SS – TRUTH UNTOLD

“LETSE ka. Sino ba kasing nagsabing pumunta ka nang maaga tapos ako mamadaliin mo?” Kunot na kunot ang noo ko habang pababa sa jeep at kausap ang letse kong kaibigan.

“Ay? G na g? Gusto manakit?” Tawa ng bruha sa kabilang linya.

“Nasaan ka ba?” Napailing na lang ako. Hopeless case na talaga ito. Sinong matinong tao ang pupunta ng maaga sa meet up tapos mamadaliin ang kausap? Gago, ‘di ba?

Papasok pa lang ng SM ay tanaw ko na mula sa glass window si Laisa. Kumaway pa ang bruha sa akin. Nanggigigil ako kaya mabilis ang lakad na pumasok ako sa loob. Hindi ko na nga nabati iyong guard kasi naiirita talaga ako kay Laisa.

Hinampas ko kaagad siya sa braso nang makarating ako sa pwesto niya. Tawa-tawang umiwas siya at dinilaan pa ako.

“Bruha ka.”

“Kalma. Ang puso mo. Baka malaglag!” Tawa niya.

Umismid ako at umupo sa tapat. “Nasaan ang order ko?”

“Anong order mo? May utusan ka? Joke lang! Mananapak na ka naman, e. Kaya ka siguro iniwan ni -”

Sinamaan ko siya ng tingin. Gaga talaga kahit kailan ang bruhang ‘to. Bakit ko ba ‘to naging kaibigan?

“Oops. Nadulas. Sareeh.”

Inirapan ko na lang siya at kinuha ang Frappe na nasa tapat niya. Hindi na siya nakareklamo nang inumin ko iyon.

“Uhaw na uhaw?”

Hindi ko siya pinansin. Napairap na naman ako nang makitang papalapit si Alexis sa table. “So, third wheel na naman ako, ganon?”

“Hi there, Rhea,” bati ng jowa ni Laisa bago nilapag ang tray ng drinks at food.

“Hello mo mukha mo. Pagsabihan mo iyang babaeng iyan, huh. Sinong matinong tao ang tatawag nang tatawag para madaliin ako gayong mas maaga pa sa call time? Sampalin ko iyan mamaya.”

“Ang harsh mo, bhe,” tawa ni Laisa.

Tinawanan lang din ako ni Alex kaya mas lalong naiinis ako. Bakit na naman ako third wheel? Kainis. I sipped on my Frappe again habang masama ang tingin sa dalawang nasa unahan ko. Good thing talaga at hindi sila ma-PDA dahil kung ganoon sila baka matagal ko na silang iniwan. I’m happy for Laisa, really. She got a good man. She deserved the best din naman talaga kasi because of all the hardships na naranasan din niya.

Taga-Sana All na lang talaga ako ngayon. Akala ko ako ang unang ikakasal. Mas nauna pa sa akin si Aelia. Hayop na Homer kasi iyan. Ayoko na lang maalala.

“Yo, yo! What’s up, mga buddy!”

Napaangat ang tingin ko sa lalaking paupo sa tabi ko.

“Ang tagal mo, Ry. Kanina ka kita tinatawagan, a?” Reklamo ni Laisa. Napataas ang kilay ko.

“Sorry, babe. Medyo hectic sched ko, ano ba,” sagot naman ng katabi ko na biglang kinuha iyong Frappe na katabi ng akin.

“Babe your ass,” Alexis sniggered.

Tumawa naman si Ryan, iyong katabi ko.

“Tandaan mo, Alexis. Bago ka dumating sa buhay ni Laisa, nauna ako.”

“Ew,” Laisa’s disgustingly threw a tissue at Ryan. “Manahimik ka nga.”

“Easy there, babe!” Tawa pa rin ni Ryan na inilagan ang tissue kaya natabig ako. I raised my brow at him. “Ay, sorry naman, Rhea. Mapapatawad mo pa ba ako?”

