THE EXUBERANT MAN – EXPOSITION

EXPOSITION

Nakangiting binabati ko lahat ng makasalubong ko sa hospital. May kasama pang pagyuko. Kung hindi n’yo kasi matatanong, mahilig akong gumaya ng mga culture. Yung pagbo-bow kapag bumabati ay nakuha ko sa mga hapon. Yung pakikipagbeso sa mga kaibigan ay napanood ko sa mga westernized country kaya naman in-adapt ko. Pero Pilipina ako, a? Sa dugo at laman. Pa-DNA n’yo pa origin ko. Natutuwa lang kasi ako.

“Mukhang maganda ang gising natin, Nurse Clarissa Mae?” Nakatawang bati ni Dra. Richelle.

Natawa rin ako tapos nag-bow. “Annyeong Hasaeyo, Doktora!” Sunday kasi kaya masaya ako. Katatapos ko lang sumamba at tumupad.

Tinawanan na lang nya ulit ako. Napanguso naman ako at dumiretso na sa Staffs’ room para ilapag ang bag ko. Pagkatapos ay nag-log in na ako at dumiretso sa may lobby. Ngiting-ngiting binati ko si Janna Marie, nurse rin, na kasabay ko sa nurse’s station naka-duty.

“Buen dia, Janna Marie!”

“Hello, Clarissa Mae!” Nakangiti rin nyang ganti.

Katulad ko ay makulit din si Janna Marie. Kaming dalawa ang parang mga tangang nagbabatian na sobrang high-pitched ng boses. Minsan dahil sa ganon ay napagalitan kami ng head nurse. B-in-an kami ng isang buwan sa may lobby. Naging assistant kami sa X-Ray room. Ayoko pa naman doon. Boring. Allergic pa man din ako sa boredom kaya naman halos mamatay-matay talaga ako ro’n. Nakiusap na lang ako sa head nurse na magpapakabait na lang ako kaya binalik na nya ako sa lobby. Magkasama na ulit kami ni Janna Marie.

Hinarap ko na ang mga medical paper roon. Pinagsama-sama ko ang mga file ng bawat doktor para pagpunta nila rito ay iaabot ko na lang. Si Janna Marie ay nakatutok sa computer. Narinig kong may iniutos sa kanya ang direktor nitong hospital. Aligaga nga ang gaga. Natataranta sya kanina pa kaya panay kantyaw sya sa akin, e.

“Clarissa Mae?”

Napaangat ako ng tingin. Yung pinakamagandang doktor, na kamukha ni Kate Winslet ng Titanic, ng hospital na ito ang nakatayo sa tapat ko. “Doc Paloma! Magandang hapon po!”

She smiled at me. Ang ganda n’ya talaga. Crush ko ‘yan si doktora. Maganda naman kasi talaga sya. Matalino pa at magaling sa propesyon. Hindi nga lang sya nagpe-perform ng surgery o ng operation. Pwede naman n’yang gawin iyon kasi nag-residency sya sa ibang bansa pero hindi nya na itinuloy rito sa pinagtatrabahuhan namin.

“I need the files of Room 307.”

“Oh! Yun lang po?” Tanong ko na mabilis na kinuha sa drawer ang mga inayos kong file kanina. Hinila ko sa pinakailalalim ang may ‘Dra. Paloma Anne Cortez’ na pangalan at agad inabot sa kanya iyon.

“Yes, Clarissa Mae. Thank you. Gotta go.”

Nakangiting sinundan ko ng tingin si Dra Pam. Ang ganda talaga niya. Haist. Kung ganyan din ako kaganda, baka nag-model na lang ako.

“Clarissa Mae!”

“Po!” Napatayo ako sa gulat na sigaw ng kung sinomang tumawag sa akin.

Si Doctor Jeric ang tumawag at sinenyasan nya akong kumuha ng stretcher. Mukhang may pasyente kaya agad akong tumakbo. Nakakuha na ako ng stretcher at tumatakbong lumabas ng lobby. May ibinababang sugatang lalaki sa isang van. Akay-akay sya ng limang laki. May babae rin na umiiyak sa tabi.

Lumapit ako sa pasyente at umalalay para makahiga sya. Napatingin ako sa mukha nya. In fairness, a? Gwapo ang lalaki.

