KISMET, The Blood

“No, daddy.”

Napatingin kami ni Mina sa mag-daddy nang sumagot si Iliad. Ibinaba ko ang mga gamit na dinala sa hospital noong nakaraan. Kalalabas lang namin sa hospital. Sinundo at hinatid kami nina Josh at Mina. I was really apologetic with them kasi na-postpone ang supposedly honeymoon nila three days ago. Ayaw umalis ni Josh hangga’t hindi okay si Iliad kaya todo ang hingi ko ng paumanhin kay Mina na tinawanan lang ako.

“It’s okay, Lhes. I don’t mind. I love Iliad, too. If Josh would not stay, I would. I wanted to make sure he’s okay before I have fun, right?”

Kaya laking pasalamat ko na lang talaga. Napabalik ang tingin ko sa mag-daddy na mukhang masinsinan na nag-uusap sa sala. Napailing na lang ako. Pareho naman pasaway ang dalawa kaya sila talaga magkakaintindihan.

Niyaya ko na lang si Mina sa kusina para mag-ayos ng dinner. They were staying here for the meantime. Sa makalawa ay itutuloy na nila ang honeymoon abroad. Kami na lang maiiwan ni Iliad dito. Though sa bandang taas lang naman ng kanto namin ang magiging bahay nila ay mami-miss ko ang laging magulo at pasaway na kaibigan. Paano na lang pala kung mag-asawa na rin sina Han at Dust? Well, kasama ko naman si Iliad kaya I would be fine.

A week passed just like that. Nakabalik na ulit sa school ang makulit na bata. Ngayon nga ay sinundo ko siya kasi sa labas kami kakain. Hindi na ako magluluto dahil dalawa lang naman kami sa bahay. Hans was in a seminar in the north. Sobrang busy na rin niya lagi. He’s been preparing to take the examination for Principals kaya todo aral and attend siya ng seminar. Dustin, on the other hand, got busied with the case he’s holding. Speaking of, he’s calling.

Pinapasok ko muna sa sasakyan si Iliad bago sinagot ang call.

“Yes? What’s our problem?”

Hindi agad sumagot si Dust. I could hear crumpling of papers and parang may hinahanap siya na kung ano. Pumasok na ako sa driver’s seat at inilagay sa phone holder ang cellphone.

“Dust, naka-loudspeaker ka, a,” inform ko habang inayos ko ang seatbelt ng anak.

Tumingin sa akin si Iliad. “Tatay?” Itinuro niya ang phone kaya tumango ako.

“Tatay, I miss you!” Bigla siyang nag-lean malapit sa phone at nakangiting binati ang tatay niya.

“Oh, shit. Sorry. Hi, big man! Do you miss me?” From sobrang inis na boses ay biglang naging sweet si Dust. Iba talaga charm ni Iliad, e.

Tumango-tango si Iliad na akala mo ay kaharap lang ang kausap. Siguro ay limang minuto muna silang nag-usap bago ako naman na ang hinarap niya. Kinabit ko ang earpiece. Careful lang kami minsan mag-usap lalo na if adult issues. Masyado kasing matalino si Iliad. Mabilis maka-pick up ag anak ko ng emosyon at issues. Alam na niya agad ang nangyayari kahit hindi na siya magtanong.

“Am I still on a loudspeaker?” He asked.

“No na.” Nilinga ko ang anak na busy na sa panonood sa Ipad. Iliad’s into architecture and engineering. Gustong-gusto niya mag-drawing ng buildings at manood ng construction.

Malalim ang paghinga ni Dustin. Something’s wrong.

“Okay ka lang?”

“Yeah. Dead tired. I’m sorry if I disturb you, Lhes. But can you please send a document I forgot at home? It’s in my room. It is in the upper part of the study cabinet. I’m sorry. I cannot leave now. I’ll be meeting with the lawyer of the suspect. I need that document.”

Oh. Akala ko naman kung ano na. “Iyon lang ba? Sige. Dadalhin ko. Saan? Sa office mo?”

Balak ko sanang ihabilin na muna sa kapitbahay si Iliad kaso umalis naman kaya no choice ako kung hindi isama na lang ang bata. Narinig niya yatang pupunta kami kay tatay niya kaya mas lalo siyang na-excite.

Umuwi lang kami sandali. Kinuha ang document na kailangan ni Dust. Na-c-curious ako kung anong laman ng envelope. But I respected privacy and confidentiality so hindi ko na tinignan. Ang alam ko Dela Rama case pa rin ang hawak niya. Matindi ang pressure sa kaniya, ramdam ko. Influential ang family ng biktima, e.

Dumaan na lang kami sa drive thru para mabilhan ng pagkain si Iliad. Past 4 pm na. Nag-message na lang ako kay Dust nab aka medyo matagalan kami dahil sa traffic. Hindi na siya nag-reply. Busy na siguro. Grabe. Matatapos na working hours niya pero may ka-meet up pa siyang lawyer. Hindi talaga uso sa prosecution ang on time na pag-uwi, ano?

