko ang bahay. Nang masiguro kong hindi ko sya makasasalubong ay bumaba na ako. Naayos ko naman na yung center table kaya okay na. Tinapunan ko ng tingin ang laptop nya na basang-basa na nasa may sofa lang nakalagay. Iniwan nya marahil sa sobrang galit.

Naglakad ako pa-kusina. Idinikit ko ang sticky sa ref. Mababasa naman nya siguro ito.

I’ll be going out for a while. Mag-i-stay ako sa isang inn. Tawagan mo ako kapag hindi na mainit ang ulo mo. Pasensya na sa laptop. Sorry talaga. – Aelia

Nag-stay ako sa isang inn na malapit sa pinagtuturuan ko. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako matawagan ng kahit sino. Wala ako sa huwisyo para kumausap ng ibang tao. Tinigilan ko ang pag-iyak. Kahit ilang balde naman ang iluha ko ay ganito na talaga nag mararanasan ko. Nakaiiyak lang. Mahirap magmahal ng taong nabubuhay sa pagmamahal sa tunay nyang mahal. Mahirap kompetensyahin ang taong mahal nya. Mahal nya iyon. Wala akong laban kaya bahala na.

Nilulong ko ang sarili sa pagtuturo. Wala akong pinagsabihan kahit na bigat na bigat na ako sa mga damdaming naipon sa puso at isip ko. Dahil doon, nag-breakdown ako. I forgot to breathe. Buti na lang at nagdala ng pagkain yung may-ari nung inn sa kwarto ko kaya nakita nya yung nangyari sa’kin. Laking pasalamat ko rin dahil sa inn ako nawalan ng malay at hindi sa school na baka pinagkaguluhan na ako ng mga estudyante ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa loob na ako ng isang hospital. May nakakabit na dextrose sa akin at nakasuot pati na oxygen mask.

“Thank, God. You’re awake, Lia.”

I squinted my eyes to the doctor beside me. Nakangiting mukha ng bestfriend ko ang nakita ko. Anong ginagawa nya rito? Nasa New York sya, e. Kinuwentuhan lang nya ako hanggang sa hinatak na naman ako ng antok. Sa muling pagmulat ko ng aking mga mata ay ang gwapong mukha na nya ang nakita ko.

“Hey,” marahang banggit nya. Hawak-hawak nya ang kamay ko. Bakit sya nandito? Anong nangyari na sa akin at saka… saka… anong nangyari sa mukha nya? Namamaga ang isa nyang pisngi at mata, pati na yung gilid ng labi nya ay putok. Mukhang may namuo ng dugo roon.

Gusto kong magtanong pero pinigilan nya ako. Magpahinga na lang daw muna ako. After a day, lumabas na ako ng ospital. Tatlong araw akong nanatili roon kaya feeling ko hinang-hina ako. I don’t like hospital. It made me sick.

He talked to me. We had a talk. Ilang beses syang nag-sorry sa nagawa nya. Nginitian ko lang naman sya. Right at that moment, we made a deal. We’ll work this marriage. Simula noon ay naging extra careful na sya sa kin. Hindi ko alam pero mas lalo akong nahulog sa kanya. Posible ba iyon? Na mahulog ka ng ilang beses sa iisang tao?

Umuwi kami ng Pilipinas para mag-bakasyon. Nakatanggap sya ng message dahil pinadala ni Jake Amorsollo, kaibigan nyang matalik at dati naming kaklase. May reunion daw ang klase naming noong year high school. Tinanong nya ako kung pupunta kami. Tumango lang naman ako.

Bago ang reunion namin ay mas napatunayan kong mahal pa rin nya talaga yung ex-girlfriend nya na dati rin naming kaklase. Narinig ko sya habang kausap nya yung kaibigan nya sa Skype. Nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Nagkulong ako sa kwarto. Paggising ko ay nasa isang ospital na naman ako.

“You are forgetting to breathe, Lia.” Marahang haplos sa ulo ko ang nagpagising sa akin. Again, I forgot to breathe. Posible rin pala na makalimutan kong huminga. Hindi ako nagsabi sa kanya nung tinanong nya kung may problema ba ako o ano. Hindi ko kayang magsabi. Sa tagal ng panahon, nasanay ako na walang pinagkukwentuhan ng kahit na ano.

Dumating ang araw ng reunion namin. Nagkasakit pa ako. Lately, nagiging sakitin ako. Panay ang lagnat ko. Pina-check up na ako nina mama. Okay lang naman daw ako. Pero nag-aalala sila sa akin. Minsan nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakita ko na gising pa sya at nakatingin lang sa akin. Nagtanong ako kung bakit gising pa sya pero nginitian nya lang ako at niyakap. He’s sweet. Kinikilig ang mga kaibigan ko rito sa bansa dahil sa kanya. Alam na nila na kasal ako. Nasabi na rin kasi nina mama noon. Ngayon lang kasi nila nakita ng personal ang sinasabi nilang asawa ko kaya kung kiligin sila ay parang wala ng bukas.

Napabalik ako sa reyalidad nang masiko ako ni Rhea dahil sa umayos sya ng upo.

“Ay, sorry, Lia.”

Tumango lang ako at umayos na rin ng upo. Nagsisimula na pala ang game namin. Kinausap ko si Rhea about doon. Hindi ko narinig ang mechanics, e. May bote sa gitna at ii-spin iyon. Kung kanino tumapat ang nguso ng bote ay tatayo ang taong iyon at bubunot sa dalawang box na nakahanda. Truth at Dare yung nakalagay sa dalawang box. Pipili ka lang kung anong gagawin mo. Iaabot mo yung nabunot mong papel kay Rico na syang may hawak ng mic. Hanggang dalawang beses kang pwedeng maturo.

“Remember kahapon pinasulat tayo nina Yanna sa isang maliit na papel, di ba? Iyon pala yung mga nasa loob ng box na iyan. Anong sinulat mo? Truth yung akin kaya nag nilagay ko ay simple lang. Ipakilala mo ang sarili mo ngayon,” sabi ni Rhea.

Ah. Kaya pala binigyan kami ng papel. Ano nga bang sinulat ko roon? Dare iyong nakuha ko, e.

Kiss the cheeks the one who got most of your attention in this reunion.

Iyon ang nilagay ko sa papel. Sino kayang makabubunot noon? Parang kinakabahan naman ako.

Si Annika na ang nakatayo at bumunot ng papel. Inilapit nya iyon kay Rico.

“Dance with your ex.”

Naulan ng tuksuhan si Annika at si Jake.

