SS – EL OCULTAS PAIS

When I was a child, my father said that I should not let my study hinder my education. I asked him what he meant but he just smiled at me. He said that I would know it in the latter part of my life. So, I tried to research on it when I was in high school. I found nothing in the books that’s why I asked people around. Good thing I have an elder sister who knew a lot in this world. She answered me that studies were the things I learned in school like all of my subjects while education was the behavior and attitudes learned through observation. I was enlightened when I knew the answer. I was so happy but suddenly felt sadness because father was not there to hear my answer anymore.

I sighed.

“Ang lalim, a?”

Napatingin ako kay Sharmaine na nakakunot ang noo sa akin. May hawak syang libro ng Mathematics at mukhang nagbabasa pero naistorbo ko dahil sa paghinga nang malalim.

“Sorry,” mahina kong saad. Inikot ko ang tingin sa library kung nasaan kami para tignan kung bukod sa kaibigan kong matalik ay may naistorbo pa ako. Wala naman.

“May problem ba?” Tanong nya na isinarado na ang hawak na libro.

“Tapos ka ng magbasa?” Tanong ko. Kanina pa kasi nya hawak yung libro.

Umiling sya at nagtanong ulit. “Minsan ka lang mag-sigh kaya na-curious ako. Bakit?”

Napailing ako. “Wala naman. Naalala ko lang si papa.”

“Oh,” tanging sambit nya na kinuha naman ang panulat at papel sa loob ng bag niya. Pagkatapos ay tumingin muli sya sa akin. “Thursday ngayon, di ba? Uuwi ka na ba sa inyo bukas? Hanggang kailan ka? Sa enrolment ka na ba babalik?”

“Siguro. Tumawag si ate kaya baka uuwi ako at magtuloy-tuloy na.”

Nakatanggap kasi ako ng sulat mula sa nakatatanda kong kapatid na nagtatrabaho sa Amarillo na uuwi sya. At dahil miss ko na sya, uuwi muna ako.

“Gano’n? Sayang. Isasama sana kita sa party bukas. Kilala mo ba si Ashton Agoncilla?”

“Hindi.”

“Yung star player ng baseball?”

Umiling ako. Hindi ako mahilig manood sa mga laro.

Ngumuso siya sa’kin na parang disappointed na disappointed. Bahagya akong napangiti.

“Bakit? Ano bang pa-party nya?”

“Birthday nya bukas. May party na magaganap sa Municipalia.”

“Imbitado ka ba?”

“Oo naman. Para saan pa at ako ang reigning Señorita?”

Natawa ako. Minsan talaga si Sharmaine conceited. Tama naman sya. Maganda, matalino, mayaman, at talented pa siya pero mayabang din minsan, e.

“Ano? Sama ka? Kahit sandali lang tayo tapos ihahatid kita sa istasyon ng tren,” aniya.

“Ano ka ba? Hindi naman ako imbitado kaya bakit sasali ako sa party. Ikaw na lang,” tanggi ko. Hindi ko lang talaga forte ang mga gusto ng kaibigan ko. “Hindi ka ba uuwi sa inyo?”

“Wala sina mama. Nasa Candelaria. Kaya stay muna ako rito.”

“Gusto mong magbakasyon sa amin?” Tanong ko habang nagliligpit na ng mga gamit. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang ikalawang semester ng taong ito. Maririnig mo ang sigawan ng mga kapwa ko estudyante. Tapos na ang sem, sa wakas.

“Gusto ko sana. Kaso may lakad kami sa Azul ni CJ.” Tukoy nya sa boyfriend nya mula nung first year kami.

“Saan na naman gala nyo? Parang nung nakaraang bakasyon lang nasa may Amarillo kayo. Nakita pa kayo ni Ate.”

“Ano ka ba naman, Mika. Minsan lang ‘to. Ang layo-layo ng school nya, e.”

“Oo na. Wala na akong masabi.” Natatawang tumayo na ako at nagpaalam sa kanya na babalik na sa dormitoryo. Mag-aayos na ako ng gamit. Bukas ako ng madaling-araw aalis para bago pa lumalim ang gabi ay nasa Casalaran na ako, tawag sa balangay kung saan ako lumaki at nagkaisip.

Patawid na ako sa footbridge ng Education building at Engineering Department kung saan ay may shortcut papunta sa dormitoryo nang hindi sinasadyang nabitiwan ko ang mga librong hawak ko. Natigilan ako. Para kasing may nakatingin kaya inilibot ko ang paningin.