Mag-six pm na nang makarating ako sa office niya sa Batasan. Inayos ko ang pag-park at ginising si Iliad na tulog na. Iwan ko na lang kaya? Kaso baka magising siya na hindi ako makita. So, I decided to wake him up. Tulog na tulog na siya.

“Paano ba ito?”

I tried calling Dust para salubungin na lang niya kami kaso hindi na siya sumasagot. No choice na ako kaya binuhat ko na lang si Iliad. Hawak ko ang envelope sa isang kamay at nakasukbit sa balikat ang body bag.

Binati ako ang guard. “Magandang gabi po.”

Tumayo iyong guard. “Magandang gabi, Ma’am. Saan po kayo?”

“Kay Prosec Consuegra po sana.”

“Kay Prosecutor Consuegra po? Sandali, Ma’am. Tawagan ko ang office niya. Upo muna kayo.”

Hindi ako tumanggi kasi may kabigatan na rin talaga ang baby ko. Hay naku. Tulog na tulog pa rin kahit na umupo ako at medyo nagalaw siya kasi inayos ko ang binti niya.

Bago hawakan ng guard ang telepono ay nagtanong pa siya sa akin. “Asawa po ba kayo ni Prosec Consuegra, Ma’am?”

Napalinga ako sa guard. Asawa? Ako? “Ay, hindi po. Kaibigan po niya ako.”

“Eh, anak niyo po siya?” Turo niya kay Iliad.

“Opo.”

“Anak po siya ni Prosec, ‘di ba? Nakita ko po kasi sa cellphone niya. Profile pic po niya ang picture nilang dalawa,” aniya.

Alanganing ngumiti na lang ako. Hindi ko rin kasi alam paano ipaliliwanag ang sitwasyon naming magkakaibigan. Napakamot na lang sa ulo si Manong Guard at hindi na nag-usisa pa. Tumawag na siya sa telepono.

“Ma’am, ano pong pangalan ninyo?” Baling sa akin noong guard.

“Lhesly Gonzales po.”

Nagpasalamat siya at ibinalik ang atensyon sa kausap sa telepono.

Pinagmasdan ko ang paligid. Mangilan-ngilan na lang ang mga tao na nandito. Tapos naman na kasi talaga ang working hours kaya ganito.

“Ma’am, okay na po. Paiwan na lang po ng ID ninyo.”

“Ah, okay po.” Kinuha ko muna sa bag ang ID ko bago tumayo.

“Sasalubungin po kayo ng secretary ni Prosec,” aniya sabay abot ng temporary ID para makapasok ako sa loob.

“Maraming salamat po,” ani ko at lumakad na.

Pagkapasok ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko nasa fifth floor ang office ni Dust kaya tumapat na lang ako sa elevator. Saktong pagbukas noon ay may babaeng naka-pencil cut na skirt, high heels, fitted blouse na babae.

“Miss Lhesly?” Paniniyak niya.

Oh. Baka ito ang secretary ni Dust. Based pa lang sa clothes, e. “Hello. Ako po iyon.”

“Good evening, Miss. Halika na po kayo.” Umatras siya para makapasok ako sa elevator.

“Thank you.” The elevator closed. Pinindot niya ang button 5.

“Kailangan niyo po ba ng tulong?”

Napansin niya yata na medyo nahihirapan ako sa pagkarga sa anak. Umiling ako. “Hindi. Okay lang po. Thank you.”

Tumango ang secretary. Mukha siyang strict. Mas strict pa siya sa akin tignan. Para siyang Professor na makita lang ang mali sa iyo ay pagagalitan ka. Ang bongga naman ng secretary ni Dust. Heto yata iyong kinukwento niya na parang robot kasi sobrang efficient daw sa work.

Pinaupo na muna niya ako sa waiting area sa fifth floor.

“Nasa meeting na po si Prosec, Miss. Patapos na rin naman po iyon kaya kung okay lang po sa inyo ay iwan ko muna kayo rito para ibigay rin itong dokumento? Pinapasabi rin po ni Prosec na sasabay na raw po siyang umuwi sa inyo.”

“Wala pong problema. Ayos na kami rito.”

“Gusto niyo po ba ng kape or any drinks?”

“Thank you,” iling ko na lang.

Tinanguan niya ako at pumasok na sa opisina ni Dustin. Inayos ko naman ang pagkakahiga ni Iliad sa akin. Mukhang pagod na pagod ang bata. Nakatulog na sa byahe. Nag-phone na lang muna ako habang hinihintay si Dust.

After twenty minutes siguro ay bumukas na ang pinasukan nung secretary kanina. Akala ko si Dustin na ang lumabas. It turned out na si… Wait? Atty. Andrew Buenaflor?