“Naging si Annika nga pala at Jake, di ba?” Wala sa sarili na tanong ko.

Sumagot si Laisa. “Yup. Nong third year tayo hanggang maka-graduate ng high school alam ko sila, e.”

“Alam ko naghiwalay sila nung pa-graduate na tayo ng college, e. May boyfriend na ba si Annika?” Maganda kasi si Annika. Modelo nga iyan at isang fashion designer, e.

“Ano ka ba. Lia? Kasal na si Jake kay Myrtle. Last two years pa. Si Annika naman ay kung magpalit ng boyfriend akala mo naman parang nagbibihis lang ng damit. Walang stable relationship iyan.”

“Oh,” tanging nasambit ko. Hindi ko alam, e.

“Buksan mo na kasi facebook mo ng maging tao ka naman,” irap nya sa akin. Kagigil ‘tong kilay ng babaeng ‘to.

“Hala. Tignan mo yung mukha ni Myrtle, o,” natatawang itinuro ni Rhea si Myrtle na katabi lang pala ni Mitchie. Sinaway sya ni Mitchie.

Tinignan ko si Jake na katabi pala niya. Hindi ko alam kung tama ba yung nakikita ng mga mata ko pero mukhang gulat na gulat yung mga mata niya. Hindi na rin sya mapakali. Bakit?

Tumawa si Annika at hinanap si Jake. Sya lang naman ang ex ni Annika rito kaya sya lang yung sasayawan. Tumingin muna sya kay Myrtle at kumindat. Tumawa lang si Myrtle at nag-go sign kay Annika. Okay lang sa kanya iyon? Nagulat din si Mitchie sa inasal ng kaibigan nya kaya nagtanong sya.

“Annika and I are friends, Mitch. If it weren’t for her, baka hindi naging kami ni Jake. Kaya okay lang,” nakangiti nyang turan.

“Cool,” bulong ni Laisa. “Kung ako yan baka nabaril ko na si Jake.”

Tinignan ko sya. “Ang bayolente mo naman.”

“Ganoon talaga.”

“Di ba, naging si Angeline at Ryan? Naghiwalay na ba yang dalawang ‘yan?” Tanong naman ni Rhea.

“Hindi ko alam yan,” ani ko. Wala naman na talaga kasi akong balita sa kanila. Sinamaan ako ng tingin ng mga kaibigan ko.

“Bwiset ka talaga, Lia. Tignan mo, hindi mo alam mga nangyari sa mga taong ‘to?” Turo nila sa mga kaklase namin. Tumawa lang ako. Bakit ko pa iintindihain ang ibang tao kung mismo yung buhay ko ay hindi ko maayos-ayos noon, di ba?

“Sina Rustom at Jaica may baby na. Dalawa na nga ang anak nila, e. Kinasal sila six years ago. Si Rico may asawa na rin. Kakakasal lang nya last year sa long-time girlfriend nya noong college. Etong si Mitchie, kasal na rin. Kilala mo si Richard Morales?”

“Nope.”

Inirapan nya ako. Pinalo ako ni Laisa sa braso. “Artista yun, bes. Don’t tell me hindi ka nanonood ng t.v?”

Umiling ako. Panay irap ang naani ko sa dalawang ito. Grabe naman. Sa hindi ko talaga alam, e.

Kinuwentuhan nila ako nang kinuwentuhan about sa mga achievement ng mga kaklase namin. Okay naman na pala mga buhay namin. Stable na kami lahat. May kaklase kaming artista pala hindi ko alam. Kaya pala pinagkaguluhan siya kahapon. Tapos mga mga doctor, engineer (katulad niya at ni Jake), at mga guro na tulad ko at ni Rhea. Karamihan sa kanila ay mga guro. Isang lalaki lang daw sa amin ang nagtuloy bilang guro. The rest ay iba-iba na ang course.

Napahikab ako sa antok. Pumipikit-pikit na rin ang mga mata ko pero feeling ko ang taas pa ng energy ko. Panay ang asar sa akin nina Laisa na wala raw akong kwentang kausap dahil gain lang ako nang gain samantalang wala silang alam tungkol sa akin.

Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa jacket. May nag-message.

Sleepy?

Napatingin ako sa kanya na hawak-hawak ang cellphone habang kinakausap ni Justine na katabi nya. Nag-reply ako.

Nope.

Napatingin sya sa akin at muling tumipa sa phone.

Liar. Wanna go sleep? It’s past ten.

Umiling ako at muling nag-type sa phone ko.

It’s okay. My roommates are still up for the game and besides hindi pa nga naiikutan lahat.

Are you sure?

Yes.

Okay. Just text me.

Okay.

Ibinaba ko ang phone nang biglang dumungaw si Laisa sa akin. “Sinong ka-text mo?”

Ngumuso ako at itinago ang phone. Tsismosa. “Wala.”

“Weh?”

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Naagaw nag atensyon ko nang biglang nagsigawan ang mga kalalakihan at tumili yung ibang girls.

“Anyare?” Tanong namin ni Laisa.

“Si Yanna na yung bubunot,” sagot ni Rhea. “’Di ba, naging si Yanna at Dylan? First love ‘ata ni Dylan si Yanna, e.”

Nanigas ako sa kinuupuan ko. Yes. Naging sina Yanna at Dylan. Bakit nakalimutan ko ngayon? E, lagi namang laman ng isip ko ‘yan before.

“First love nya ba?” paniniguro ni Laisa na nakatingin na kina Yanna.

“Oo. Bongga manorpresa yang si Dylan, e. Tanda niyo pa ba noon? Binigyan nya ng gifts si Yanna sa lawn, sa harap ng maraming tao. Kinantahan nya pa.”

Nanikip ang dibdib ko sa alalang iyon. Bakit naman ganito ang nararamdaman ko? Past is past. Pero yung thought na mahal talaga ni Dylan si Yanna ay nagpapabagabag sa akin. Bakit ganito?

“Ay, oo,” sagot ni Laisa.

Hindi nila alam na naging crush ko si Dylan noon. Wala talaga akong pinagsabihan kahit na isa. Siguro kung counted yung diary ko, may isa na akong bilang.

“Sing with your ex, Yanna.”

Rinig na rinig ko yung sigawan at tuksuhan nila. Itinutulak na nina Justine si Dylan palapit kay Yanna. Tumatawa lang naman ang huli at kinuha ang mic kay Rico.

Napakagat-labi ako. Maganda si Yanna. Katulad ko ay isa rin syang guro. Siya. Siya yung babaeng mahal ng taong mahal ko. Ang saklap naman. Anong laban ko sa ganyang kaganda at kabuting nilalang?