“Tss,” irap ko sa kaniya.

Ryan chuckled. “Ang taray mo naman, Rhea. Ganiyan ba talaga kapag tumatanda na?”

Masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya. “Nagsalita?” Akala mo siya hindi matanda! Ang kapal ng mukha!

“‘Oy! Huwag mo ngang inaaway si Rhea. Baka masapak ka niyan!” Biro ni Laisa. Siya naman ang sinamaan ko ng tingin.

“Goodness! Sana talaga sumama na lang ako kay Lia. Bakit ba ako naiwan kasama ka, Laisa?”

Natigilan si Laisa sa tangkang pag-rebutt sa akin dahil sa narinig ang pangalan ni Lia.

“What?” Nakakunot ang noo ko. Ryan and Alex stopped doing their things at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Laisa.

Laisa just looked at me na parang may sasabihin pero hesitant na ituloy. Bigla tuloy akong kinabahan.

“Something’s wrong with Lia?”

“Well… I just received a call before you came here. Lia’s in hospital.”

Naibaba ko ang frappe na iniinom ko. Good thing hindi ko nabagsak. “And you just tell me as in just now? What the hell! Bakit nasa hospital si Lia?”

I was frantic. Lia’s one of my bestfriends. Minsan ko man makita dahil she’s living abroad, she’s really close to me.

“And hindi man lang ako naka-receive ng call?” Beside being anxious, may slight annoyed oart kasi hindi ako tinawagan.

“Sisihin mo si Dylan Ako na raw magsabi sa ‘yo kapag nakita na kita. She’s suffering from Congenital Heart Disease. Baka kailanganin ng operation. Let’s go to Washington tomorrow. I already booked us for tomorrow’s night’s flight.”

“What?” Magkapanabay namin sabi ni Alex. So, hindi pa rin alam ni Alex?

“Wait. We’re going to Washington tomorrow? As in?”

“Yes! And since I am on leave, I can go there. Paalam ka na lang sa school na may emergency ka.”

I was torn between my amusement at Laisa’s quick response without consulting me at first and anxiety to our friend’s condition.

“Who’s with you two?” Anas ni Alex na nakatingin kay Laisa diretso.

“Kami lang ni Rhea. Sama ka ba?”

“I want to but everything’s so sudden…”

Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil busy na ako sa pag-iisip kung paano ako magpapaliwanag sa principal bukas na magle-leave ako nang biglaan. I might get scolded but wala na akong pake. My friend needed us so priorities first.

Laisa and I just planned our trip for tomorrow. Sobrang biglaan na wala nang makapipigil. After a while ay nagyayaan nang umuwi. Alex would bring Laisa home. Habang ako naman ay naglakad na papunta sa sakayan. The couple insisted to bring me home but I declined. Sobrang out of the way ako sa kanila. Ryan, then, offered na ihatid ako sa sakayan kung ayaw ko rin daw sumakay sa motorbike niya. I just shrugged. I wanna go home and packed things.

“What time’s your flight for tomorrow?” Pag-open ng usapan ni Ryan habang naglalakad kami pa-escalator.

“11 p.m. We’ll board at 9 daw sabi ng bruha.”

“May sakit na ba talaga sa puso si Lia? Last time noong reunion hindi rin siya nakahinga, right?”

Napatingin ako sa kaniya na nakakunot-noo pero nawala rin kasi naalala ko na kaklase nga pala namin siya ni Laisa noong high school! Itatanong ko sana kung bakit niya kilala si Lia. How forgetful.

“Recently lang na-develop sakit niya. As far as I know, wala siyang complications noong nag-aaral kami.” I really didn’t know the whole story about that, too. Lia, even though we’re really close, never mentioned anything. Though I also had that feeling na it’s something to do with Dylan. Imagine, nagpakasal lang siya, nagkasakit na! Siguro kausapin ko rin si Dylan about that? Lia’s perfectly fine when she’s still here kasi.