“Gunshot wounds. Three bullets,” kompirma ni Doc Jeric.

May lumapit sa aming staff ng hospital at tumulong sa pagtutulak pa-emergency ng pasyente.

“Clarissa Mae, call Doctor Pam,” utos ni Doc Jeric.

Nagtataka man ay pumunta akong Room 307. Nagra-rounds si Doc Pam. Agad kong sinabi ang nangyari kaya naman ako raw ang tatapos sa rounds nya. Grabe lang, a. Nurse lang kaya ako. Hmmp. Kung bakit naman kasi nagsabay-sabay ang pasyente ngayong araw. Kanina nga ang daming pumunta rito. Mga naaksidente sa bayan kaya naman aligaga sina Doc Pam at Doc Jeric. Dalawang doctor lang silang natira rito dahil sa hindi malamang dahilan nasa volunteer work ang karamihan sa mga doktor. Buti yung direktor ‘di sumama.

Ako na nga ang nagtuloy sa pagtingin sa mga pasyente. Nakikipagtawanan pa ako. Kasundo ko naman kasi ang mga pasyente at ang lahat ng staffs ng hospital. Ewan ko ba. Minsan nga tinanong ko si Janna Marie kung bakit ganon, ang tanging sagot lang nya ay Interpersonal smart daw ako. Magaling ako sa socialization. Totoo naman kasi.

“Ilang taon ka na nga ba, Clarissa Mae?” Tanong ng may katandaang babae sa pinakadulo ng ward.

Nakangiting ch-in-eck ko ang dextrose at IV nya bago sumagot. “25 na po ako.”

“Aba’y pwede ka na palang mag-asawa!” Sabi naman nung isa pa.

Nagtawanan yung mga nakarinig. Napailing-iling na lang ako. “Naku. Darating din tayo dyan, Nanay.”

“Wag kang gumaya kay Doktora, a? Ke ganda-ganda at ke katali-talino pero walang asawa. Kilala ko na sya mula bata pero hindi man lang nagkaroon ng nobyo.”

“Kayo po, a? Pinagtsi-tsismisan nyo si Doktora Pam! Susumbong ko po kayo.”

Nagkatuwaan pa kami hanggang sa matapos na ako roon. Bumaba ako at lumapit kay Janna Marie na nasa may computer pa rin nakatingin. Kasama na nya yung isa pa naming kasamahang nurse, si Mikaella o Mikay.

“Mikay! Ngayon lang kita nakita! Hindi ka nag-lunch?” Hindi ko kasi sya nakita sa cafeteria.

Tumango sya sa akin at umupo. “Kaya nga. Grabe kasi si Head Nurse. Ako ang pinagbantay sa may CT Scan room. Ang creepy talaga ro’n. Ako lang mag-isa buong maghapon. Grabehan lang talaga. Nakakainis!”

Natatawa ako. Yung CT Scan room kasi ng hospital na ito na nasa pinakadulong kwarto ng pasilyo sa second floor ay may history. May nagpaparamdam daw kasi roon. Ewan ko kung totoo. Sa dalawang taong pagtatrabaho ko rito ay hindi pa ako na-a-assign doon. May namatay kasing doktor doon. Yung dating on-duty sa pag-c-CT Scan. Atake sa puso. Ngayon daw nagpaparamdam na. Hindi naman ako naniniwala sa multo. Syempre demonyo lang iyon. Nasa bibliya nakasulat iyon kaya mas paniniwalaan ko iyon kaysa matakot ako.

“Hindi naman totoo ang multo. Dyablo lang yun.”

“Ewan ko sa’yo. Kapag naranasan mo iyon, naku! Iiyak ka talaga.”

Naalala ko noon, iyak nang iyak si Mikay kasi nakita raw nyang gumagalaw yung keyboard. May nagta-type daw sa computer. Tawa lang ako nang tawa noon. Malay ko ba kung totoo.

Napatingin ako sa malaking wall clock. Quarter to seven na. Malapit na kong mag-out. Binalingan ko si Janna Marie.

“Uuwi na ko mamaya, Janna Marie. Hindi ka sasabay?”

“Baka hindi na. Kailangang tapusin ko pa ito.”

Napanguso ako. Ano ba kasing pinapagawa ni director at aligaga si Janna Marie? Naku. Uuwi na nga lang akong mag-isa.