“Go, Dylan! Sing with Yanna!” Halakhak ng mga ka-barkada ni Dylan.

Dylan Matteo Gonzales. He’s my crush. He’s my estranged husband.

Naitayo na nila si Dylan na naiiling. Nalaglag nya ang phone nya na hindi nya napansin dahil sa inalis nya yung mga kamay nung mga nagtayo sa kanya. Kinuha ni Jake yung phone nya at hinawakan lang. Inabutan ni Ryan ng mic si Dylan. Napuno naman ng tuksuhan ang lahat. Why not? Dylan was our class escort. Siya ang pinanlalaban ng aming klase sa mga paligsahan.

“I saw a post from Dylan’s facebook. Alam ko nasa Seattle na sya at doon na nakatira.” Narinig kong imporma ni Mitchie kay Myrtle. Napatingin ako sa kanila. Ganoon din ang dalawa pa na mahilig sa tsismis.

“Yes. He is in Seattle. Jake has been contacting him ever since. Bestfriend sila, e.”

“So, alam ba ni Jake kung anong meron kay Dylan? Napakadalang nyang mag-post. Yung profile picture nya ay ilang taon na nyang gamit. Kung hindi ko nga nakita yung post nya about sa Seattle ay hindi ko malalaman na nandoon sya. Napakalihim talaga ng taong yan.”

“Sinabi mo pa. Narinig ko nga sila minsan ni Jake na magkausap sa Skype na pinag-uusapan si Yanna. Ewan ko lang, ha? Baka hindi pa nakamo-move on si Dylan sa break-up nila ni Yanna. They’ve been for six years tapos nag-break lang?”

“Really? So first love nya talaga si Yanna Aragon?” Sabad ni Rhea.

Hindi ko naman alam kung anong ire-react ko. Si Laisa ay tahimik lang na nakamasid sa… akin? Napakunot and noo ko sa paraan ng pagtitig nya.

“Bakit?”

“Wala lang,” iling nya. Tapos ngumuso sya. “Ang mysterious mo rin kasi like Dylan. Sa lahat ng nandito, kayo lang dalawa yung walang koneksyon sa social media accounts. Though may account si Dylan, napakadalang naman nya gamitin. Tapos sabi ni Mitchie nasa Seattle sya. Parang ikaw lang. Nasa Seattle rin…”

Kinabahan naman ako bigla. Alam na ba ni Laisa?

“Nakaku-curious kaya. Tapos kahapon nakita ko kayong magkausap saka kanina nung kinuha mo yung jacket mo. Hinawakan ka pa nya sa leeg. Tell me, Lia,” aniya na tumingin sa mga mata ko. Oh my God. Pinagaganahan ata ako ng pagiging pulis ng babaitang ito. “Nagkikita ba kayo sa Seattle?”

Hindi ako nakasagot agad nang umugong na naman ang asaran sa mga nakatayo sa gitna. Huminga ako nang malalim at yumuko na lang. Hindi ko sila kayang makita; the love of my life singing with the love of his life. It’s an ouch.

Iniangat ko na ulit ang paningin ko sa kanila at ngumiti. On the second thought, bakit ako magpapaapekto sa kanila? Okay lang yan, Lia. Kinaya mo nga yung cold treatment nya, e.

Kinanta nila yung Tuloy Pa rin ng Neocolors. Ang ganda ng version nila gamit ang gitara nina Ryan. Sumisipol pa yung mga kaibigan nila habang mataman namang nakatingin si Jake. Tinitigan ko sya. May alam ba sya tungkol sa amin ng bestfriend nya? Wala sya noong kasal namin so ibig bang sabihin ay hindi sya sinabihan ni Dylan?

“Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Magbago man ang higis ng puso mo
Handa na kong hamunin ang aking mundo
Basta’t tuloy pa rin…”

Hindi ko alam pero parang napakahaba ng kinanta nila. Ang sakit sa dibdib. Dinaan ko na lang sa pagtawa ang lahat nang may sinabi si Rhea na nakapagpatawa rin naman sa mga katabi namin. Tama. Hindi ko pwedeng dibdibin ang sitwasyon ngayon. Baka mamaya makalimutan ko na namang huminga. Naging sakit ko na nga yata iyon. Iyong makalimot huminga. Nakatatawa lang. Sinabihan ako ni Martin, yung bestfriend kong doctor, na mag-ingat ako dahil kahit sa pagtulog ay pwedeng makalimutan kong huminga. Mahirap na raw.

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang hawak ni Laisa sa kamay kong nakahawak nang mahigpit sa aking jacket. Nanlaki ang mga mata nyang kinapa ang leeg ko.

“Ang init mo, Aelia!”

Napatingin sa amin si Rhea. Kinapa rin nya and noo ko. “Hala! Ang init mo nga, Lia. May lagnat ka.”

Tinanggal ko ang mga kamay nila sa akin at tumawa. “Lagnat lang ‘to. Kaya ko naman. Uminom na ako ng gamot kanina kaya mamaya lang ay wala na ito.”

“You don’t look fine though,” giit ni Laisa na dinama ang aking leeg. Umiling-iling sya ng inabutan nya ako ng tubig. Kinuha ko naman iyon at uminom. Tuyot pala ang aking lalamunan. Ngayon ko lang napansin.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nakita ko na lang na si Dylan na ang nakatayo at hinihintay ang banggit ni Rico sa dare na kinuha nya.

“Kiss the one who got most of your attention in this reunion, Dylan.” Wait. Iyon yung sinulat ko kahapon! Bakit siya ang nakakuha?

Napuno na naman ng ingay ang buong circle namin. Hindi ko na nakuhang ngumiti. Feeling ko sasabog na ako sa naiipong damdamin ko. Hindi ko alam pero parang… nagseselos ako. Magkatabi na kasing umupo si Dylan at Yanna na panay ang pag-uusap. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko pero naninikip ang aking dibdib. Ilang beses na akong humugot ng hangin para mawala iyon. Ilang beses na rin akong tinanong ng mga kasama ko kung okay lang ako. Panay lang naman ang tango ko sa kanila.

“Syempre si Yanna na yan.” Rinig ko na namang sabi ni Myrtle na ngiting-ngiti.

“Paano ka nakasisiguro? Ang gaganda kaya natin!” natatawang sambit ng isa pa naming kaklase.

Inaasahan na ng marami na hindi na lalayo si Dylan dahil malapit na sya kay Yanna pero napasinghap ang mga kaibigan ko maging ang iba pa nang magsimula syang umikot.