“Things really just happened,” Ryan said. I nodded.

“By the way, how are you though?”

Napatingala ako sa kaniya. Nakakunot na naman ang noo. He chuckled. “Loosen up, Rhea! Laging nakakunot-noo mo. Mabilis kang tatanda, sige ka.”

“Tss.” Binalik ko na lang ang tingin ko sa daan. Why randomly asking me about my state, ‘di ba? Hindi tayo close, buddy!

“Really, just wanna know how are you faring these days. Laisa always mentions your name. She’s worried, you know.”

“And why would she be worried, aber? And bakit mo ako in-English? My golly, pwede ba?”

Tumawa siya. “You are an English teacher, right? I guess it’s normal to speak in this language with you?”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Talaga lang naman, o. Nag-aral nga pala sa ibang bansa ang mokong bago bumalik at dito nagtrabaho bilang pulis. So, sanay talaga sa ESL.

“What’s really your point? If you are asking kung kumusta naman ako after my groom-to-be ran away before our wedding, well I am perfectly fine! Look, masaya pa naman ako. Tapos na ako sa depression era.” I walked again.

Kahit mabilis na ang mga hakbang ko ay nahabol pa rin ako ni Ryan.

“Hey. Are you upset? Sorry. I did not mean anything. Just wanna know how you’re coping with because truth be told been there and it was hell. Baka lang need mo ng someone to lean on or someone who can help you cope with everything until you’re fully back on track again.”

“Huh? Been there?” Napalingon na naman ako sa kaniya. I stopped walking again and faced him. “You’ve been left behind by your bride?”

To my amazement, tumawa na naman siya. “Yeah?” Parang birong sagot.

“Really?”

“You’ve been invested with your ex kaya hindi mo alam mga nagaganap sa paligid mo, e. Didn’t you hear from Laisa before? Yeah. And sad to say, my bride-to-be ran way on the day of our wedding.”

“Oh!” Wala akong maalala na may nabanggit si Laisa about that.

“But that’s been years. Completely healed,” he said na parang past is past. Moved on na talaga.

“Oh. Okay. Good thing na moved on ka na. So, bakit ‘di ka pa nag-aasawa?”

“Asawa agad? Pwede gf muna?”

“May lingering feelings pa ba sa past mo?”

“Wala na. Told you. We’re okay now, though.”

“That’s good to hear.”

“You’ll get there, too. It just takes time to heal every wound.”

I didn’t know what to react. Usually, hindi ganitong Ryan ang naririnig ko kay Laisa. Lagi kasi silang magkaaway. Aso’t pusa ba.

“Yeah. Phase lang ‘to ng buhay. Buti na lang din at ginawa niya iyon sa akin. At least, I knew better. Hindi ko siya deserve.”

“Indeed. Someone’s just out there waiting for you. Someone much better.”

I scoffed. “Talaga ba?”

“Yes.”

“Sabi mo, e.”

Chuckles lang niya ulit narinig ko.

“Well, ihahatid na kita. Wait ka lang dito. My motorbike’s just there in front. Don’t argue. Hindi ka out of the way. Gabi na. Okay?”

“Okay lang ako, Ryan. Ano ka ba?”

“I insist. C’mon. Sumama ka na nga lang sa pagtawid. Baka bigla kang sumakay ng jeep, e.” He gently held my wrist at inakay ako patawid.

Papalag pa sana ako kaso mas makulit si Ryan kaysa kay Laisa kaya wala na akong nagawa.


“BUTI pinayagan ka mag-leave?” Untag ni Laisa habang nasa biyahe kami pa-NAIA.

“Yeah. Sabi ko emergency talaga. Hindi naman na nagtanong. Kilala naman na ako non ni Madam. Kapag ‘di siya pumayag, aalis din naman talaga ako.”

“Lakas,” tawa ni Laisa.