Wala.

Nagpalinga-linga ako. Tanging mga masasayang mukha ng mga mag-aaral ang nakikita ko. Wala namang kakaiba. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nararamdamang uneasiness. Baka naho-homesick na lang ako.

Madaling-araw pa lang ay nasa may istasyon na ako ng tren. Tulog na tulog pa si Sharmaine ng umalis ako. Hinayaan ko na lang at sumabay sa iilang tulad ko na nakatira sa malayong lugar.

Alas-singko ng umaga ay palabas na kami ng Greencity kung nasaan ang school na pinapasukan ko. Pumwesto ako sa pinakabintana. May mga kasama ako sa loob ng cabin. Kapwa ko mga kaklase sa paaralan na mga nakatira sa Town center ng Verde.

“Pupunta ba si Sharmaine sa party mamaya?” tanong ng isaa kong kaklase.

“Oo, e. Kaya nga ‘di ko kasabay.”

“Mahilig talaga sa party yang kaibigan mo, e no?”

Tumawa na lang ako at tumingin na sa bintana. Tanaw na tanaw ko yung lighthouse sa mataas na bahagi ng Greencity. Patuloy na umiikot yung ilaw sa pinakataas na bahagi niyon. Binabantayan kung may papasok ng walang pahintulot ng lugar.

Ang Greencity kasi ay nasa gitna ng Verde lake. Hindi ka makapupunta roon kung hindi mo alam kung ano-ano ang mga lagusan. Tatlo lang naman ang paraan para makapasok ka sa loob, e. Una, sa pamamagitan ng tren. Pangalawa, sa ilog na magbabangka ka. Pangatlo at pinakahuli sa lahat ay ang pagdaan sa malaking gate sa may footbridge. Mahihirapan kung sinuman ang nagbabalak pumasok sa loob lalo na kung hindi nya alam ang pasikot-sikot sa lugar. Masyadong masalimuot.

Nakatingin lang ako sa labas ng salamin at panaka-nakang nakikinig sa kwentuhan ng mga kasama ko sa loob. Nakatulog din ako kahit paano kasi pagdilat ko nasa may town center na ako. Padilim na rin ang paligid.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang mapagdesisyunan kong mag-ikot muna. Minsan lang akong umuwi na mag-isa kaya susulitin ko na. Si Sharmaine kasi ay masyadong tamad maglakad sa pasilyo ng tren kaya hindi ako makpaglibot—libot minsan.

Mga mukha ng mga kapwa ko mag-aaral ang nakikita ko sa tren. Mayroon din akong nakikitang mga taga-Municipalia nag-aaral. Pasimple lang akong tumitingin sa kanila hanggang sa makarating ako sa pinakaunahan ng tren kung saan kitang-kita ko ang dinaraanan namin. Halos berde ang nakikita ng aking mata. Nakalagpas na kami sa lawa. Sa kabundukan na kami kung saan mga pani-paniwala na may naninirahan daw na mga kakaibang nilalang.

I was not believing those tell tales that people living in the forest were savage and wild. They were also humans like us so what’s to bother? Hinihinga nila ang hanging parehong hinihinga natin.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang nag-preno ang tren. Halos sumadlak ako sa salaming naghaharang sa akin sa labas. Dinig ko rin ang tlian ng mga pasahero. Nakabibinginng screeching sound ang pumailanlang sa’king mga pandinig kay napapikit ako. Nang idilat ko naman ang mga marta ay namulatan ko ang isang itim na aninong nagkukubli sa malaking puno na nasa labas lang. Halos malapit lang siya sa tren. Anino? Anino ng tao! Napatayo ako. Hindi iyon anino… kundi tao na nakatayo sa ilalmin ng anino ng puno ng Acacia.

Hindi ko alam ang gagawin nang tumama ng mga mata ko sa mata ng taong iyon. Itim na itim, kabaliktaran ng kulay ng kanyang balat. Tinitigan ko sya at unti-unti akong humakbang palapit sa salamin. Nakatingin pa rin sya. Hindi ko alam kung saan ba sya nakatingin pero nakikita ko ang napakaitim na kulay ng kanyang mga mata.

“Excuse me.”

Napalingon ako sa biglang salita ng kung sino man. I saw no one behind me. Napabalik ako ng tingin sa tao sa may puno. Wala na sya! Teka? Saan nagpunta iyon? Isa ba sya sa mga naninirahan sa loob ng kagubataan? Ang bilis nyang nawala! Saka… sino yung nagsalita sa likod ko?