Inulan sya ng tukso mula sa kalalakihan na panay na ang tawanan. Hinagisan pa sya ng buhangin ni Ryan.

“Go, Dylan! Si Yanna na yan!”

Sinundan ko ang bawat lakad nya. Nanatiling sa mga paa nya ako nakatutok kaya ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang huminto iyon sa tapat ko. Rinig na rinig ko ang usapan ng mga kaklase namin.

“She’s Aelia Villadolid, right?”

“Oh my, God.”

“Lia…”

Lilingon sana ako sa kaibigan ko kaso nag-squat na sa harap ko si Dylan na nakangisi. Oh my, God. Please, lupa, lamunin mo na ako ngayon na. Anong ginagawa ni Dylan? Balak na ba nyang ipaalam ang sitwasyon namin sa iba?

“A-anong–” Hindi ko na natapos ang tanong ko ng walang ano-ano ay dumukwang sya para halikan ako… sa pisngi. Nag-init ang buong mukha ko lalo na nang marinig ko ang buong sigawan ng aming mga kaklase.

Napa-oh my God ang katabi kong si Rhea na kilig na kilig.

“Hi, Miss. Ang init mo po,” ani Dylan na nakasingkit na ang mga mata sa akin.

Napakurap-kurap ako at umiling sa kanya. Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nya. Panay pa rin ang kantyawan ng mga kaibigan nya.

Kung hindi pa sya dinaganan ng mga kaibigan nya ay hindi sya aalis sa harapan ko. Dama ko ang ragasa ng kung ano sa puso ko. Kinikilig ako.

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tili ni Rhea pagkapasok pa lang namin sa kwartong nakahanda para sa amin. Maraming kwarto ang beach house nina Alexis. Kasya nga kami lahat, e. Kaniya-kaniya na kami ng kwartong pinagtulugan. Sa case ko, kasama ko yung dalawa.

“Rhea!” Reklamo ko sa kanya nang tumili na naman sya. Hindi sya maka-move on sa nangyari kanina. Si Laisa naman ay titig na titig sa akin kapag hindi sya nakatutok sa cellphone nya. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at umupo sa kama. Malaki yung kama. Sa sobrang laki nga ay kasyang-kasya kaming tatlo. Sobra-sobra pa.

Ala-una na ng madaling araw. Hindi na namin natapos ang laro dahil sa nagkaantukan na. Sobrang saya naman daw ng game namin kaya tama na raw muna. Nanginginig na nga ako sa lamig kaya buti na lang nasa loob na ako ng kwarto. Niyakap ko ang aking sarili at kinuha ng tumbler ko sa may bedside table. Wala ng laman. Kailangan ko pa man din ng tubig. Napabuntung-hininga ako at kinuha ang cellphone. May text pala roon.

Good night, Aelia. Please drink your medicine.

Napangiti ako. Nag-text si Dylan. Hindi na muna ako nag-reply dahil sa uhaw. Nagpaalam ako na kukuha lang ako ng tubig sa baba kaya lumabas na ako ng kwarto. Wala ng tao sa hallway. Tahimik na rin ang malaking sala nang bumaba ako. Wala na ngang ilaw, e. Kaya yung cellphone ko ang tanging gamit ko sa pagbaba. Malabo pa naman ang mga mata ko. Baka madapa ako. Dahan-dahan ang lakad ko pa-kusina. Kaso nahinto ako dahil sa may tao ata sa loob.

“I miss you, Dylan.”

Napahigpit ang hawak ko sa tumbler. Pinatay ko ang ilaw ng cp at sumilip sa kusina. May ilaw pa roon at kitang-kita ko ang dalawang bulto ng katawan. Nakatagilid sila sa akin. It’s Yanna and… Dylan.

“I miss you too, Yanna. It’s been a while since we last saw each other.’

Tumawa si Yanna. “Yes. Sa Phoenix pa ata iyon. Kung wala lang akong seminar doon baka wala akong balita sa’yo. I badly miss you.”

Tumawa rin si Dylan. Napahigpit lalo ang hawak ko sa tumbler.

“I miss you more.”

‘I still love you, Dylan.”

Nagtago ako. Baka makita nila ako. Nang muli kong ibalik ang paningin sa loob ng kusina ya ganoon na lang nag panlalaki ng aking mga mata. Hinahalikan ni Dylan si Yanna. Ouch.

Mabilis ang mga kilos na lumakad ako pabalik sa kawarto namin. Pinigilan ko ang pag-iyak pero nanginginig ang kalamnan ko. Ilang beses akong humugot ng hininga para makalma ang aking sarili. Pumasok na ako sa kwarto. Nakahiga na yung dalawa at parehong napatingin sa akin. Ngumiti ako at nilapag ang tumbler sa pinagkuhanan ko kanina. Tumabi na ako ng higa sa kanila. Pinatay naman na ni Laisa ang ilaw sa may tabi nya. Dumilim ang paligid. Saka lang umalpas ang luha ko. Mabilis ang ginawa kong pagpahid doon at humarap ng higa kay Rhea na nagse-cellphone pa. Kinalabit ko sya.

“Matulog ka na.”

“Wait lang. Ka-text ko pa si Homer, e.”

Naiiling na pumikit ako. Pinilit kong matulog kahit laging pumapasok sa isipan ko yung scene sa kusina. Isang malalim na hininga ang ginawa ko bago ako tuluyang nakatulog.

Nagising ako na may oxygen mask na sa aking bibig. Agad na iginala ko ang paningin. Nasa hospital na naman ba ako? Don’t tell me, nakalimutan ko na namang huminga?

“Oh my, God. Gising na si Aelia, Laisa!” Rinig kong sambit ni Rhea. Maya-maya ay nakita ko na dinungaw na nila ako. Napapikit ako. Tinanggal ko ang oxygen mask sa bibig ko. Tinulungan naman ako ni Rhea na tanggalin iyon. Puno ng pag-aalala na tinignan nya ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga. “A-anong nangyari? Nakalimutan ko na naman bang huminga?” Nagawa kong i-biro. Hinampas ako ni Laisa na katulad ni Rhea ay nag-aalala. “Siraulo ka. Hindi ka man lang sa amin nagsasabi na may sleep apnea ka pala. Kung hindi ako bumangon kanina para uminom ng tubig, hindi ko malalaman na hindi ka na pala humihinga! Kung hindi ko napansin yun, baka pinaglalamayan ka na naming ngayon!” Inis na sigaw nya sa akin. Katulad ni Rhea, mapula ang kaniyang mga mata. Umiyak ba sila?