“Talaga.”

“Goods iyan. Kailangan tayo ngayon ni Lia. Siraulong bruha. Hindi man lang tayo inabisuhan na malala na talaga lagay niya. Kausap ko pa man din siya last week.”

“You know Lia’s really reticent. Hindi iyon basta-basta magsasalita.”

“Kaya nga ako naiinis sa kaniya, e! Kainis.”

“‘Yaan mo na. We’ll go there naman na. Saka manalig ka, aayos din lagay niya.” I am really hopeful. Basta alam ko gagaling ang kaibigan namin.

Almost two hours ang binyahe namin pa-airport. Nang makalabas kami ng bus, bitbit ang mga gamit, ay dumiretso kami sa coffee shop sa loob. Gutom na raw si Laisa kaya bibili muna kami ng pagkain.

“Akala ko isasama mo si Alexis?” Ako naman ang nagtanong habang nakapila kami.

“Sana kaso may importante siyang surgery ngayon. Hindi niya na mamo-move kaya iwan na lang siya. Si Ryan ang sasama raw sa atin.”

“Ano? Ryan?”

“Yup. Nandito na raw siya, e.”

Hindi na ako nagsalita. Okay lang din naman kasama si Ryan kasi may sense naman pala siya kausap. Akala ko puro kalokohan alam niya, e. Minsan nga pinalalayo ko na si Laisa sa kaniya kasi kung ano-ano natututunan ng bruha. Tinatawanan lang naman ako ni Laisa.

Nang makuha ang order na sandwich at coffee ay dumiretso na kami sa waiting area. Nandoon na raw si Ryan kanina pa kaya nagmamadali na kami. Ang bilis ng lakad ni Laisa kaya na-struggle ako na masabayan siya. Bruha talaga. Hindi naman ako katulad niya na flexible at agile para magmadali. May hawak akong maleta, bitbit na coffee at sandwich, at suot na backpack kaya mahirap magmadali. I almost bumped to someone nang pinilit kong sabayan ang kaibigan. Sasabunutan ko talaga iyan mamaya.

“Sorry!” Ani ko sabay yuko at ayos sa hawak na pagkain.

“So – Rhea!”

Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Ryan. I looked up and saw him na may hawak din na kape at pagkain. Mukhang kasama nga rin namin talaga siya based sa histura pa lang.

“Muntik na!” Tawa niya. “Bakit nagmamadali ka?”

Nang maalala kung bakit ako nagmamadali ay itinuro ko ang kaibigan na nasa may waiting area at nakalingin na sa amin.

“Hayop na Laisa iyan. Nalilimutan niya yatang hindi ako pulis para kumilos nang mabilis.”

“Well, that’s Laisa. ‘Lika na. Ako na sa maleta mo.” Walang ano-ano at kinuha niya ang maleta ko. Siya na ang naghawak at mukhang hinihintay na maglakad ako.

“Okay.” Wala naman na akong magagawa. Saka aarte pa ba ako? Ang hirap ng maraming bitbit ‘no!

Habang naghihintay sa boarding namin ay kinain na lang muna namin ang mga binili at saka nag-kwentuhan. Dahil partners-in-crime ang dalawa, sila iyong may topic talaga. Panaka-naka lang pagbibigay ko ng komento kasi duh? Anong alam ko sa mga krimen at taong pinag-uusapan nila? Buti sana kung mga bata ang pag-uusapan, baka makapag-ambag pa ako ng kwento. In-enjoy ko na lang pagkain ng Clubhouse Sandwich ko. Dahil hindi pa ako nabusog, tinitignan ko ang isa pang sandwich ni Laisa na hindi pa nagagalaw. Iniisip ko kung kukunin ko na lang iyon o magpapaalam muna ako. Nag-uusap pa kasi sila.

Akma na kukunin ko na lang iyon nang may kamay na nag-abot ng sandwich sa akin. Sinundan ko kung kaninong kamay iyon. Kay Ryan lang pala na natatawa.