Mukhang natigilan din siya nang makita ako. “Hey,” aniya pagkalapit sa akin. Nakatingin siya kay Iliad.

“Hello, Atty Buenaflor. Dela Rama case?” Tantiya kong tanong. So, siya ang counsel?

Tumango siya. “You’re going to wait for Prosec Consuegra?”

“O-oo.”

Bahagya siyang ngumiti at biglang nag-squat sa harap ko. Nagulat ako. Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Iliad.

“Will you believe me if I tell you that your son looks a carbon copy of my elder brother?” He looked at me with that intensity in his eyes.

Napaawang ang labi ko. “W-what?”

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin at bigla na lang ngumiti, iyong ngiting pilit? “Uh, no. Nevermind. Your son just reminds me of my brother.”

Tumayo na siya. He pocketed his hands. “If I only knew you would be here, I already brought my gift to Iliad. Well, there is still next time. See you soon, Lhesly, right?”

I was left dumbfounded. What was that?

The following weeks made us busy. Halos hindi ko na makita ang mga kaibigan ko kahit sa iisang bahay lang naman kami nakatira, except Josh na nandoon na sa bahay nila. Hans took the exam. Waiting na lang ng result. While Dustin became busy with the case. Once a week na lang siyang makauwi. Kung hindi dahil inaawitan siya lagi ni Iliad ng bonding ay sa condo sa Q.C. na sana siya mag-stay.

March came. Birthday celebration ng mommy ni Dustin. Invited kami. Noong una ay wala na akong balak dumalo kasi for sure puro politician na naman ang makakasalamuha namin. Nang malaman yata ni Mommy Myrene na hindi ako dadalo ay pinuntahan ako rito at pinagalitan.

“You must attend the party, Lhesly Pearl! I invited many bachelors para may makilala ka. I also invited single ladies I knew! My goodness! Kayong magkakaibigan ang papatay talaga sa akin.” She fanned herself parang stress na sa amin.

Nagtaas ng kamay si Josh. Binalingan siya ni Mommy My. “I just got married, Mommy My. Am I still included in your stressor list?”

Pinigilan ko ang matawa. Hans and Dustin smirked. Si Iliad naman ay kumakain ng popcorn habang nagd-drawing ng bahay niya raw paglaki niya.

“Oh, you’re not anymore, Joshie. These people here,” turo niya sa aming tatlo. Mas lalong na-stress si Mommy My. “Just attend the wedding, Lhesly. I will leave you be kapag nagpakasal na rin kayo.”

“Mom, I’m busy. I don’t have time for marriage.”

“Mommy My, wala pa po sa plano ko magpakasal. Unahin na po muna ninyo si Lhes.”

Sinamaan ko ng tingin si Hans. “Mommy, okay na po ako kay Iliad. Palalakihin ko na lang siya. I’m good being alone.”

“What?” Mas lalo ko yatang pinainit ulo ni Mommy My. Pumasok siya sa kusina at si Mina naman ang kinausap. Dinig na dinig namin na stress siya sa amin.

Napailing na lang ako. Saka na. Kapag nahanap ko na ang tatay ni Iliad. Hanggang nasa poder ko siya ay hindi ako mag-aasawa.

In the end, we attended the party. The boys were wearing tuxedo. Matchy-matchy sila. Kami naman ni Mina ay fitted long gown na parehong champagne ang color. Mommy My gave the gowns to us. Pinatahi niya talaga para sa amin.

The party started. Halos politicians ang mga nandito. Though mga kamag-anak pa rin naman ni Dustin at ilang malalapit na kaibigan nila ang nandito. Nakaupo kami sa table na katabi ng parents niya. Si Mommy My yata ay ibinabalandra kami sa lahat. Hahanapan daw talaga niya kami ng asawa.

May cultural performance na nagaganap sa mini stage. Nakatuon ang pansin ng mga tao roon. Even Iliad na nakaupo sa kandungan ni Daddy Fred, Daddy ni Dustin.

I looked at my friends. Dustin was bored but still watching. Josh and Mina were smiling and talking to each other. Hans naman ay busy sa phone. Sinilip ko ang phone niya. May ka-text siya.

“Uy, sino iyan?”

Bigla niyang pinatay ang ilaw ng screen. Ay, iba. May tinatago si Hans. “Mind your own business, bro.”

“Wow. Defensive?” Tanong ko sa kaniya.

Natawa ako nang bigla siyang napainom ng tubig. I had been suspecting na may kalandian na talaga itong si Hans. Hindi pa lang siya nagsasabi.

Hindi ko na muna siya aasarin. Bukas na lang. Wala ko sa mood ngayon dahil sa party. I guessed hindi talaga ako extroverted na tao.