Napangiti naman ako. “Pasensya na.”

“Grabe kaming nag-alala sa iyo, Lia.” Hinawakan ni Rhea ang kamay ko at sumampa sa kama. Ganoon din ang ginawa ni Laisa. “Alam mo bang nagising ‘ata namin lahat ng kaklase natin dahil sa tili ni Laisa. Nagising na lang ako na niyuyugyog ka nya tapos nagtatatakbo sya palabas. Habang pinipilit kitang gisingin kasi hindi ka talaga humihinga! Oh my, God! Feeling ko na-trauma ako sa’yo, bwiset ka!” naiiyak nyang kwento sa akin.

Hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay nya. “Sorry.”

“Sorry, sorry ka dyan. Nakaiinis ka. Nagising ko talaga silang lahat. Takang-taka nga sa akin sina Alexis kasi umiiyak na talaga ako. Yung kaibigan ko hindi humihinga! Alam mo bang nagmamadaling bumalik sa room nya si Dylan at agad lumabas na may dala ng oxygen mask? Grabe. Hindi ko alam na boyscout pala sya. Walang sabi-sabing nagsipasukan sila rito tapos nilagay ni Dylan yung mask sa bibig mo. Parang alam na alam nya yung gagawin kahit hindi naman sya doctor. At gusto kong malaman mo na naiinis kami ni Rhea sa iyo.”

Napakunot ang noo ko. “Bakit?” Tapos napalunok ako sa histura ng tingin nila sa akin. Teka… ang sabi ni Laisa si Dylan may dalang oxygen mask? Oh my… Alam na ba nila? P-paano?

“Bukod sa may sleep apnea ka pala na hindi mo man lang sinabi sa amin, kasal ka na. Mas kinabigla pa namin na kay Dylan Gonzales pa! Bwiset ka! Sumakit ang balakang ko dahil sa gulat sa nalaman!” ani Rhea na masamang-masama nag tingin sa akin.

Nahugot ko ang aking hininga. Alam na nga nila. “P-paano niyo n-nalaman?”

“Sinabi ni Jake.”

“What?” Nagulat ako. So, alam na nga ni Jake?

“Akala ko nagloloko lang si Jake nung bigla nya yung sinabi. Grabe ka kasi tignan ni Dylan kanina. Alalang-alala sya sa’yo. Ang tagal bumalik ng paghinga mo. Buti na lang at nakahinga ka ulit. Tapos ayun nga. Hindi man lang kumontra si Dylan nang sabihin iyon ni Jake. And then, Dylan requested to watch you while you are sleeping. Baka kalimutan mo na naman daw huminga. Habit mo na ba yun, Aelia Raine?”

Tinignan ko si Rhea habang nagsasalita. Totoo ba? Did Dylan let them know na kasal na kami. But why? He requested to keep this marriage secret to everyone. Why the sudden change?

“Nakaiinis ka talaga, Aelia. Hindi mo man lang kami pinagkatiwalaan ng sekreto mo. Isa kang taksil sa samahan!” sumbat ni Laisa na nakasimangot sa akin.

Napangiti ako. “Pasensya na talaga, guys. Nasanay lang ako na wala akong pinagsasabihan ng kahit na ano.”

“Kahit na. Parang hindi mo kami kaibigan.”

“Sorry na talaga, Rhea.”

Umiling sya sa akin at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Laisa na naaasiwa pa noong una pero hinatak ko sya kaya magkakayakap na kami ngayon. Na-miss ko talaga sila.

“Don’t scare us like that again, Lia. Na-trauma si Rhea sa’yo. Ayaw ng matulog.”

Tumawa na lang ako. Maya-maya ay nag-aya na si Rhea na kumain. Hindi pa raw sila nag-aalmusal. Pasado alas-diez na pero hindi pa sila kumakain. Hinintay raw talaga nila akong gumising.

“Sweet,” puri ko habang pinatutuyo ang buhok.

“Hinintay ka rin gumising ni Dylan kanina. Actually, kalalabas lang nya kaninang 9. Kung hindi pa sya binalikan ni Jake rito para tawaging kumain, hindi ka nya ata iiwan. Tinakot mo yung tao.”

Namula ang mukha ko sa sinabi ni Laisa. “S-sino pa ang nakaaalam?”

“Rhea, Alexis, and I.”

Nakahinga ako nang maluwag nang malamang tatlo lang sila. Okay lang naman yun dahil hindi naman pala-kwento ang mga kaibigan ko. Ewan ko lang kay Alexis.

Palabas na kami ng hallway nang magtanong ulit ako. Napansin ko kasi na napakatahimik ng bahay. “Nasaan yung iba?”

“Nag-a-island hopping na. Sina Yanna na nga lang ata ang natira dahil hinihintay nila si Myrtle na ginigising pa lang ni Jake. Napuyat yun dahil nga kanina.”

Napangiwi ako. Ang dami ko palang naabala. Nakababa na kami sa hagdan na kahoy. Nasa may sala nga sina Yanna, Mitchie, at Angeline na nanonood ng T.V habang nagku-kwentuhan. Napatingin sila sa amin.

“Oh, Aelia! Okay ka na ba?” Agad akong nilapitan ni Mitchie at hinawakan sa noo. “Grabe ang takot ko kanina sa’yo. Hindi ka kasi humihinga. Paano mo nagagawang matulog na hindi iniisip na baka makalimutan mong huminga?”

“Ha?” Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

“Lia, okay ka na bata talaga?”

Napatingin ako kay Yanna nang magtanong sya. Biglang nag-flash sa isip ko yung nangyari sa kusina kaninang madaling-araw. Now, I’m confused. Nag-aalala raw si Dylan sa akin kanina pero may kahalikan sya kanina lang.

“Yup. Thank you sa concern.”

“No biggies. Just don’t scare us again like that. Parang ayoko na tuloy matulog.”

Ngumiti ako kay Angeline na binigyan ako ng malaking ngiti. Hinatak na ako ni Laisa pa-kusina.

“Nagugutom na ako, Lia. Kain muna tayo.”

Tumango naman na ako at dumiretso na kami sa kusina. Nasa loob sina Ryan at Alexis na nagtatawanan. Napatingin sila sa amin.

“Good morning, angels!” masiglang bati ni Alex na may hawak na kutsara at bote ng Nutella. Naalala ko na alam na nga rin pala niya.