Sumimangot ako. “Anong tinatawa-tawa mo?”

“I brought extra sandwich. Here. Sa ‘yo na lang. Huwag mo nang kunin kay Laisa kasi kukunin niya ang kinakain ko at ang extra sandwich ko kapag nagkataon. Kaya imbes na maubusan ako, heto na lang kunin mo.”

Matakaw kaming magkaibigan sa sandwich kaya paunahan talaga kami sa pagkain. Kung alam ko lang na magugutom talaga ako, doble na sana in-order ko.

“Okay.” Kinuha ko ang sandwich na inaabot niya. “Thank you.”

“You’re welcome.”

Na-focus na naman attention ko sa pagkain. Laisa asked me questions pero wala ako sa mood magsalita pa kasi kumakain pa ako. Nang matapos naman ako sa pagkain ay saktong pagtawag na sa flight namin.

Nauuna na naman maglakad si Laisa. Kahit kailan talaga.

“Want a hand sa maleta, Rhea?” Untag ni Ryan na sinasabayan ang lakad ko.

“Hindi. Okay lang. Kaya naman. Bakit ba ang bilis maglakad ni Laisa?”

“Lagi namang ganiyan iyan.”

Umingos na lang ako. Nang nasa tapat na kami ng boarding gate ay pinakita ko na lang ang pass at nagtuloy-tuloy na sa loob.

“Buti pinayagan ka sa school na mag-leave? Anong paalam mo?”

“Yes. Buti na lang talaga. Sabi ko naman emergency kaya wala rin naman silang magagawa. Kayo ba ni Laisa ay naka-leave rin, ‘di ba?”

“Yes. A month leave dahil katatapos lang ng isang big case namin.”

“Hindi ba kayo nahihirapan sa work niyo? I mean, mahirap ba? At delikado? Kapag nagsasabi si Laisa na may mission-mission siya, lagi akong kinakabahan. Reckless kasi siya tapos padalos-dalos sa pagkilos. Basta she trusts her intuition so much na minsan kinapapahanak niya.”

“It’s part of our job. Saka kapag nag-e-enjoy ka naman sa ginagawa mo, nothing’s dangerous.”

“I get that naman. Kaso hindi ba kayo nag-aalala sa mga taong minamahal kayo kasi sila iyong nag-aalala?” Minsan nakausap ko na si Laisa about sa work niya. Delikado kasi. Lalo na at na-promote pa sila as detectives. Alam ko mas delikado na iyon kasi they’re not just dealing with so-so crimes.

“Nag-aalala rin naman. My family knows what I am putting myself into. As long as nakauuwi ako sa bahay nang maayos, okay lang sa kanila.”

“Paano iyong nangyari three years ago na pareho kayong na-ospital ni Laisa? Iyong sa Pampanga?”

“My mom freaked out, of course. Pero lessen na lang kasi buti hindi rin agad pinaalam ng kapatid ko ang nangyari. Kapag nagkataon, nayari na ako.”

“Alam ko naman na ganiyan talaga ang buhay niyo kaso nag-aalala talaga ako kay Laisa. Kaya, bantayan mo iyan kapag may mission kayo. Though nakausap ko naman na si Alexis na sabihan din si Laisa. Basta ayos lang siya every mission, okay na iyon.”

“I think Alexis talked to our bosses na bigyan ng lesser works si Laisa. Baka sakaling gumana iyon. She loves what she’s doing. Hindi naman natin siya mapipigilan.”

Napatango ako. “That’s good to hear. Basta mag-ingat lang kayo always. Panatag naman loob ko kapag kasama ka niya, e. So, no worries.”

Kahit hindi ko naman bet si Ryan minsan, panatag talaga loob ko na mababantayan niya si Laisa.

“Yeah. Don’t worry,” he said.