Nagsimula na ang kainan. Pwede na rin magsayawan at makipag-tsika tsika around. Nagkaniya-kaniyang business ang mga tao. Tumambay na lang ako sa desert area para hindi mapakilala sa kung sino-sino. Mahilig pa man din si Mommy My na ipakilala kami sa mga kakilala niya.

I just inspected kung may chocolate. Wala naman. So, safe si Iliad sa food. Kasama pa rin siya ni Mommy My.

“You’ve been staring at the strawberry cake for too long now, Miss Lhesly.”

Muntik nang tumalon ang puso ko sa gulat. Napatingala ako sa nagsalita. Tingala talaga kasi ang lapit niya sa akin at ang tangkad pa niya.

Napaatras ako. “Uh, iniisip ko kung kakainin ko o hindi, e.”

“Why? You don’t like strawberry?”

Inilingan ko siya. “Hindi naman. Ang ganda lang kasi ng design. Parang ang sarap titigan.”

Binaling ko ulit sa kaniya ang tingin matapos ituro ang strawberry. Nakatitig siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

“Uhm, hello?” Kinawayan ko siya.

Saka lang siguro siya natauhan. So, nakatulala lang siya kanina?

“Can we talk?” Bigla niyang sambit.

Napaturo ako sa sarili. “Ako?” Bakit kami mag-uusap ni Atty. Buenaflor? Wala naman kaming pag-uusapan. Hindi kami close, hello?

“Yes. I just wanna ask something important.?

“Sure ka na ako kakausapin mo? About ba ito sa case na hawak ni Dust. I’m sorry but-”

“It’s not about that,” he cut me off.

Napamaang ako sa kaniya. “Bakit mo ako kakausapin then?”

Iniwas niya ang tingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na pero hindi pa niya masabi. “About Iliad-“

“Teka. Kay Iliad?” Naalarma ako. “What about my son?”

Bigla siyang napatingin sa paligid namin. Then, walang ano-ano ay hinatak na niya ako palabas ng hall. Nasa pasilyo na kami ngayon ng hotel. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa pumasok at lumabas kami ng elevator. Tumapat kami sa pang-apat napinto mula sa elevator. Nakita ko na nilabas niya ang key card at bumukas ang pinto.

“Please come in,” aniya.

Tahimik na pumasok ako. I knew hindi ako dapat sumama sa kaniya kasi hindi ko naman siya kilala nang lubusan, but I had my phone with me. Mabilis naman akong mate-trace ng mga kaibigan ko just in case.

Hinintay ko siya bago siya sumenyas na umupo sa sofa. I sat down at hindi siya nilubayan na ng tingin. “What about my son?”

Tinitigan niya muna ako nang matagal bago siya may nilabas sa wallet niya. Inabot niya sa akin iyon.

Picture?

“Anong gagawin ko riyan?”

Iniumang pa rin niya ang picture. “Kindly look for yourself.”

Tinitigan ko rin muna siya bago ko kunin sa kaniya ang larawan. Larawan ng bata na kamukhang-kamukha ni Iliad. O si Iliad ito?

“That’s my brother Symon.”

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Tapos bumalik muli sa picture.

“Huh?” Hindi ko ma-process ang dapat ma-process ng utak ko. Kung kapatid niya itong nasa picture, bakit kamukha ni Iliad?

“Did you have the same question I did back when I first saw your son? How come he looked so much like my brother when he was a kid?”

Natulala ako sa picture. “A-anong ibig sabihin nito?”

May inilapag siyang envelope sa center table. Napatingin naman ako sa kaniya. Itinuro niya ang envelope. Binaba ko ang picture at kinuha ang envelope. Hard brown envelope na may lamang dalawang papel sa loob.

De Lima Medical and Diagnostic Clinic.

Iyon ang unang basa ko. Napakunot ang noo ko.

“DNA Test?”

Tumango siya.

Biglang binundol ng kung ano ang puso ko. Tinignan ko ang dulong bahagi kung nasaan ang result.

Subjects A and B are 99% matched.

Ang sumunod na papel ay DNA Test pa rin. Subjects A and C are not matched.

“A is Iliad. B is my brother. C is you.”

Napaawang ang mga labi ko. “Pina-DNA Test mo kami?”

“I’m sorry. It’s against the law, I know. But I am desperate to know how in the world my brother looked so much like your son, which turned out to be not your son.”

Napatayo ako. “This is violations against the law, Atty. Buenaflor.”

Huminga siya nang malalim. “I know. I am at fault for that. But please hear me out.”

Napaupo ako ulit. Binasa muli ang result ng dalawang papel.

“How come he is legally yours when he’s not biologically yours to begin with?” Marahan niyang tanong.

Napatulala ako. Heto na ba ang kasagutan sa matagal na naming gustong malaman? Kung sino ang tatay ni Iliad?

“Atty. Buenaflor, does this mean na anak ng kapatid mo si Iliad?” Gusto kong makatiyak. I knew mula sa results ang sagot but hearing it from someone might help me absorb the shock I just got.