“G-good morning, too,” alanganing bati ko dahil hindi bumati sina Laisa. Kumuha sila ng plato at pagkain ni Rhea. Alanganin din ang ngiting binigay ko sa dalawang lalaki na nakatingin lang sa akin.

“Are you really okay? Kaya mo nang huminga?” biro ni Alex na in-offer ang isang upuan sa akin. Nagpasalamat ako at ngumiti.

Tumawa ako at tumango. Si Ryan naman ay nakangusong nakatingin sa akin. Tinititigan nya ako. Tinitigan ko rin sya. “Bakit, Ryan?”

Mas lalong humaba ang nguso niya. “I’m curious.”

“Ha?” Natawa ulit ako.

“Bakit ka naman curious, pare?” tanong din ni Alex.

“Paano mo napag-alala ng ganoon katindi si Dylan? Hindi naman kasi basta-basta nag-aalala yung bugok na yun unless may something. Is there something to say?”

Natigilan ako. Hindi agad ako nakahanap ng sasabihin. Si Alex ang unang nagsalita. “Bakit? Hindi ka rin ba nag-aalala? Mahirap kaya ang hindi makahinga! Kahit doctor ako, pinangunahan pa rin ako ng kaba dahil kilala ko si Lia.”

“Hindi, e. May something off talaga.” Umiling sya at tinitigan ako nang maigi.

Hindi ko naman alam na ang gagawin. May naglapag ng plato sa harap ko.

“Let’s eat, guys!” sabi ni Rhea na nakangiti lang. “Nagutom talaga ako.”

Umupo sila sa tabi ko. Nakatitig pa rin sa akin si Ryan. Parang ine-eksamin ako na ewan. Baka makahalata sya.

“Quit staring, Hernandez.”

Lahat kami ay napatingin sa bagong pasok.

“Hey, Dyl!” bati ni Alex na tumayo at sinalubong si Dylan na nakakunot ang noo kay Ryan. Pabalik-balik naman ang tingin ni Ryan sa aming dalawa. Yumuko na ako at inabala ang sarili sa pagkain. Ramdam ko pa rin ang titig ni Ryan.

“One more time and I’ll punch you, man.”

Napatingin na naman ako kay Dylan na masama ang tingin kay Ryan na biglang tumawa. “Oh. Sorry, my bad. Naku-curious lang kasi ako, Dylan. What’s with the two of you?”

“And what’s with your curiousity, dickhead?” Angas ni Laisa.

Sumimangot si Ryan at tumayo. “Ang pangit mo talaga, Laisa, kahit kailan. Kainis.” Tumayo sya at lumabas ng kusina. Napatingin ako kay Laisa na bumalik sa pagkain. Parang wala lang sa kanya na sinabihan syang pangit.

“Tinawag ka nyang pangit, Laisa,” bulong ko.

Nagkibit-balikat lang sya. “Hayaan mo yang Hernandez na iyan. Dickhead naman sya, e.”

Tumawa sina Rhea at Laisa habang mataman lang na nakatingin si Alex sa kaniya. May naglapag ng baso ng tubig sa harapan ko. Saka mga tablet ng gamot. Napaangat ako ng tingin.

“Eat. You scared me again, Lia.” Malamig ang boses nya. Minsan natanong ko sya kung bakit hindi na lang sya naging DJ. Pang-radio kasi ang boses nya. Tinawanan lang nya ako nung tinanong ko iyon. He likes building daw kaya iyon ang pinursue nya.

“Oh.” Narinig ko si Laisa.

“Extra lang ba tayo rito? Can we go alis na?” mahinang sambit ni Rhea pero rinig na rinig ko naman. Namula ang pisngi ko.

Itinuro ni Dylan ang pagkain sa akin. Umubo si Alex. Napatingin ako sa kanya. “Ha?”

“Don’t mind them, Aelia Raine. Kumain ka na. Kagabi ka pa walang kinain. Please, eat, okay?” ani naman ni Dylan.

Sinunod ko naman ang gusto nya. Mabagal ang pagkain ko. Nagku-kwentuhan lang sila. Si Dylan naman ay nakaantabay sa akin. Wala syang pakialam kahit alam na ng iba yung secret namin basta tinititigan nya ako.

“Dylan?”

Napatingin kaming lahat, pwera kay Dylan syempre, sa tumawag. It’s Jake. Natigilan sya nung makita kami.

“Oh. Hi.” Nakasunod sa kanya si Myrtle na bagong-ligo na. Nang makita nya ako ay agad nyang kinamusta ang kalagayan ko. Tumango lang ako nang tumango. Tuloy-tuloy ang kwento nya. Kung hindi lang sya inawat ni Jake ay hindi nya mapapansin na nakatingin na kami sa kanya.

“Ay, sorry. Nag-alala lang talaga ako.” Umupo na sya sa tabi ni Dylan. Umupo rin sa tabi niya si Jake. Nakamata lang sya sa asawa nya na busy na sa pagkain.

“Eat.”

Napatalon ako sa gulat nang sabihin iyon ni Dylan. Ngumuso sya sa akin at umirap.

“Ha?”

Tawa nina Rhea at Alex ang nagpabaling sa atensyon ko sa kanila.

“Kumain ka na kasi. Ang bagal, e,” ingos ni Rhea.

Tumango na lang ako at tinapos na ang pagkain. Ininom ko na rin ang mga gamot na binigay sa akin ni Dylan. Nang matapos na akong kumain ay saka lang sya nakipag-usap kay Jake. Nagpaalam na si Myrtle na lalabas. Tumango naman si Jake na sinundan ng tingin ang asawa.

Tumayo na rin sina Alex, Rhea, at Laisa. Sumunod ako. Tumingin si Dylan sa akin habang nagsasalita sya. Yung mailap nyang mga mata ay nagtatanong sa akin ngayon.

“Uh… lalabas na kami nina Laisa. Gagala lang?” Napatingin ako kina Laisa na natigilan din at sinimangutan ako.

“Be careful,” tanging sambit nya sa akin. Tumango ako at lumabas na kasama nung tatlo. Naabutan pa namin sina Yanna sa sala. Kasama na nila si Myrtle na busy kausap si Angeline. Nailang ako sa titig na ibinibigay ni Yanna sa akin. Feeling ko may alam na sya.

But the kiss…

Ipinilig ko ang ulo para maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Lumabas kami nina Laisa. Buong maghapon kaming t-in-our ni Alex. Natatawa ako sa kanila kasi panay ang asaran nila. Inaaway ni Laisa si Alex na tinatawanan lang naman sya. Si Rhea naman ay panayan ang text.