“Thanks,” I uttered hanggang makapasok na kami sa plane.

Almost eighteen hours ang itatagal ng biyahe. Laisa’s fast asleep sa tabi ko habang ako naman ay hindi makatulog. This would be my third time sa plane and first time na mag-international travel so hindi talaga ako sanay pa while my friend ay sanay na sanay. And mukhang comfortable siya sa pagtulog dito sa first class section, huh. Iba talaga nagagawa ng may mayamang jowa.

Inikot ko na lang ang tingin sa plane. Madilim pa. Dim ang light dahil most of the passengers ay tulog.

“Can’t sleep?”

Napatingin ako sa kabilang aisle kung saan nakapwesto si Ryan. Nakatingin din siya sa akin. Napansin ko na bukas ang ilaw sa tapat niya at mukhang may binabasa siya kasi may folder na nakabuklat sa harapan niya.

“Oo. Not used to, e.”

“First time sa international flight?”

Tumango ako.

“That’s normal. You want to read?” May inilabas siyang book sa dalang backpack.

“Wow.” Natawa ako nang mahina. “Bakit may dala kang book?”

“Wala lang. I always bring one whenever I travel. Want?”

“Sino author?” Inabot ko ang book.

“John Grisham. Mahilig ka ba sa law?”

“Not really but somehow nagugustuhan ko na rin because of Lia’s recommendation.” Binuksan ko ang light sa tapat ko and inspected the book. “‘The Pelican Brief’. Maganda ito?”

“Not sure. Hindi ko pa nababasa iyan but the synopsis and reviews are good. Try that one para hindi ka ma-bore. We still have fifteen hours to waste.”

“Yeah.” Bumaling ulit ako sa kaniya at napatitig sa folder na nasa harap niya. “Case?”

Napatingin din siya sa folder niya. “Ah. Oo. Cold case ito na nakuha ko lang bago ako mag-leave.”

“Nice. Minsan binabasa ko case file na dala ni Laisa kapag nagkikita kami. Alam ko naman na bawal iyon but nakikibasa lang naman ako and hindi ko kinukwento sa iba ang mga nababasa ko. It’s just that it fascinates me to see na may ganiyan pala sa reality.”

“Kung pupunta ka sa storage ng bawat precint, hindi ka matutuwa sa dami ng case files. Lalo na iba ay cold cases na o matagal ng hindi naso-solve dahil sa insufficient evidences. It might fascinate you but behind these pages are the real mysteries and dangers. Don’t be offended if I may not tell you the whole story. It’s for your own safety, too ”

I smiled. I knew. “Okay lang. Wala naman akong balak magtanong pa about diyan.”

“How about you tell me a story about your job? I believe teaching is as hard as any job.”

I put the book on my lap and lean close to his side. Hindi ko pwedeng lakasan ang boses dahil tulog na ang mga tao.

“Definitely. Wala namang madaling trabaho. Sa akin, ang danger ay iyong hindi matuto ang mga bata. Kung kayo ay fighting against bad people and providing peace, I am fighting ignorance. Mahirap din naman talaga kasi I am all in one. Parang nanay, tatay, kapatid, psychologist, investigator, comedian, doktor, secretary, manager, leader, at kung ano-ano pa ako kapag nasa school. I do all jobs in one field. Nakakabuang. But it’s much easier than yours and Laisa’s work.”

“It’s really a good thing na flexible ka rin. Mahirap lang sa amin kasi delikado talaga. We deal with criminal minds. But kung susumahin, yours much harder. Don’t debate on that, please. My mom’s once a teacher. She married late and has us late na muntik na niyang ikamatay because of too much stress from school.”

“Oh. Sorry to hear that. Ganoon talaga. Sabi nga nila bago ka raw maging isang ganap na guro, kailangan munang mag-asawa na. Kasi once nasa field ka na at nag-enjoy, mawawala na sa isip mo ang pag-aasawa.”
“How about your perception? Naniniwala ka ba roon?” Ryan leaned, too.