Napalingon muli ako. May nagsalita talaga, e. Sino iyon?

Napaigtad ako nang bumukas ang sliding door at pumasok ang isa sa mga attendees ng tren.

“Miss, okay ka lang po ba?” Tanong nya sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa labas at sa attendee.

“Miss?” untag nya ulit. Napailing ako.

“Uhm… yes po. Okay lang po ako. Pasensya na. M-may… may… akala ko kasi may nakita akong ano. Hindi ko alam. Namalikmata lang siguro ako. Pasensya na,” ani ko at agad na nilagpasan sya.

“Wait, Miss!” Tawag na nama nung attendee. Wala na sana akong balak huminto kaso natigilan ako sa sinabi nya. “May naiwan po ‘ata kayo?”

Napalingon ako. May hawak syang kwintas at agad na lumapit sa akin para ibigay iyon.

“S-sandali lang,” angal ko at akmang ibabalik ko na ang kwintas ng makita kong wala na akong kausap. Oh no! Nangilabot ako. Nasaan na yung babae? Nagpalinga-linga ako pero wala na talaga. Walang ibang daanan palabas kung hindi sa kinatatayuan ko. Wag niyong sabihin na isa iyong multo? Nabitiwan ko ang kwintas. Hindi akin ‘yan! At agad na tumakbo pabalik sa pwesto ko kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Pagkatapos sa tren ay sumakay ako sa caratella. Dalawang oras na byahe pa bago ko marating ang bahay namin na nasa may pinakadulo ng syudad nakapwesto. Halos malapit na nga kami sa border ng Amorillo at ng pinakamalawak na kagubatan sa lugar.

Pasado ala-siyete ay nasa harap na ako ng tarangkahan ng aming tahanan. Limang buwan din akong hindi nakauwi kaya naman parang nakaramdaman ako ng kasiyahan ng muling masilayan ang maliwanag pa naming bakuran. Tumuloy na ako hanggang sa may pinto at bahagyang kumatok. Hindi nagtagal ay ang mukha ng mama ang sumalubong sa akin.

“Mika!”

“Mama,” yakap ko sa kanya. Ibinaba ko na lang basta ang gamit ko ng niyakap ko ang mama.

“Nakauwi na ang bunso ko,” aniya na hinaplos-haplos ang buhok ko. Pumasok kami sa loob at agad nya akong pinaupo sa may sofa.

“Gusto mo bang kumain?”

“Hindi na, ‘ma. Nakakain na ako sa may tren.”

“Ganoon ba? O siya. Magpahinga ka muna at parating na rin ang ate mo.”

“Opo, mama. Akyat muna ako sa kwarto ko.” Humalik ako sa pisngi nya bago umalis at umakyat na sa kwarto ko.

Inayos ko ang mga gamit ko. Inisa-isa kong alisin ang lahat ng laman ng bagahe ko ng mapatda lamang dahil sa may kwintas na nakaipit sa pagitan ng mga damit ko. Napatayo ako.

“Ma. Mama. Ma!” tili ko. Hindi lumipas ang segundo nang bumukas ang pinto at niluwa niyon si mama na humahangos.

“Bakit?”

Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. Pagkatapos ay itinuro ko iyong kwintas na ngayon ay wala na sa damitan ko.

“A-ano? Nasaan na? Nandito lang yung kwintas, ‘ma. Hindi ko alam kung bakit nasa akin iyon pero sinundan ako ng kwintas na iyon mula pa sa tren, mama,” nanginginig ang labing turan ko. Hindi ako humiwalay ng hawak sa nanay ko dahil sa takot ang bumabalot sa akin ngayon.

Nangunot ang noo nya. “Ano bang sinasabi mo, Mikaela? Anong kwintas?”

“Yung may pendant na bilog – ” natigilan ako. Hindi pa naman nakikita iyon ng nanay ko kaya paano nya malalaman?

“Pendant na bilog na may nakaukit na isang templo na napapalibutan ng kristal?”

“Huh?”

Lumayo sa akin si mama. “Ano ka ba naman, Mikaela? Suot mo ang kwintas mo.”

“Huh?” Napayuko ako at ganoon na lang ang panggigilalas nang makita ko ang suot kong kwintas.

Napatili ako nang napakalakas.

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started