Lalagda na sana ako sa log in/out book nang mamataan ko si Doc Pam na may kasamang gwapong lalaki. Napangiti ako. Umuulan ng mga gwapo ngayon, a?

“Clarissa Mae, contact the director. Kailangan kamo syang makausap. ASAP.”

“Ha? Ah, sige po, Doc Pam! Wait lang po.” Ginawa ko na yung sinabi nya.

Lumagda na talaga ako at saka nagpaalam. Tinanguan na lang ako ni Doc Pam at nagba-bye na ako kina Janna Marie at Mikay.

Kinuha ko na yung bag ko at saka lumabas. Madilim na. Nakita ko yung isa sa medtechs ng hospital, na ka-close ko rin kasi magkababata kami, na pasakay ng motor. Kumaway agad ako at nagtatatalon.

“Marko! Marko! Sandali!” At tumakbo ako palapit sa kanya.

“Clang-Clang! Tapos na shift mo?” Nakangiti nyang tanong.

“Yep! Pa-bayan ka? Sabay ako!”

“Oo. Halika. Suot mo ‘to.” Inabot nya ang pink na helmet na lagi nyang dala. Minsan kasi sumasabay ako sa kanya, e. Magkapitbahay lang din kami. Mabait yang si Marko Lauderes. Inaasar ko lagi yan dahil sya yung nag-iisang taong hindi nagagalit. Totoo. Kapag may nagawa kang kasalanan sa kanya, napakahinahon nya. Ni hindi sya nagsasalita ng masasakit na salita. Anghel yan, e. Sabi nga nya sya raw guardian angel ko kasi ako pasaway. Tumatawa ako kasi totoo naman. Pasaway talaga ako.

Nakarating kami sa bayan. Nagpaalam na ako kay Marko na bibili ng pasalubong kina nanay at tatay at pati na rin kina ate. Pauwi pa naman yung panganay kong kapatid mamayang alas-diez mula sa Bulacan.

Habang nasa daan ay patingin-tingin ako sa paligid. Meron pa kayang nagtitinda ng suman? Puro ihaw na ang nakikita ko. Grabe naman. Dapat kahit gabi nagtitinda sila! Paano na lang ang mga katulad ko at ng pamilya kong napakahihilig sa suman? Lalo na at gabi lagi uwi ko ngayon. Grabe talaga. Dapat may suman!

Nakaikot na ako’t lahat sa palengke, na kaonti na lang ang mga tao, pero wala pa rin akong nabibili. Shemay na malufet talaga! Anong papasalubong ko? Sa may Puregold na nga lang ako bibili. Wala kwenta yung palengke. Nakakainis.

Palakad ako pabalik sa Puregold na nadaanan ko na kanina nang nakuha ng atensyon ko yung bilihan ng damit. May isang pink na jacket na naka-hanger sa labas. Napangiti ako. Mahilig ako sa pink. Lumapit ako at agad na sinalat yung tela. Lambot! Gusto ko ito. Kung di nyo alam, mahilig ako sa jacket. Collector ako ng jacket, e. Ewan ko ba. Noong bata kasi ako naadik ako sa mga palabas na may snow tapos laging naka-jacket yung mga tao kaya naman nag-iipon ako ng ganoon din. Feeling ko kasi darating yung araw na maninirahan ako sa ibang bansa na umuulan ng yelo at malamig. Magagamit ko lahat ng jacket at sweater ko. Ang brainy ko talaga!

Bibilhin ko ‘to.

Hinanap ko yung tindera. “Magkano po ito?” Itinuro ko ang jacket.

“1, 750.00 po.”

“Ano?” Namilog ang mga mata ko. 1, 750? Waah! Kasing-presyo na sya ng limang jacket ko! “Grabe naman. Ganito talaga kamahal? Wala ng tawad?”

Ngumiwi ang tindera at umiling. “Fix na po talaga yan. Wool po kasi ang tela nyan. Handmade from Gangnam pa.”

“Gangnam, South Korea?” Paniniguro ko. Kung sa Gangnam yan aba! Bibili na ako!

“Opo, Ma’am.”

“Ganon?” Tuwang-tuwa ako. Maganda ang pinagmulang lugar kaya pala mahal ang presyo. Pwede na rin. Hawak-hawak ko na ang jacket nang bigla may kumuha noon sa kamay ko. “Oy!” Gulat kong turan. Nawala sa hawak ko yung jacket!