Pahapon na nang bumalik kami. Puno ng ingay ang bahay. Siguro nasa loob na yung iba. Dumiretso na sa loob sina Rhea habang pumunta ako sa garden nina Alexis. May swing daw roon sabi ni Alex.

Nasa may likod-bahay lang iyon. Palabas na ako sa trail na sinusundan ko nang makarinig ako ng mga boses.

“I cannot believe it, Dylan. You married her? Why? To inspite me?” Galit na boses ni Yanna nag una kong narinig. Napapikit na naman ako. Sila na naman.

“Stop, Yanna. I’m married. Please respect that.” Tamad na boses ni Dylan ang narinig ko.

Napahawak ako sa puso ko. Stay still, heart. Let’s hear it before we assume something.

“Yes, Dylan. I respect your marriage. Hindi naman ako nanggugulo, di ba? But the fact that you married her because you want to seek revenge to me is not fair. Mahal kita pero yung gagamit ka ng iba para saktan ako, Dylan? That’s below the belt.”

Napaawang ang mga labi ko. Agad ko iyong tinakpan gamit ang aking palad. What? Did I hear it right? Dylan married me because he wants to get even to Yanna? W-why? Ang sakit ng puso ko.

“Yanna…”

“Dylan, hiwalayan mo na sya kung ganyan din naman. I cannot stand the fact that you married her because of me.”

“Stop this, Yanna.”

“No, Dylan Matteo. You listen. Stop this crap. Handa naman akong tanggapin ka kasi mahal kita. Mahal pa rin kita. Naiinitindihan mo? So, please stop this. End this marriage.”

Bago kumawala ang hikbi sa aking bibig ay mabilis na umalis ako ng garden. Mabilis ang mga lakad ko palayo sa bahay. Ayokong makita nina Laisa na ganito ang histura ko. Tuloy-tuloy ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata. Nilakad ko ang malayong dalampasigan. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa lumapit na ako sa may malapit sa gubat. Lumingon ako. Malayo na ako sa bahay. Tanging ilaw na lang ang nakikita ko sa malayo. Bahala na. Lumakad pa ako hanggang sa makakita ako ng malaking ugat para maupuan. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Iniyak ko lahat-lahat. Hindi ko alam ang rason ni Dylan ng ayain nya akong magpakasal. Ngayon ko lang nalaman. Kahit hinanda ko na ang aking sarili ay masakit pa rin pala ang katotohanan. Truth hurts. It always does.

Ang sakit-sakit talaga ng puso ko ngayon. Kailan ba matitigil ‘tong sakit? Bakit sa loob ng ilang taon kaya pa rin akong saktan ng mga simpleng salita lang? Hindi pa ako manhid.

Dylan, ang sakit palang magmahal. Please stop this. Pakawalan mo na lang ako para hindi ako nagkakaganito.

Inubos ko lahat ng luha ko sa lugar na ito. Malamig na ang hangin. Niyakap ko ang aking sarili para hindi ako yakapin ng lamig. Halos hindi ko na makita ang paligid dahil sa sobrang dilim. Anong oras na kaya?

“Aelia!”

Napatayo ako. Boses ni Dylan iyon. B-bakit sya nandito? Kinalma ko ang aking sarili. I need to be strong. Kaya mo yan, Lia. Ikaw pa ba? Ikaw pinaka-strong sa lahat.

“Dylan?’ Basag ang boses na tawag ko. Ilang beses kong inalis ang bara sa aking lalamunan.

“Aelia, is that you?”

Maya-maya lang ay katapat ko na si Dylan na hawak ang cellphone nya na naka-flashlight mode. Hindi ko mabakas ang mukha nya. Masyadong madilim.

“Lia, what are you doing here?” Bakas ang concern sa boses nya na lumapit sya sa akin at niyakap ako nang napakahigpit.

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng panibagong batch ng luha. Tuloy-tuloy lang iyon. Hindi ako nagsasalita dahil pati boses ko ta-traydurin ako. Yumakap din ako sa kanya.

“Lia,” tawag nya sa akin. Niyakap ko lang sya at napahikbi na ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang nag-uumapaw na emosyon sa akin. Parang lagi na lang ay pasan ko ang mundo. Kailangan kong magsalita para mawala din ang sakit kaso hindi ko naman kayang magsabi ng nararamdaman ko.

“My God, Aelia,” mahinang sabi niya. “Pinag-alala mo ako.” Nanginginig ang boses nya.

“Dylan,” hikbi ko habang yakap sya.

“Hmm? Don’t cry, sweetheart. Please…”

“Nasasaktan ako. Bakit ganito?” Hindi ko na napigilang magsalita.

Hindi sya umimik. Hinayaan lang nya akong ubusin ang mga luhang panay ang tulo mula sa aking mga mata.

“Dylan…”

Hindi sya nagsasalita. Para bang hinahayaan nya lang na magsalita ako. Hinigpitan nya lang ang yakap sa akin.

“Ayoko na. B-baka hindi ko na kayanin ‘to. Please, Dylan. P-pinapalaya na kita sa lahat ng responsibilidad mo sa akin. A-ayoko na.”

“Aelia,” basag ang boses na sabi nya. Inilayo nya ako sa kanya at hinawakan ang aking mga braso. “Lia, please, don’t think that way. H-have you heard Yanna and I?”

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. I need to savor this moment. This will be my last time to see his face. Ngayon na lang. Papalayain ko na sya. Hindi na nya ako responsibilidad. This will be good for me and for him. Right, I should do this.

“Talk, Lia. I-I wanna hear your voice. Please.” Basag na ang boses nya. Ramdam ko ang panginginig nya. Hindi ko alam kung sino ang kumukuha ng lakas kanino dahil pareho kaming nanginginig. Ako sa iyak. Hindi ko alam sa kanya.

Umiling ako. Hindi ko na kayang magsalita. May bikig na sa lalamunan ko.

“Aelia…”

Pilit na inabot ko ang kanyang pisngi. “Mahal kita, Dylan. Kinakaya ko naman noong nasa States pa tayo. Kinakaya ko. P-pero yung makita ko k-kayo ni Yanna, t-talo na ako, Dylan. O-Oo, narinig ko kayo. Nakita ko rin kayo kaninang umaga.” Panay na ang iling ko sa kanya.

Napasinghap sya. “Damn. Lia, it’s not what you think, sweetie. Please do not overthink. Please. Just listen to me, will you? Ha, Lia?” Hindi ko alam kung tama ba nag nakikita ng mga nanlalabo kong mata at naririnig ng aking tainga. Umiiyak ba sya? Bakit?