“Biologically speaking, yes. He’s my brother’s son. He’s my nephew.”

“Nasaan na ang kapatid mo kung ganoon? Bakit iniwan ni Ayessa ang anak niya sa school na pinagtatrabahuhan ko?”

“Ayessa?” Kunot-noong tanong niya.

Huminga ako nang malalim at sinimulang i-kwento kung paano napunta sa akin si Iliad. Hindi makapaniwala ang tingin na ibinigay niya sa akin.

“Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita si Ayessa,” imporma ko. “So, nasaan na ang tunay na tatay ni Iliad?”

“My brother died six years ago.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“You said Ayessa’s last call was January? My brother died a month before that. He told me he would have a child. After that, he got into accident.”

Hindi ko alam ang sasabihin? Kung ganoon, pareho ng wala ang tunay na mga magulang ni Iliad? Kaya ba ipinangalan sa akin ni Ayessa ang anak nila? Alam niya ba ang mangyayari sa kaniya?

“The prosecution ruled the accident as simple car crash. But it was not.”

Tumayo siya at naglakad patungo sa glass door. Nakasunod ang tingin ko sa kaniya.

“It was not a mere accident. If what you told me was the truth, then both my brother and Ayessa lost their lives six years ago. I would rule out that Ayessa named the child after you so that there would be no trace of her connection with my brother.”

Napatayo ako. “A-anong ibig mong sabihin? Bakit itatago ni Ayessa ang anak nya?”

“People were after them. To keep their son safe, they had used you. In that manner, no one would suspect that Iliad is a Buenaflor.”

Hindi ko pa rin maintindihan. Ibig bang sabihin murder ang nangyari sa kanilang dalawa? Sa car crash ang isa, ang isa naman ay missing? Sino ang gusting magpapatay sa kanila. Wala ng magulang si Ayessa. Batay sa kwento niya ay pinapaaral lang siya ng foundation na dating pinagtatrabahuhan ng parents niya.

“Bakit?” Namutawi sa bibig ko.

Nilingon niya ako. “I am currently and secretly investigating my brother’s case. I knew something was off. I just had to pick the pieces and arrange them together.”

Napaupo ako. Ibig din bang sabihin nito ay mapupunta sa kaniya si Iliad? Siya ang biologically relative ng anak ko? No. Lhesly. Technically, anak mo si Iliad. Sa iyo nakapangalan ang bata.

“Can you please tell me more about this Ayessa? She’s the missing piece in this game. Probably her family had something to do with their demise.”

Napailing ako. “Wala ng parents si Ayessa.”

“Are you quite sure with that?” Tantiya niyang tanong.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sigurado nga ba ako? Hindi palakwento about sa pamilya niya si Ayessa kaya limited lang ang alam ko.

Umupo muli si Atty. Buenaflor. “Lhesly, uh. Is it okay if I call you by your name?”

Napatitig ako sa kaniya. “Oo naman.”

“Great. So, Lhesly, will you cooperate with me finding the truth behind Iliad’s parents?”

Hindi ko alam ang isasagot. Oo naman. Gusto ko malaman ang nangyri lalo na kay Ayessa. Pero, kapag natapos ang lahat ng ito, mawawala ba sa akin si Iliad?

Mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko. “Iliad is still yours. I do not plan on getting him from your care. I know he’s been taken care of. I just wanted to uncover the truth years ago. I need your help for that.”

Napatango ako. “Wala naming problema. Pwede bang sabihin ko rin ito sa mga kaibigan ko. They’ll be thrilled to know that lliad is your nephew.”

“Sure.”

Walang nagsasalita sa aming tatlo nina Dustin at Hans habang pauwi kami ng Bulacan. Nasa likod ako ng sasakyan habang buhat si Iliad na tulog na. Si Dustin ang nagmamaneho ngayon habang nasa shotgun seat si Hans.

Nagkausap-usap na kami kanina. Tinawagan ko sila para mapaliwanag ang binanggit ni Atty. Buenaflor. We were overwhelmed with the fact lalo na at pinakitaan kami ng legal documents.

“Shall we do the DNA test again?” Basag ni Hans sa katahimikan.

Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ka ba naniniwala?”

I saw from the rearview mirror na napakagat siya sa labi niya.

“Hindi sa hindi ako naniniwala but to make sure, you know?”

“Andrew will not lie about this,” ani Dustin. “He’s not gonna waste his time do the DNA testing and run a background check on us.”

“Yeah. May point,” tango ni Hans. Nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip.

Patuloy lang ang buhay namin ng mga sumunod na araw. Busy na ulit. Hindi na namin gaanong nakasasama si Josh. Bukod sa busy siya sa hospital, kasama na rin niya si Mina. Minsan if maluwag ang sched nila ay sa bahay sila tumutuloy para ma-bond pa rin si Iliad.