“Ate, bibilhin ko na ito. Magkano?” Tanong nung lalaking mang-aagaw ng jacket. Napatulala ako sa kanya.

“1, 750 po.”

“Okay.” May inabot sya sa babae na pera. Bigla akong nagising sa pagkatulala at inagaw ang jacket sa kanya.

“Ako ang unang nakakita nyan kaya akin na! Mang-aagaw kang, animal ka!”

“Hey, you!” Sigaw rin nya na inagaw muli ang jacket sa akin. “Nabili ko na ‘yan kaya akin na yan.”

“Hoy, animal ka! Ako ang unang nakakita nito kaya ako ang bibili. Naiintindihan mo?” Grabe! Hini-highblood na ako sa baklang ‘to. Kalerkey sya, a!

“You have a bad mouth, young lady. Wala kang manners. Matuto kang gumalang sa matanda. Nabayaran ko na ‘to kaya akin na yan!”

“Aba! Hoy! Para sabihin ko sa’yo, mukha lang tayong magka-edad! Matanda-matanda, your ass! Iyang ugali mo, bastos! Babae ako tapos sinisigawan mo ako? Ang pangit mo! Akin na yan!” Hinaltak ko pa rin ang jacket sa kanya. Pero matigas talaga ‘tong baklang pangit na ito, e. Hindi ko makuha sa kanya!

“Eh, excuse me, Miss. Nabayaran na po nya yang jacket kaya sa kanya ko na ipagbibili,” biglang singit ng tinderang kanina ay nakatingin lang sa amin. Kanina pa sya nakatingin. Ni hindi man lang nag-konsiderasyon! Ako nga ang unang nakakuha nitong jacket! Nahuli lang akong magbigay ng bayad. Ang sama!

Napalabi ako. Nabitiwan ko yung jacket kaya nakuha nya na agad. Ngiting-ngiti sya sa akin.

“Better luck next-”

Tumalikod kaagad ako. Nakaiinis! Akin na yung jacket, e. Takte talaga.

“Clarissa Mae, okay lang. Maganda ka pa rin naman. Hindi mababawasan yang kagandahang taglay mo kasi maganda ka na nga,” pagkonsola ko sa sarili ko. Inis na inis talaga ako.

“Clang-clang!”

May tumawag sa akin. Nagpalingon-lingon ako. Sino yun? Mga kababata ko lang yung tumatawag sa akin ng ganoon.

“Clang!”

Pinokus ko ang mga mata sa may kalayuang lalaking kumakaway sa akin. Kababata ko nga yun.

“Desura-me!” Natatawa kong tawag. Tumakbo sya palapit sa akin. “Ang tangkad mo na, Desura-me!” Huling kita ko sa kanya a year ago pa.

Natawa rin sya. “Desura-me pa rin tawag mo sa’kin. Baliw ka talaga. Na-miss kita!”

“Na-miss din kita, Desura-me!” Tuwang-tuwa talaga ako sa tawag ko sa kanya. Ewan ko ba. Ako nagpauso nyan, e. Niyakap ko sya at pinalo-palo sa likod.

“Nga pala, may papakilala ako sa’yo,” aniya nang humiwalay sa yakap ko.

Nanunuksong tinusok ko sya sa tagiliran. “Girlfriend mo no?”

Nakangiti syang tumango. Nanlaki naman ang mga mata ko. “Whoa! May girlfriend ka na, Desura-me?”

“Oo. ‘Lika. Papakilala kita.” Hinatak nya ako at naglakad kami.

“Sino? Anong pangalan nya? Iglesia? Syempre naman. Di ka naman mag-ge-girlfriend ng di Iglesia. Maytungkulin? Anong tungkulin nya? Mang-aawit? Kalihim? Kagawad? Desura-me! Ano nga? Di mo sinasagot tanong ko!” Napa-pout na ako.

“Ang dami mo kasing tanong. Mamaya na. Pakikilala muna kita.”

Pumasok kami sa Aryang’s Eatery. Kilala ko yung may-ari nito. Kaklase ko kasi sa college yung anak. Inikot ko ang mata sa kainan. Maraming tao.

“Sino dyan, Desura-me?” Kalabit ko sa balikat nya.