“Hmm. I guess? Before hindi because I had a boyfriend. I thought I already broke the jinx na kumapit when I signed my contract sa school. It turned out bad so I guess forever na akong spinster.”

“Hey. Don’t say that. Told you, my mom was once a teacher. She also believed that way pero nakilala niya daddy ko way past their their 30s. So, manalig ka. Sabi nga ni Laisa, kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. Baliktarin man ang mundo, magkahiwalay man kayo, kung oras niyo na para magkita at bumuo ng pamilya, magiging kayo. It takes all odds.”

“Ang lalim, ah. Never imagined Laisa to be a love guru.” Sinulyapan ko ang kaibigan na tulog na tulog pa rin.

“She says so many things now. Parang ibang perception niya nga nagbabago na mula nang makita niya ulit si Alexis. Ewan ko sa dal’wang iyan.”

“How about you, Ryan? Bakit wala ka pa ring family? Mauunahan ka na ni Laisa.”

“Just going with the flow. Let destiny take her to me. Akala ko rin six years ago na siya na ang para sa akin. Mali talaga mag-akala. Sa ngayon, top priority ko ang family and work kaysa sa anupaman.”

“Really? I heard from Lai na nakikipag-blind date ka raw, e.”

Napakamot siya sa ulo. “My mom’s worried na hindi ako mag-aasawa na. Ang bata ko pa naman pero worried na worried na. Kaya lagi akong nase-set up sa blind date. I entertained them for my mom’s sake but wala talaga sa plano ko mag-asawa pa.”

“Sabagay, nasa peak pa nga kayo ng career niyo. Okay lang sa inyo na late na mag-asawa kasi lalaki naman kayo but for women, not really. Not unless katulad ko mag-isip.”

“Parang ang pessimistic mo naman na sa family life.”

“No. Hindi naman. Basta. Go with the flow.”

“You know,” aniya na napangiti. “May crush ako.”

“Oh. Sino?” Wala namang nakukwento si Laisa na may crush si Ryan. Well, updated ako sa ganap nila lagi. Madaldal kasi si Laisa.

“Someone. Na-realize ko lang na crush ko siya nang makita ko siya ulit three years ago. Kaso off limits siya nang mga panahong iyon. Kaya I backed off.”

“Off limits? Meaning, may boyfriend na?”

“Yup. Well, I am weighing if I should try my luck. Can you advice me? Teachers are good in advises. Ayokong magtanong kay Laisa kasi siraulo iyan. Walang matinong sasabihin sa akin.”

Natawa ako. “I hate to agree sa part na iyan. Well, what do you men weighing? Wala na bang boyfriend iyong babae?”

“Wala na. Should I try my luck?”

“Kailan lang naghiwalay sila?”

“Recently lang.”

“Naka-move on na ba si girl sa tingin mo?” I asked. Pinapagana ko na ang utak ko sa possible advise na ibigay ko.

He was quiet for a minute na akala ko hindi na siya magsasalita kasi nakatitig lang siya sa akin. I waved my hand.

“I guess… so?”

“Hindi ka sure? Kasi kung hindi ka pa sure, mahirap iyan. Baka mahal pa ni girl si boy. Ano ba reason ng break up nila?”

“The boy’s coward.”

“Huh?”

“Nevermind. I’ll just wait for her probably.” And he looked in front, avoiding my gaze.

My heart melted for him. This is my first time seeing a man na handang maghintay sa babaeng mukhang may mahal pang iba. “Let destiny decide, Ryan. You’ll find that someone, too. Not yet today. Probably soon.”

Akala ko mag-a-agree siya nang binalik niya ang tingin sa akin.

“I already found her. She’s not yet ready for me though.”

I gave him a reassuring smile. What a lover boy. Halatang in love. “Yeah, right. You wait and really let destiny decide.”

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started