Napatingin ako sa anak na busy maglaro ng lego toys niya. Nagsasalita pa siya na parang may kausap. Kakabahan sana ako kung hindi ko lang alam na ganiyan nasiya eversince. Okay lang naman na raw iyon sabi ni Josh. Normal sa bata lalo na at genius si Iliad. Careful kami sa kaniya. Mabilis siya sa mga pag-intindi ng mga bagay.

Natigilan ako sa paggawa ng papel sa laptop nang tumunog ang doorbell. May bisita ba ako na dapat asahan?

“I’ll open the gate, nanay. Stay ka na lang po riyan,” mabilis na sabi ni Iliad na agad tumayo at sumenyas sa akin na siya na. Natawa ako lalo na noong patakbo siyang lumabas ng pinto at dumiretso sa gate.

“Oh. Good afternoon po, Attorney.”

“Hi, big boy. Do you remember me?’

Napatayo ako nang maulinigan ang pag-uusap sa labas. Nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang kausap ni Iliad.

“Atty. Buenaflor!” Bulalas ko. Lumabas ako ng bahay at nilapitan sila. Si Iliad ay nakatingala pa rin kay Atty. Buenaflor. Hindi niya pa binubuksan ang gate.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko pagkalapit.

Nakangiting iniangat niya ang mga bitbit na paperbag. Napakunot ang noo ko.

“Casual visit?” Nakangiwi na niyang sagot noong hindi pa naming binubuksan ang gate. Nakasilip lang kami sa pagitan ng mga bakal.

“Nanay, are you going to let him in?” Hila ni Iliad sa shirt ko.

Bigla akong natauhan at agad binuksan ang gate. “Naku. Pasensya na, Atty. Nabigla ako. Tuloy ka.”

Pumasok siya at saka nagsalita. “You can just call me Andrew. I am not inside a courtroom, so the title seems flamboyant.”

“Oh, okay po, Andrew?” Nakangiwi ko ring tugon habang ginigiya siya paloob ng bahay.

Si Iliad ang nag-assist sa kaniya sa sala.

“You can sit over there, Atty. I’m sorry for my legos. I’ll keep them now.”

“It’s okay, Iliad. By the way, can you just call me Tito Andrew?”

“Huh? But you are an attorney?”

“I am. But I’d appreciate more if you just address me casually.”

“Oh. All right.”

Napangiti ako sa conversation nila. English-ero talaga si Iliad. Mana sa pamilya ng tatay.

Kinuha ko ang mga paperbag na iniabot ni Atty. Buenaflor, uh. Andrew pala. Para raw kay Iliad. For sure ako tatanungin siya ni Iliad kung bakit siya niregaluhan lalo na at hindi naman na niya birthday.

“He’s quite loquacious, isn’t he?” Puna niya habang inihahatid ko siya sa gate.

“Sabi mo pa. Madaldal siya eversince natuto siyang magsalita.”

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. “Can you please tell me more about him? What does he like? How is he in school? And the likes?”

Huminto rin ako ng lakad at tiningala ang tingin sa kaniya. Bakit ba ang tangkad nito?

“Two years ago, habang nasa pre-kindergarten si Iliad ay na-assess siyang genius. Kaya ngayon na dapat ay kinder pa lang siya ay naging Grade 2 na. Accelerated ang pag-iisip niya. Madali rin siyang matuto ng lengguwahe. Alam mo bang kaya niyang magsalita rin ng Spanish at French?” Napangiti ako nang maalala ang gulat naming magkakaibigan nang magsalita si Iliad ng Spanish noong five years old siya. Isang beses pa lang siyang nakapanood ng Spanish documentary noon na courtesy of Hans pero natuto agad siya. Nanood lang din siya ng Les Miserables at ilang Opera shows and voila marunong na siyang mag-French.

“Really?” Nakangiti niyang tanong. “He’s just like my brother then?”

“Genius din ang brother mo?”

Tumango siya. “I’d been thinking for a while, if it is okay with you, can we transfer Iliad to International School Manila? He’ll be surely taken care of.”

“Actually, Dustin has been planning to transfer him sa ISM. Tinatapos na lang ang school year ngayon and currently finding ako ng available item para makalipat near his school.”

“You’re really hands on with him,” aniya.

Nginitian ko siya. “Yeah.”

“Thank you for taking care of him. I can see how much you love my nephew. Please be at ease that I am not going to get him away from you. Let me just be part of his life by visiting him and such.”

“Walang problema, Atty-“

“Andrew,” putol niya.

“Syrelle?” Nabiro ko. Ganda kasi ng first name niya, e.

Napakunot ang noo niya. “You knew my first name?”

Tumango ako. “You are famous online kaya.”

Tumango rin siya. “Not bad hearing it from you. Well, see you around, Lhesly?”

I just smiled at him. Something bothered my heart. Parang hindi ko mapaliwanag.