“Yung nasa dulo sa may bintana.”

“Sino?” Tinignan ko yung sinabi nya. Palapit na rin kami. May maputing babaeng nakatingin sa direksyon namin. “Sya ba?” Ang ganda nya.

Ngumiti yung babae nang makalapit na kami. Humarap naman si Desura-me sa akin nang nakangiti.

“Clang-clang, si Julie Ann. Girlfriend ko. Ja, si Clang-clang nga pala. Yung kinukwento ko sa’yo.”

“Konichiwa, Julie Ann. Ang ganda mo. Paano mo sinagot si Desura-me?”

“Hi, Clang? It’s so nice to finally meet you. Who’s Desura-me?”

Englishera! Nosebleed ako! “Ito, o. Si Desura-me. Ilang taon ka na? Saan ka nakatala? Sabi ni Desura-me Iglesia ka rin? Anong tungkulin mo? MT ka ba? Siguro mang-aawit ka no?”

Humalakhak si Desura-me. Hinatak nya ako at iginiya paupo. Tumatawa na rin yung gf nya.

“Bakit?” Tanong ko.

Natatawang sinagot ako ni Julie Ann. “Ang cute mo kasi.”

Napangiti ako. May naka-appreciate ng mukha ko. Cute kaya ako sabi ni nanay at tatay. Sabi rin ng mga kaibigan at bagong nakikilala ko. Tignan mo. Cute raw ako sabi ni Julie Ann.

“Pasensya na, Ja. Madaldal lang talaga yang si Clang.”

“It’s okay. Ang cute nga, e,” nakangiti nyang sagot. Bumaling sya sa akin. “Sa Lokal ng Capitol, Distrito ng QC ako nakatala. And no. Kalihim ako.”

“O! Kaya siguro kayo nag-meet ni Desura-me? Sumamba ka na pala sa Capitol? Madaya! Hindi mo ko sinabihan. E di sana nakasamba kami ni Marko ron!”

“Matagal na yun. Pasensya naman. Nakalimutan ko, e. Sige ba. Samba tayo sa Capitol next time.”

“Sabi mo, a?”

“Why Desurame? Di ba its Kazuro?”

“Nickname nya lang sa’kin yan. Kinasanayan na rin ng iba ko pang kaibigan dito.”

“Kasi kasura-sura sya. Inaaway ako nyan dati. E, napapangitan ako sa Kazuro-”

“Grabe ka sa pangalan ko!”

“E, sa pangit naman talaga. Kaya nag-isip ako ng bago. Desura-me. Mas gumanda pangalan nya.”

Natutuwa talaga ako sa gf nya. Dinudugo ilong ko sa salita nya. Sanay na sanay syang mag-English habang ako hindi ganoon kagaling. Marunong ako pero hindi ko kayang makipag-usap in English.

Anong oras na kami natapos sa kwentuhan. Hindi namin namalayan yung oras, madaling-araw na pala. Kaya pala text na nang text si Nanay. Pinasundo pa ako kay Marko. Nanay talaga. Inabala pa yung tao.

“Sino susundo sa’yo? Hatid ka na namin.”

“Wag na. Si Marko na raw susundo. Aabangan ko na lang.”

Nagpaalam na ako kina Desura-me at Julie Ann. Aabangan ko sa tapat ng Generika si Marko. Nakakahiya lang talaga. Ginising siguro yun ni Nanay. Kanina pa yun nakauwi, e.

Naglakad ako pa-Generika. Medyo malayo pa yun. Nadaanan ko pa nga yung pwesto nung dapat bibilhin kong jacket. Napasimangot ako nang maalala ko yung lalaki. Kainis talaga!

Nakikita ko na yung Generika sa kabilang kanto. Patawid na ako nang may biglang humahagibis na sasakyan na dumaan. Napatili ako. Muntikan na ako!

Shit! Shit! Buti na lang at naka-step ako pa-backward. Hagip na hagip na talaga ako ng sasakyan. Oh my God! Muntik na! Napatingin ako sa kotseng muntik nang makapatay sa akin na huminto sa di kalayuan.

“Clarissa Mae!”

Na-divert ang tingin ko nang marinig ang boses ni Marko na tumatakbo palapit sa akin. Napahinga ako nang malalim. Buti dumating na sya.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started