“It’s true. I still love Yanna. But I just thought it. I was in love with the fact that I overthink that I am in love with her up until now. I just realized that I was over her for a long time yesterday, when I am looking at your face. You forgot to breathe because of me, Lia. I know it. Fuck! How should I start this, sweetie? Please, just listen to me first, okay?”

Hindi ko alam pero nanghihina ang mga tuhod ko. Napaupo ako. Agad naman nya akong dinaluhan at hinawakan sa balikat.

“Lia…”

Feeling ko nagdidilim na ang paningin ko. Hindi ko na makita si Dylan. Dahil ba nanlalabo na ang mga mata ko sa luha? Hindi ko sya makita. Nararamdaman ko lang sya.

“I love Yanna as a friend. Yes, I married you with the thought that I will get revenge to Yanna but I changed my mind. When the vase almost landed on your face, when I saw how scared are you, when you just closed your eyes and cried, it hit me. Tang ina. Mahal na pala kita hindi ko lang alam. I’m sorry, Lia. Please do not assume things between Yanna and I. Wala na kami. Nilinaw ko na sa kanya lahat. Hindi mo natapos ang conversation namin, Lia. You didn’t hear my reason to her. Ikaw. Ikaw yung mahal ko, alam mo ba iyon, ha? Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa mga nagawa kong kagaguhan noon. I couldn’t. Kapag nakikita kita na umiiyak, pinapatay ako ng takot. Gabi-gabi, binabantayan kita sa pagtulog mo dahil natatakot ako, Aelia. Natatakot akong hindi ka na naman huminga. I want to start over, finally set things straight, after this reunion kaya I talk to Yanna. I want closure. Aelia…”

Umiiyak sya. Nanginginig ang boses nya. Mas lalo akong napaiyak. Mahal nya ako? Paano?

“D-dylan…”

“Wag ka ng umiyak, Lia. Please…” Niyakap nya ulit ako. Hindi na ako nakapagsalita. Hinayaan nya akong umiyak nang umiyak hanggang sa maubos ang lahat ng luha. Ramdam ko ang pag-alog ng kanyang balikat. Panay ang hingi nya ng sorry sa akin. Iyak lang naman ako ng iyak. Halos hindi na ako makahinga dahil doon. Hindi nya na alam kung paanong pagpapakalma ng gagawin sa akin. Niyakap lang nya ako nang mahigpit. Pilit na pinakalma ko ang aking sarili. Magang-maga na ang aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng talukap nito. Dylan caressed my hair. Panay ang halik nya sa aking ulo.

Hindi ko pa rin mapakalma ang aking sarili ng tumunog ang cellphone nya. Hindi ko alam kung sinagot nya iyon pero sa tingin ko ay oo dahil nagsalita sya.

“Jake,” sabi niya. Basag na basag ang boses nya. Patuloy sya sa paghaplos sa aking ulo. “Yes.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. He loves me. Dylan loves me.

“C-can you please bring a tent here. We’ll sleep here. Yes, tell them. Bring my things. Thank you, man. I owe you big time.”

Hindi ko na namalayan ang oras. I think nakatulog ako. Naalimpungatan na lang ako na nasa loob na ako ng tent at may oxygen mask na naman. Nabungaran ko si Dylan na nakatunghay sa akin at hawak-hawak ang aking kamay.

“L-lia…” nakangiti nyang bungad. Sa kakaunting liwanag galing sa lampara ay kita ko ang pamumugto ng kaniyang mga mata. Ramdan ko rin ang pamumugto ng sa akin. Teka… baka panaginip lang ang lahat. Tumayo ako at tinanggal ang oxygen mask sa aking bibig.

Tinulungan nya akong matanggal iyon. Nang mawala iyon sa bibig ko ay kinurot ko ang sarili ko. This may be a dream. I flinched. Ang sakit!

“What are you doing, Aelia Raine?” paos ang boses na tanong nya sa akin. Hinarap nya ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.

“Is this a dream, Dylan? Panaginip lang ba kita?” Malamlam ang kaniyang mata na tumingin sa akin. Umiling sya.

“It’s not, Lia. I am real.” Hinigpitan nya ang hawak sa aking mga kamay.

Tumitig ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya. Muling nag-unahang tumulo ang aking mga luha. Mabilis na pinahid nya iyon gamit ang kaniyang mga palad. He cupped my face. “Stop the tears, Lia. Baka hindi ka na naman makahinga. Please…”

Tinitigan ko lang sya. Kahit hindi ko suot ang mga salamin ko ay kitang-kita ko sya. He’s just looking at me. Maya-maya ay hinalikan nya ako sa noo. “Damn. I’m so inlove with you, baby,” bulong niya. Matapos iyon ay dinampian nya ng malambot na halik ang tuktok ng aking ilong. Pagkatapos ay tinitigan nya ako. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Gusto ko ulit umiyak. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. He confessed to me. Mahal ako ng taong mahal ko.

“Please love me again, Aelia Raine. Let’s start over. Let’s make this marriage work out. I don’t wanna lose you. I cannot lose you, sweetheart,” mahinang-mahinang bulong nya. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa unti-unti nyang inilapit ang mga mukha at dampian ng mumunting halik ang aking mukha hanggang sa dumapo iyon sa aking labi.

‘I love you,” he said in between his kisses. Napangiti na ako. He’s not a dream. He’s my reality. “Breathe with me again, Lia. Do not ever forget it. Let’s make our forever. Let’s wash away all our misunderstanding. All that matters is that I love you. I love you from the beginning because of who you are. I love you for being patient with me. I love you and your little ways that make my heart jump out of happiness. I just love you. Period.” He then claimed my lips with a soft kiss. Hanggang sa palalim nang palalim. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga halik nya. I let him invade my mouth.

‘God, I really love you, Aelia Raine,” sabi nya hang lumalanghap ng hangin.

I cupped his face and smiled at him. “I love you, too, Dylan Matteo Gonzales. Love kita kahit sino ka man. You hurt me but you are making your way for me to forgive you. I forgive you with all the things you have done. I so much heart you. Yes, let’s start our forever.”

It is the sweetest kiss we have so far. Kahit anong mangyari ay mamahalin ko sya ng buong puso. We are going to start our forever. This is not the ending. We are just about to start our long-lasting story.

I am Aelia Raine Villadolid-Gonzales. I am happily married to the man of my life. This is my story and I’ll end it this way.

E.R Baguinaon (05062018)

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started