That night ay kinausap ko sina Dustin and Hans. They were hesitant to trust Syrelle at first. Hindi sanay na malamang may blood relationship si Iliad sa mga Buenaflor.

“Like I’ve told you, Andrew’s nice. Somehow his family is also nice. But we never know behind the façade they’re showing. They are into politics. I knew they are hiding some skeletons in their closet,” Dustin said.

“Okay lang na sa ISM si Iliad. But paano if wala pang available item near his school. Paano? Saka baka mas mapalapit siya sa family niya. Though hindi naman masama. However, basing from Dustin’s word, that family might be just a façade,” ani Hans.

Hindi ko na alam ang iisipin pa. Sumabay pa na ang daming events sa school na pinapasukan ko and sa school ni Iliad. Noong Family Day ay kumpleto kaming magkakaibigan plus Mina and si Syrelle, yes. Syrelle or Sy ang tawag ko sa kaniya. I love making names. Ako nag-nickname kay Haniel ng Hans. Si Josh ay Gabriel or Gab sa labas. Josh ang tawag ng close friends niya sa kaniya. Now, dumagdag si Syrelle, so wala siyang ibang choice.

Maingay ang paligid. Nagkakasiyahan ang mga bata. Naglalaro ngayon ng relay ang parents and kids. Si Dustin na ang sumalang dahil katatapos lang nina Josh at Hans.

“Have you ever missed an event like this?”

“Huh?”

Tiningala ko si Syrelle na katabi ko na pala sa kinauupuan. Bakit kahit nakaupo kami ay mas matangkad pa rin siya sa akin?

Bahagya siyang yumuko at inulit ang tanong. “Have you ever missed Iliad’s events at school?”

“Uh,” umiling ako. “No. Never. I skipped whatever I had to do when it’s Iliad’s events. As much as possible gusto ko na parte ako ng kaniyang paglaki.”

“Iliad is so lucky to have you. Thank you for loving him.”

Napatingin ako sa kaniya. “Walang anuman. It’s my responsibility na rin eversince.”

Hindi na siya nagsalita at nanood na ulit ng game. Nauuna na ang grupo nina Iliad at Dustin. We were cheering for them.

Nakailang laro pa bago natapos ang program. Ngiting-ngiti si Iliad habang karga ni Hans pabalik sa pwesto namin. Nagtatawanan silang magtatatay.

Tumunog ang cellphone ni Sy, Sy na talaga itatawag ko sa kaniya. Mukhang urgent kasi bigla na lang siyang nagpaalam. Sinulyapan na lang niya si Iliad at saka tumango sa akin.

Sinundan ko siya ng tingin. Siguro kung sa kaniya lumaki si Iliad ay close na close siya. Feeling ko sabik siya sa pamangkin niya.

Nang mga sumunod na araw ay busy ulit. Patapos na ang klase kaya ngarag na rin sa school. Mabuti at nakapag-publish na kami ng diyaryo, napasa na sa Region kaya wala na akong problema. Distribution na lang nito ang kailangan sa end ng school year.

Hindi na ulit kami nagkita-kita na naman ng mga kaibigan ko. Busy na ulit sa kaniya-kaniyang field. Hindi na nakauuwi si Dustin kasi nag-iingat na siya lalo na at malaki ang case na hawak niya sa ngayon. Si Hans ay busy na nang bongga. Pasado siya sa exam kaya na-assign-an agad siya ng school na ima-manage. Si Josh ay busy sa buhay may-asawa at siyempre sa hospital. From time to time siya ang bumibisita kay Iliad kasi magkalapit lang naman kami ng bahay.

Si Syrelle ay hindi na rin muna nagparamdam maliban na lang sa panayang pagbibigay niya ng gifts kay Iliad. Alam kong curious na ang anak ko kung bakit lagi siyang may regalo mula sa tito niya. Nahuli ko siya minsang nakatitig sa akin na parang may gustong itanong kaso hindi niya itinutuloy. One time ay hindi siya nakatiis. Nagtanong na siya.

“Nanay, is Tito Syrelle your suitor?”

Nabilaukan ako nang itanong niya iyon. Nakakunot ang noo. Salubong ang mga kilay. Para siyang may in-interrogate. Mana na talaga kay Dustin sa kaseyosohan sa buhay ang anak ko.

“No, anak.”

“Why does he always shower me with gifts? He gifts me every week. Is that normal? Even daddy, tatay, and papa do not give me gifts that often,” nakalabi na niyag turan.

Nginitian ko lang si Iliad. Curious talaga ang batang ito, e. Ang daming tanong.

Hindi naman na siya nag-usisa kaya hinayaan ko na lang. Tuloy sa normal na daloy ang buhay namin. Panaka-naka ay napapanood ko sa TV sina Dustin at Syrelle na nagsimula na sa trial. Mukhang open trial ang nangyayari kasi buong Pilipinas yata ang nakatutok.

Famous influencer at dating artista ang suspect. Parricide ang kaso kasi ayon sa balita ay pinatay niya ang asawa niya na anak ng pamilyang nabibilang sa 1%. Ang ironic lang kasi iyong wife ay ni-re-represent ni Syrelle. Base sa balita ay kamag-anak ng mother side niya iyong victim. Kaya mas lalong sumikat ang case. Involved ang anak ng president.

I was watching the ambush interview kay Syrelle nang makatanggap ako ng tawag mula sa school ni Iliad. Kinabahan ako bigla. Hindi pa naman nila uwian. At never akong nakatanggap ng tawag mula sa school niya nang ganitong alanganing oras.

“Yes po?” Sagot ko sa tawag.

“Is this the mother of Iliad Odysseus Gonzales?”

“This is she. Bakit po?”

“Huwag kayong mabibigla, Mommy, pero nasa Grace po kami ngayon. Naaksidente si Iliad sa may parking area. Currently nasa Emergency room. Wala pa kaming balita kasi kararating lang naman dito. Please be calm. Hihintayin po namin kayo sa labas.”

Para akong nawalan ng hangin. Napakurap-kurap ako at na-blanko bigla ang isip. Nabitiwan ang phone at kinalma ang sarili. Hindi ako pwedeng mag-panic. Nang feeling ko ay kaya ko na mag-drive ay agad akong tumayo at nagpaalam sa head. Hindi ko na nahintay ang locator slip at tumakbo na ako sa parking.

Tumutulo ang luha na bumiyahe ako pa-Grace. Ilang minuto pa bago ako makarating doon kaya grabe ang panalangin ko habang nasa daan. Pilit kinakalma ko ang sarili. Hindi ko alam ang gagawin talaga kapag may nangyaring masama sa anak ko.

Mahaba ang mga segundong lumilipas. Feeling ko sobrang bagal ng oras. Hindi ko na alam kung nasaan ako basta dire-diretso ako sa pagd-drive. Hindi ko na alintana ang ilang overtake at muntik nang pagbangga sa mga kasalubong na sasakyan. Bahala na.

Nang makarating ako sa hospital ay saka ko nalaman ang nangyari.

“Nasa parking area si Iliad habang naglalaro sila ng mga kaklase. Recess naman nila kaya ko muna sila maglaro. Ngayon, hindi namin alam kung bakit may isang sasakyan na bigla na lang humarurot ng takbo. Nabangga si Iliad na hindi agad nakaiwas, Mommy. Sa ngayon po ay hinahagilap na ng security ng school ang sasakyan. Hindi rin namin kilala ang sakay niyon.”

Hindi ako makapagsalita nang kausapin ako ng adviser. Walang rumerehistro sa utak ko maliban na lang sa kaalamang nabangga ng sasakyan si Iliad.

Agad akong napatayo nang ma lumapit sa aming doctor.

“Sino po ang guardian ni Iliad Gonzales?”

“Ako po, ‘dok,” naiiyak kong sagot.

“Misis, kailangan ng dagliang operasyon ng inyong anak. May fracture sa ribs at natamaan ang ilang organs niya. Iyong impact ng pagbagsak niya ay malala kaya namuo ang dugo. Nalapatan na ng paunang lunas ngunit hindi sasapat. Kailangan po siyang operahan. May lalapit na nurse sa inyo habang inihahanda namin ang OR para papirmahan ang consent. Gagawin namin ang aming makakaya para maging okay ang inyong anak.”

Bigla para akong matutumba. Mabuti at nahawakan ako ng adviser ni Iliad. Ooperahan? Ibig sabihin malala nga ang lagay niya?

Pinirmahan ko na agad ang consent kasi pakiramdam ko ay anytime now mawawalan na ako ng malay. Tuloy-tuloy ang luha ko habang nasa labas ng waiting area. Kasama ko pa rin ang adviser ni Iliad na nagsabing sasamahan niya muna ako habang hinihintay namin ang resulta ng operasyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Hindi ko alam if kasama ko pa ba ang adviser ng anak ko o umalis na siya. Napaangat na lang ako ng tingin nang may tumapat sa harap ko at nagsalita.

“Everything’s gonna be fine, Lhesly. Iliad will be fine.”

Parang um-stop ang pagtulo ng luha ko. Nakita kong nakatayo sa harap ko si Syrelle.

Magulo ang buhok niya. Para siyang tumakbo. Mukha ring pinapakalma niya ang paghinga. Napahikbi ako at tumayo para yumakap sa kaniya. I cried my hearts out. Hindi ko napigilang humagulgol sa sobrang kaba para kay Iliad. Feeling ko guguho ang mundo anytime now.

“Everything will be fine. Let us hope for that.”

Published by erbaguinaon

A walking contradiction. Always in reclusion.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started